Levine
"MAG IINGAT KA, Lia. Nandito lang kami palagi..." si Mama nang makalabas sa pintuan ng apartment namin. Dala dala ko ang bagahi ko sa kanang kamay habang tinutulungan ako ni Willy sa isa ko pang bag. Lumabas ako ng apartment namin bago humarap kina mama at papa na ngayon ay naghihintay na sa akin.
"Opo. Mag aaral rin ako ng mabuti para sa inyo. Kung pwede rin, magtrabaho rin ako para naman hindi kayo medyo mahirapan..." Ngumiti ako. Sumang ayon si mama pero si papa umiling.
"Baka ikaw pa ang mahirapan. Dapat komprable ka roon at hindi namo-moblema." Lumapit sa akin si papa at kinuha sa balikat ko ang malaki kong bag. Pinasok niya iyon sa isang traysikel na nasa likod nila mama. May driver rin doon na naghihintay at paniguradong nakikinig sa usapan namin.
"Pa, ayos lang. Ang importante naman maayos ako doon, 'di ba? Magiging okay ako. Huwag kang mag alala."
"Siguraduhin mo lang. Ang susunod sayo si Willy kaya pagbutihin mo."
"Huwag mo naman pressure-n ang anak mo, Glen!" awat ni mama dahilan para matawa kami ni Willy. Sabay kaming napailing bago ako pumasok sa traysikel na sila mama pa ang nagbayad para sa akin.
"Mamimiss kita, anak..." Napangiti si papa dahil sa narinig namin mula kay mama. Kahit ako ay napangiti. Minsan lang mag-drama si mama kaya sobra sobra akong nakaramdam ng saya.
"Mamimiss ko rin po kayo. Mahal ko kayong lahat..."
"Yehey!" Tumawa si Willy. Nagtawanan kami hanggang sa nagsimula nang umandar ang traysikel. Umayos ako ng upo sa loob bago kumaway sa papalayo ko ng mga magulang.
Noong bata pa ako, minsan si mama ang kasama ko kapag pumupunta sa mga lugar. Sanay na akong bumyahe mag isa dahil gawain na talaga namin iyon ni Shiela noon pa. Ngayon, mag isa na naman ako. Walang Shiela at walang mama ko. Mukhang kaya ko naman. Nakaya ko nga noon kina Alaric—
Natigil ako at napatingin sa cellphone ko. Ilang beses kong binasa ulit iyong mga mensahe ni Jessica sa akin tungkol kay Ric. Parang...gulat pa rin ako. Kahit na ika-sampong beses ko na yata itong nabasa, naroon pa rin sa nararamdaman ko ang pagkabigla.
Hindi lang talaga ako makapaniwala. Napaka imposible kasing nag away sila ni Bea at bigla nalang rin umalis siya ng bayan nila. Pumunta pa siyang maynila. Ngayon na doon rin ang punta ko, hindi ko na alam. Kinakabahan ako kahit na hindi dapat. Siya ang may nagawang masama kaya hindi dapat ako matakot kung magkita man kami muli.
"Nandito na po tayo." Matapos ang ilang oras na nakasakay lang ako sa traysikel, tumigil ang sinasakyan ko at sinabing nasa terminal na kami ng bus papuntang Cebu City. Sa eroplano ako sasakay papuntang Maynila kaya sa ngayon, sa Cebu muna ang byahe ko.
Bumaba ako ng traysikel at agad na sumakay sa bus. Naging madali lang ang oras at nasa eroplano na agad ako. Kakasakay ko lang kaya nasa Cebu pa ako at papunta pang Maynila. Para sa pag aaral ko at para sa pamilya ko. Hindi ako makapaniwala na sa Maynila na agad ako mag aaral.
Walang alam si Shiela. Ang sinabi niya lang sa akin, sa Maynila rin siya mag aaral. Hindi niya alam na doon din ako. Ano kayang magiging reaksyon niya 'pag nagkita kami? Sana parehas kami ng unibersidad na papasukan.
At sana rin, may maging kaibigan ako doon. Hindi kagaya noong high school days ko. Isang kaibigan lang ang meron ako at palagi pang umaabsent. Mabuti nga at naka-graduate iyon.
Nakatulog ako sa eroplano dahil sa pagod. Hapon na at malapit ng mag gabi nang magising ako. Kinuha ko kaagad sa isang bag ko ang pagkain na inihanda ni mama para sa akin.
Ang mamahal ng mga pagkain rito sa eroplano. Mabuti nalang hindi ako makakagastos dahil may baon akong masarap na pagkain.
Jessica:
BINABASA MO ANG
The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)
RomanceWalang alam si Ailia tungkol sa kung sino ang papakasalan niya. Ang sinabi lang sa kanya ay kailangan niyang manatili sa mansyon, sa amo ng papa niya. Hindi niya pa ito nakita at ni pangalan nito ay hindi niya pa narinig. Kaya niya bang manatili sa...