Kabanata 49

191 3 1
                                    

Past Ruined It all

"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat.

"Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako.

"Take your time..." sinabi niya.

"Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.

Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.

Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.

Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman.

"U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang tawag.

Nanginginig na inabot ko sa kanya ang toothbrush at hindi nababasag na baso. Napansin niya ang paggalaw ng kamay ko kaya agad siyang nagtanong kung maayos lang ba ako. Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Ayos lang. M-Medyo gutom lang," sinabi ko. Naguguluhan ang mga mata niya ngunit inalalayan pa rin ako na pumunta sa may lamesa.

Nandito pa rin kami sa Ospital. Noong araw palang nakita nila ako sa CR ng restau kung saan kami kumakain ni Ric, duguan na ang ulo ko noon at wala ng malay. Mabuti nalang at may mga naaalala pa rin ako. Sa mga palabas kasi kapag ganoon, amnesia na agad.

"Sila...mama pala?" Naikwento sa akin kaninang umaga ni Ric na darating sila ni mama rito para bisitahin ako. Nakakagulat nga rin dahil kahapon nandito ang pamilya ni Ric. At kasama rin ang papa ko. Ngunit ang mas nakakagulat pa rito, ang tumawag mismo sa mama ko at kapatid ko para papuntahin dito ay ang papa ni Ric.

Ilang araw na ang nakakalipas simula noong nag away kami ni Ric dahil sa sagutan nila ng papa niya. Ngunit ngayon, daig pa ni papa mag alala ang papa ni Ric.

Babalik ulit buaks sila papa.

"They are on their way. Tomorrow, makakasama mo na ulit ang pamilya mo..."

"Salamat..." bulong ko. Ngumiti lang si Alaric at sinubuan ako ng sopas.

"Ang business trip mo pala?" Nagtaka ako dahil mukhang hindi na nababanggit iyon ni Ric.

"Hmm, wala na 'yon..."

"B-Bakit? Hindi ba importante iyon?"

"Mas importante ka." Inabot niya ang tubig at ibinigay sa akin. Lumunok ako bago siya napagmasdan.

Nagtaka siya dahil natigilan ako.

"Why? May masakit ba sayo?"

"W-Wala naman. Napakaswerte ko lang. Salamat sa lahat, Alaric..."

"Mas maswerte ako. Sobrang swerte ko dahil nakilala kita..." Hinaplos ko ang pisngi niya ngunit ngumiti nalang siya.

Pinagpatuloy ko ang kinakain ko, ngunit agad din na natigil dahil sa tanong ni Ric.

"Noong nasa restau tayo, sigurado ka ba talagang siya ang nakita mo?"

"O-Oo naman. Bakit?"

Hindi ba siya naniniwalang si Bea 'yong may gawa kung bakit ako nandito ngayon sa Ospital.

"Naniniwala ako, Lia. It's just kaya mo bang humarap sa kanya? Wala tayong ebidensya..."

"Anong ibig mong sabihin?"

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon