Chapter 02
PATAKBO akong pumasok sa CR para mag-shower. Alas-siyete na ng umaga at alas-otso ang start ng laro nina Ricci.
Napuyat ako dahil iniisip ko kung totoo ba ang mga nangyari kagabi sa lumang basketball court. Sino ba naman kasing makaiisip na nando'n si Ricci at saka sinabi ng manager niya na may iba pa siyang pupuntahan. Ang hirap talaga paniwalaan. Gayunpaman, mayroon sa loob ko na gustong paniwalaang siya nga at wala nang iba ang nakausap ko.
Habang naliligo ay nag-e-echo pa rin sa tainga ko ang mga sinabi kagabi ng pinaniniwalaan kong si Ricci.
"See you, Queen. I'd love it if you wear yellow dress again."
Tinawag niya akong 'Queen.' Dati ay ayoko sa pangalan ko na iyon dahil hindi naman kami gano'n kayaman pero nilagyan pa talaga ni Mama ng Queen ang pangalan ko. Hindi naman ako reyna pero nang marinig ko 'yon mula sa bibig mismo ni Ricci ay iba ang kilig na naramdaman ko.
Lord, siya na po ba ang hari na hinahanap ko? Kinikilig ako habang patapos na akong mag-ayos ng sarili.
***
TAPOS na ang first quarter nang makarating ako sa arena. Napakaraming tao rito. Madalas akong manood ng game ni Ricci pero hanggang gen ad lang dahil 'yon lang ang kaya ng budget ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay sobrang lapit ko. VIP ticket ang ibinigay niyang ticket sa akin. Ang saya kasi mas intense ang laro kapag nasa ringside ka.
Ang kabilang side ay mga pawang naka-blue at ang kabila naman ay mga naka-maroon. Pumuwesto ako sa mga naka-maroon dahil ito ang kulay ng team nina Ricci. Para nga lang akong t*nga kasi lahat ng nasa paligid ko ay naka-maroon at ako naman ay nakadilaw. Angat na angat ang kulay ng damit ko. Pero hindi ko na rin pinansin iyon kahit na maraming nakatingin sa akin.
Hinanap agad ng mga mata ko si Ricci. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad siya na nagdi-dribble ng bola. Iba ang kaguwapuhan niya lalo na kapag nakasuot ng jersey. Nakasuot din siya ng headband.
Hindi ko na masyadong napanood ang laro nila dahil kay Ricci lang nakatuon ang pansin ko. Lahat ng galaw niya ay sinusundan ko ng tingin. Bawat pag-shoot ng bola, pagpunas ng pawis, pag-inom ng tubig . . . sa kanya lang napako ang mga mata ko. Iniisip ko kung naaalala niya kaya ako o hindi.
Natapos ang laro at panalo sina Ricci. Nag-alisan na ang mga audience dahil may susunod pang laro mula sa ibang university. Lumabas na rin ako ng court at umupo sa isang bench na malapit sa dugout. Dahil VIP ang ticket ko ay sa exit din ako ng mga players lumabas. Excited ako dahil alam kong malaki ang chance na makita ko si Ricci nang malapitan.
Pagkalipas ng ilang minuto ay isa-isa nang lumalabas ang mga players mula sa dugout. Mga bagong ligo sila at may mga naghihintay rin na sa tingin ko ay mga kamag-anak o girlfriend nila.
Nakita ko si Ricci na palabas na ng dugout kasama ang tatlo niya pang teammates. Ang isa ay maputi at singkit ang mga mata na kung matatandaan ko ay 'Sy' ang apelyido. Iyong isa naman ay kayumanggi ang kulay at may sobrang kulot at makapal na buhok na nilagyan na lang ng headband. Ang isa naman ay maputi rin pero mukhang tahimik lang. Lahat sila ay mga guwapo pero mas nangingibabaw talaga para sa 'kin ang kaguwapuhan ni Ricci. Pare-pareho silang naka-maroon na hoody at fresh na ang mga itsura nila.
"Do you know her?" tanong ng maputi at singkit na 'Sy' yata ang apelyido nang biglang huminto si Ricci sa harapan ko.
Oh . . . my god! Natatandaan niya ba 'ko? Bigla akong kinabahan. "Hi, I'm Blaze," dugtong pa nito bago ako kinindatan.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.