Young Bride
"SO, you love me?"
"O-Oo nga!" Kanina niya pa ako paulit paulit na tinatanong niyan. Nakaupo kaming dalawa sa sofa ngunit siya, hindi matanggal ang yakap sa akin. Ang mukha niya ay nasa balikat ko nakapatong. Rinig na rinig ko ang malalim niyang boses habang nagsasalita.
"I love you also, Lia..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.
Gusto kong ngumiti, ngunit naroon pa rin sa isip ko iyong mga sinent ng kapatid ko sa akin.
Bakit ba nandoon ang papa ni Ric? Dahil ba sa mga nasabi ko kagabi? Bakit siya ganoon sa akin? Ni wala pa siyang nakikitang ebedensya. Bakit siya naniniwala agad?
"A-Anong oras na nga?" tanong ko.
"Hmm? Alas tres na ng hapon. Bakit? May gagawin ka ba?"
"U-Uhm...Oo. Nangako kasi ako kaninang umaga kay Damaris na ngayong araw na ako magt-trabaho sa cafe. Alas singko ng hapon ako magsisimula..."
"Anong oras ka matatapos? Hatid na kita roon. Kunin na rin kita kung anong oras ka matapos sa trabaho mo..." Napatango ako at saka napangiti.
Ang bait ni Ric. Parang suportado siya sa lahat ng gagawin ko.
"Alas nuwebe ng gabi. Te-text nalang kita..."
"Hmm...Okay..." Wala ng imikan na naganap. Hindi naman awkward dahil parang komportableng komportable si Ric sa ginagawa niya. Kahit ako rin naman.
Ito ang una naming yakapan na halos mag iisang oras na. Ngunit, parang ayaw kong bitawan niya ako. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. Parang...matagal ko itong hinahangad.
"Siya nga pala, where's my gift, hmm? Akala ko ba—"
"Hala! Oo nga pala. T-Teka..." Agad kong inalis ang mga kamay niya sa bewang ko. Dali dali akong tumayo at saka pumasok sa kuwarto ko. Tumatakbo akong bumalik sa sofa ng makuha ko na ang paper bag.
Nakakakaba. Ito na naman. Sana...magustuhan niya.
Nakita ko siyang pagod na nakakamot sa batok niya. Nang mapansin niya akong may tinatago sa likod ko, agad siyang napatikhim at saka ako nginitian.
"Nasaan na?" tanong niya, kumikislap ang mga mata.
Pumikit ako ng mariin bago inilabas ang paper bag na nasa likod ko. Dalawang kamay ang ginamit ko habang inilahad ko iyon. Tikom ang bibig ko dahil naghihintay ako sa magiging reaksyon niya.
"I-Ito oh, tingnan mo..." sinabi ko.
Nakita kong umamba siyang kukunin iyong paper bag. Pero imbis na iyon lang ang abutin niya, sinali niya ang kamay ko at agad na napaupo ulit ako sa sofa. Sa pagkakataon na ito, hindi na siya nakayakap sa akin, ngunit malapit sa bewang ko ang kamay niya. Hindi iyon nakalapat. Para nag ibigay suporta lang na baka aalis ulit ako sa tabi niya.
Napasinghap ako.
"Ano kaya ang laman nito..." rinig kong bulong niya habang isang kamay lang ang gamit sa pagbubuka ng paper bag.
"Wow...A t-shirt, huh..." Kinakabahan ako dahil baka hindi niya gusto.
Kasi, hindi naman iyan mahal. Hindi kagaya ng mga suot niyang mukhang iba't iba ang brand. Napakalinis at bango pa. Walang wala sa t-shirt ko na nabili sa mall.
"U-Uhm...nalabhan ko na iyan, huwag kang mag alala. Hindi rin mahal iyan. Pasensya na, iyan lang kasi ang nakaya—"
"A loves A? Alaric loves Ailia? Ailia loves Alaric?" Napapikit ako nang una dahil sa lalim ng boses niya. Nasa baba lang ang paningin ko at nahihiyang itinitiklop ko ang mga daliri ko.
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...