Kabanata 22

213 3 0
                                    

Regret

IYAK ako ng iyak pagkatapos makabalik sa amin. Ilang beses kong pinagsalitaan ng masasakit na salita si Alaric sa isipan ko. Kahit na hindi ko dapat iyon isipin, wala akong magawa dahil sobra sobra ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

Nanghihinayang ako sa mga pinagsamahan namin. Oo kaunting panahon lang iyon, pero napalapit na ako sa kanya! Mabuti siya at maalaga. Pero noong una lang pala iyon. Pinaikot niya ako na ako lang ang gusto niya! Akala ko totoo iyong sinabi niya kahit na alam kung nag sinungaling na siya noon sa akin.

Nakakapikon na nakakalungkot...

"Bakit ka umiiyak? Bakit ka nagagalit sa kanya gayong sinabi mo na wala kang nararamdaman para sa kanya?" Napasinghot ako bago humarap kay mama. Nakayakap pa rin ako sa kanya habang nakahiga sa kama. Nandito kaming dalawa ngayon sa kuwarto ko.

"Ma...May kahalikan siya. Nasasaktan ako..." mariin kong sinabi bago malakas na napahagulgol. Napansin ko ang pilit na ngiti na mama bago pinahiran ang mga luha ko sa pisngi.

"Alam mo, ilang beses na akong tumalikod sa papa mo noon..."

Hindi ako nagsalita.

"Ilang beses ko siyang tinakbuhan pero patuloy niya pa rin akong nakukuha at naibabalik sa kanya. Naalala ko pa nga iyong sinabi niya sa akin..."

"A-Ano po 'yon?"

"Kapag mahal mo ang isang tao, hahabulin at hahabulin mo kahit gaano naman kalayo ang narating niya. Ganoon ako sayo...Sabi niyang ganoon..." mahinang kwento ni mama. Natigil ako kaka-hikbi at saka naalala na naman iyong mga salita ni Ric patungkol sa nararamdaman niya sa akin.

"Iyong Papa mo, driver lang iyon ng mga bulaklak dati. Habang ako walang masakyan pauwi dahil umuulan na at wala ng mga traysikel, sa kanya na ako sumabay. Mabuti nalang talaga at nandoon iyong Papa mo noon, kung hindi baka may nangyari na sa aking masama..."

"Bakit po?"

"Sa dadaanan ko kasing kalsada sana, may mga nag iinuman. At kinabukasan, narinig namin na may awayan roon na nangyari noong gabi na sumabay ako sa Papa mo..."

"Uhm...Paano po kayo nagkakilala ni Papa? Bakit sa kanya ka sumabay?"

Napatawa si mama at natigilan ako dahil napansin kong hindi na ako umiiyak. Napakurap ako at pinagmasdan ang mga mata ni mama na kumikinanang.

"Fourth year college ako no'n. Graduating. Mahilig ako sa mga bulaklak kaya palagi akong bumibili sa flower shop kung saan nagt-trabaho ang Papa mo." Napatango ako at napasinghot. Inayos ko ang mga buhok na napupunta na sa gilid ng mukha ko.

"Lia, ayos lang sa akin kung magkagusto ka sa amo ng Papa mo. Pero sana...huwag mo pa rin pababayaan ang pag aaral mo..." Natigilan ako at pilit na ngumiti kay mama. Kung magkagusto man ako kay Ric, hindi ko na alam kung kailangan ang araw na iyon o mangyayari ba talaga iyon. Sa ginawa niya, hindi ko na alam.

"Ma, sa sinabi mo pala kaninang umaga, payag po ako. Pagkatapos ko dito, sa maynila ako mag aaral..." sinabi ko, seryoso ang tono ng boses. Nakita ko ang mabilis na panlalaki ng mga mata ni mama bago lumarawan sa mukha ang saya.

"Mabuti kung ganoon. May kakilala akong may bahay roon. Pwede ka doon tumira. Tatawagan ko siya mamaya..." Napatawa ako.

Hindi pa naman ngayon. May ilang buwan pa ako bago mag college. Depende pa kung saang umibersidad sa maynila ako papasok.

Naisip ko rin, sinabi kanina ni mama na sa maynila ako mag-college para maiwasan ko na siya. May punto si mama roon at sang ayon ako. Kanina, nagda-dalawang isip pa ako nang hindi pa ako nakapunta kina Alaric. Pero ngayon tama na. Mag aaral ako sa maynila pagka-graduate ko sa high school. Tama na iyong nakita ko para layuan siya.

The Young Bride of Mr Alaric Levine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon