Kabanata 5

520 12 0
                                    

Maynila

NAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.

At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati.

"Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."

Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to.

"Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti.

"Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam.

"Kailan siya...dumating?"

"Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong dalawang kilay ko at saka napalunok.

"Sige, mauna ka na doon. Magbibihis na muna ako." Tumango si Missy at agad na sinunod iyong sinabi ko. Ayoko sana siyang palabasin dahil nakakahiya kung titingnan. Bago pa lang ako rito. Hindi ko dapat inuutos utusan nalang ang mga kasambahay sa mansyon na ito.

Wala akong karapatan.

Nagbihis ako ng komportableng damit sa pang itaas at pang ibaba. Nang matapos, kaagad na lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa dining area.

Nakabalik na si Ric. At, mukhang ako yata iyong unang nakaalam noon.

Huminga ako ng malalim.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ngunit, sabi nga ni papa. Kailangan kong maging tahimik at masunurin. Hindi ako pwedeng maging madaldal. Lalo na sa harapan ng magiging asawa ko.

Pero...hindi naman si Ric iyong papakasalan ko, hindi ba? Ayos lang naman yatang magsalita ako kahit ilang mahahaba lang 'pag kasama ko siya.

Dahan dahan kong binuksan ang double doors na lagi kong dinadaanan. Kaagad na luminga linga ako sa paligid para tingnan kung may tao bang nasa paligid. Natigilan ako nang malamang meron nga.

Isang lalaki.

Ilang saglit kong pinagmasdan ang napansin kong taong naglilinis ng mga picture frames malapit sa malaking TV. Nasa living room na ako. At sa kabilang banda pa ang dining area.

Kaagad na napakurap ako nang mapansin ako ng lalaki. Tumigil siya sa ginagawa niya at hinarap ako. Nakataas na ngayon iyong dalawang kilay niya na para bang tinatanong ako kung bakit ko siya pinagmamasdan.

Napalunok ako.

Bakit ba ako tumigil sa paglalakad? Napailing iling ako sa isipan ko at agad na humarap sa daanan kung saan papunta ang dining area. Nagsimula ulit akong maglakad.

"Hey, teka!" Natigilan ako at ilang saglit pa bago hinarap iyong lalaking hindi ko akalain na tatawagin ako. Nahihiya ko siyang tiningnan.

Ngayon ko lang napansin ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Tumigil siya sa harapan ko at agad na napabuga ng hangin.

Naglahad siya ng kamay na siyang nagpagulo sa isipan ko.

"I am Clint. Ngayon lang kita nakita dito kaya ganoon ako kanina makatingin. Pasensya na." Ramdam ko ang paghihintay niya sa paggalaw ng kamay ko. Ngunit, nanatiling lantang gulay iyong balikat ko.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon