Maagaw Siya
SERYOSO ba talaga siya?
"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.
Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina.
"Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko.
"G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."
Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa.
"Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng kuwarto at naabutan ang lalaki na nasa ganoon pa rin na pwesto.
Napatayo siya at napangiti nang makita ako. Naka dress ako ngayon hanggang tuhod at hindi na itinali ang hindi gaano kahabang buhok.
"You look beautiful tonight..." Seryoso ang tono ng boses ngunit natutuwa ang ekspresyon. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga mata ni Ric na nasa akin lang nakapokus.
"S-Salamat..." sinabi ko, namumula. Kapag kino-compliment ako ni Ric, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Ganito talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Palaging kumakalabog ang dibdib mo. Komportable ka sa kanya at sa tingin mo, makakaya mo ang lahat ng pagsubok kapag kasama siya.
Agad nawala ang kaba ko dahil sa isipin na 'yon. Mamaya makikita ko ulit ang mama ni Ric. Magiging matapang ako. Alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan kaya haharapin ko siya.
"Hali ka na?" si Ric. Sumang ayon ako at sabay kaming lumabas ng apartment.
Pumasok kami sa kotse niya at tahimik siyang nagmaneho. Nakabukas ang radyo ng kotse niya at napapangiti ako dahil sa kanta na sinasabayan ni Ric.
Wag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Di ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema
Wala akong iba
Di tulad ng iyong hinalaKahit mahina ang boses niya, rinig na rinig ko iyon dahil siya lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Pansin ko ang napakalinaw na pagbigkas niya ng mga salita habang kumakanta.
Ang ganda ng boses niya...
Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman ano ba ang dahilan
Ng pansatamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita pero kelangan ko lang mag-isaWag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa atin dalawaMas lalong lumapad ang ngiti ko. Alam ko rin ang kantang 'yon. Sinubukan kong bigkasin ang mga salita at sinabayan ang tono ng singer na si Yeng Constantino na kumakanta mula sa radyo.
Pansin ko ang pagbaling sa akin ni Ric. Magsasalita na sana siya ngunit tumingin din kaagad ako sa kanya. Tumigil siya sa gagawin sana at napangiti na ibinalik ang paningin sa daan.
Sinabayan niya akong kumanta. Lumakas ang boses namin. Napapikit ako habang kinakanta ulit ang chorus.
Wag mong isipin na hindi ka na mahal
Sarili ko'y hahanapin ko lang
At ang panahon at oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa atin
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomansWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...