Kabanata 25

221 3 1
                                    

Text

NASA kuwarto ako. Kanina, inibigay ko kaagad kay Damaris ang cellphone dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi lang kaba, sobra sobrang takot na baka marinig niya ako. Ayaw kong malaman niya na ako iyong nasa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim bago kinuha ang mga napili kong damit sa bag ko. Aalis ako at mag e-enroll sa mga gusto kong unibersidad. Ayos naman siguro ang mga grades ko. Malalaki ito at walang subject akong nasayang. Ang naging problema lang noon sa guro ko noong grade 12 ko, may ilang araw akong absent. Mabuti nalang naagapan dahil ginawa ko lahat ng mga projects na kulang sa akin.

"Dahil talaga 'yon sa pagtira ko kina Ric..." Natigil pa ako saglit dahil sa pagbanggit ko sa pangalan niya. Napailing ako. Ang una ko ngayong gagawin ay hindi magpakita kay Damaris na aalis ako. Baka kasi...ilahad na niya naman sa akin ang cellphone niya.

Lumabas ako ng kuwarto matapos makaligo at makabihis ng damit. Naihanda ko na rin ang pamasahe ko papunta sa mga pupuntahan kong lugar.

E-enroll ako para hindi mahuli 'pag marami ng estudyante. At saka, may nahanap na naman sina mama na grupo na nangangailangan ng studyante. Naihanda na ang scholarship para sa akin. Ang kulang nalang ay makahanap ako ng eskwelahan na sang ayon rin sila.

"Saan you punta, ha? Mukhang may lakad you?" Napalunok ako at agad na lumingon sa likod dahil sa nagsalita. Nasa gate na ako at lalabas na sana nang may magsalita sa likuran ko. Awkward kong nginitian si Damaris.

"Titingnan ko lang mga unibersity dito. First year college kasi ako, e..." sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at agad na napangiti. Ang kaninang nakasimangot na mukha ay agad rin na nawala.

"Ang bata mo pa pala. Ako, 24 na ako. Ikaw...uhm, 17? 18?"

"eighteen..." Tumango siya.

"Oh sige. Huwag ka lang magpapagabi, hmm? Baka ano mangyari sayo, magsumbong ka pa sa pulis at ako ang ituturo mo..." Napatawa ako. Ayan na naman siya.

Ngumiti si Damaris bago kumaway at tumalikod na. Ganoon rin ang ginawa ko. Aalis na ako. Baka magsalita na naman si Aris tungkol sa pagsumbong sa mga pulis na 'yan.

Sumakay ako ng traysikel at ilang oras na nandoon lang sa isang unibersidad. Lunes ngayon kaya may mga professor na nasa eskwelahan. Meron ring mga tao na mukhang kasing edad ko lang. May mga dala silang papeles katulad ko at gumagawa ng linya papunta sa isang malaking classroom. Sumunod ako at naghintay lang.

"Hello, Mama?" sagot ko nang makuha ang cellphone. May mga babaeng napapatingin sa akin kaya medyo hininaan ko ang boses ko.

"Kumusta ka na diyan?" Tumango ako.

"Ayos lang po."

"M-Mabuti naman. Kumusta ang Maynila?"

"Maganda po ang mga buildings. Medyo magulo dahil sa napakaraming tao pero ayos lang po." Napansin ko pagbuga ng hangin ni mama sa cellphone at dahil doon, pansin ko ng may kakaiba.

"Bakit po?" tanong ko.

"W-Wala. Wala naman," si Mama. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba. Hindi ito bago dahil minsan ko ng napapansin ang mga galaw ni mama.

Lalo na iyong graduating ako sa high school. Mga isang buwan ang nakakalipas, minsan may napapansin akong mamahaling sasakyan sa labas ng bahay namin. Malayo ako palagi dahil naglalakad lang ako pagkatapos ng klase kaya hindi ko na naabutan 'pag nasa harap na ako ng bahay namin. Ang palagi ko lang na nakikita sa labas ay si mama na para bang kausap iyong nasa kotse. Dahil sa pagtataka at araw araw nalang iyon nangyayari, hindi na ako nag isip ng kung ano.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon