Wakas

637 6 2
                                    

Alaric Levine Point Of View

When I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help.

"When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia.

"Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya.

"Come on, just answer my question—"

"Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang."

"How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.

Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?

Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosyong dala dala ko kapag kasama siya?

"Pero...wala na naman iyon. Hindi na ako nahihilo. Hindi na masakit ang ulo ko. P-Pwede mo na silang balikan..." si Lia. That time, we're already close at sa tingin ko talaga noon, kailangan kong alam ang lahat lahat tungkol sa kanya. Buong impormasyon.

"Bakit ka ba ganyan?" Nainis ako noon, inaamin ko. Dahil nga mukhang wala siyang balak e kwento sa akin kung bakit siya biglang nataranta matapos palibutan ng napakaraming tao.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Look, Lia. I'm trying here. Pero hindi mo pa rin gets. Wala ka man lang bang napapansin? Really? Kailangan ko pa bang sabihin para lang malaman mo?" I couldn't stop my self from saying those. Gigil ako. Gusto ko siyang makilala pa, ngunit panandalian lang iyon dahil sa pumasok na naman sa isip ko.

Why am I feeling this kind of emotion? Bakit ko gustong mas makilala pa siya? Why am I worried of her? Nababaliw na ba ako?

"Hoy!" Bumalik ako sa realidad nang biglang may umagaw sa bagay na nasa kamay ko. Napakurap ako bago nagsalubong ang kilay kay Paul.

"May ginagawa ako. Give me back my—"

"Malapit na ang kasal mo pero hindi ka pa rin marunong mag share. Sabihin mo na kasi..." pamimilit ng gunggong.

"Umalis ka nalang kaya?" Bumalik ako sa ginagawa ko.

Kumuha ako sa drawer ng isang ballpen at pinagpatuloy ang pagpeperma. Kakailanganin 'to mamaya kaya tapusin ko na.

"Oh, Lia..." Maya maya pa ay agad na naangat ang paningin ko dahil sa gulat na boses ni Paul. Hinanap ko sa buong kuwarto ang girlfriend ko, ngunit wala akong nasilayan.

Inis na sinimangutan ko si Paul na ngayon ay pinipigilang matawa.

"Umalis ka na..." Umiling ako at kinalma ang sarili.

Sinunod ni Paul ang sinabi ko ngunit nang aasar pa rin ang ekspresyon at boses. Para siyang batang gustong sumabog sa inis ang kalaro.

Ilang oras na nanatili ako sa opisina at tinapos ang ginagawa. Naisip kong i-text sana si Lia nang mag alas tres ng hapon dahil plano kong kumain sa isang restau kasama siya, ngunit bigla akong tinawagan ng sekretarya ko at pinaalam na nasa baba ng building ang girlfriend ko.

Agad akong napangiti at mas lalong sumaya bago ko pa ise-send ang ite-text ko sana sa kanya, may text na siyang ipinadala sa akin.

My young bride:

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon