Kabanata 32

205 6 0
                                    

Matulog Ka Na

NATAPOS rin. Lumabas ako sa isang kuwarto kung saan ako in-interview. Ilang tanong ang nasagot ko at sa tingin ko ayos naman iyon. Wala na ang kaba sa dibdib ko.

Sana...makapasok ako sa isang daang estudyanteng hinahanap nila.

Naglakad ako papalabas. Pumunta ako sa cafeteria nang unibersidad at kumain roon. Tahimik kong hinigop iyong sabaw na mainit pa. May ilang kakatapos lang rin na mga kasing edad ko ang kumakain sa kani-kanilang lamesa. Sa inuupuan ko, ako lang mag isa.

Hindi ko na inisip pa iyon dahil wala naman akong kakilala rito. Iyong iba, ang mga kasama nila sa pag-iinterview, mga kaibigan nila.

Napatingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na. Nang makitang alas kuwatro na ng hapon, kaagad akong tumayo at pumunta sa nagtinda ng mga pagkain para magpasalamat. Tumango ang matandang babae bago nagpasalamat.

Lumabas kaagad ako ng university. Hapon na, at kailangan ko pang ayusin iyong mga damit na nabili ko kanina sa mall. Ako lang mag isa, mabuti nalang hindi ako pinagtingin kanina dahil nagsasalita ako mag isa.

Tinatanong ko kasi ang sarili ko kung ayos lang ba ang damit na iyon. Normal lang naman iyon dahil wala akong kasamang kaibigan para tanungan kung ayos lang ba ang damit sa akin...

"Oh...Willy? Napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya matapos makasakay sa isang traysikel. Bigla bigla nalang napatawag ang kapatid kong ito. At hindi pa talaga nagsalita sumagot agad.

"Wala...ate..."

"May problema ba?" Himig ko sa boses niya ang pagpipigil. Para siyang may gustong sabihin na kung ano.

Napakunot ang noo ko at napaayos nang upo sa traysikel. Huminga ako ng malalim.

"Willy? Nandiyan ka pa ba? Papatayin ko na, ha?" tukoy ko sa tawag. Kaagad niya akong pinatigil at sinabi niyang may mahalaga siyang sasabihin.

"Ano ba iyon?" ako, nagtataka dahil sa kakaiba niyang pananalita.

"S-Si Mama kasi...'di ba nakuwento ko na sayo iyong matandang lalaki na nakakotse habang pumupunta sa atin?" Naningkit ang mga mata ko dahil wala akong maalala. Hindi ko siya maintindihan.

"Ate...iyong kulay puti ang sasakyan? Iyong hindi gaano katandang lalaki na pumupunta sa atin?" Pinipilith niya akong makaalala. Nang pumasok sa isipan ko ang mga salita noon ni Willy tungkol sa lalaking iyon, kaagad na natihimik ako at hindi alam ang itatanong.

Bakit niya 'to sinasabi? May...nalaman ba siya?

"Ate...bumalik kanina iyong lalaki. N-Nag usap sila ni Mama sa labas dahil wala noon si Papa. B-Baka kasi...ano na ang ginagawa ni Mama. Kinakabahan ako..."

"A-Ano ba. Huwag ka ngang kabahan. Hindi magagawa ni Mama magloko, 'no. At saka...baka kakilala niya...lang 'yon." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero, paano kung nagloko nga si Mama? Sino ba kasi ang taong iyon? Kaano ano niya ang mama ko? At, bakit kapag nandoon iyong lalaki....iyon rin ang pag alis palagi ni papa?

Nakarating ako sa apartment na tinutuluyan ko habang kausap ko pa rin ang kapatid ko.

"Ano ang gagawin natin, ate?" si Willy. Huminga ako ng malalim bago nagbayad sa driver. Nagpasalamat ako bago naglakad sa hagdanan papuntang taas kung saan ang ikalawang apartment.

"Wala tayong gagawin, Willy. H-Hindi iyon magagawa ni Mama. Depende pa...Mag iisip muna ako..." sumang ayon ang kapagtid ko. Pinatay ko na ang tawag at agad na hinawakn ang dook knob para makapasok sa loob.

"Yeah! Woh!" Kaagad na natigilan ako. Puro sigawan at tugtog ang maririnig sa loob. May apat na lalaking nakaupo sa sofa habang may mga bote ng alak sa ibabaw nang lamesa. May dalawang babaeng kasama ang isang lalaki at nagbu-bulungan ang mga iyon.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon