Chapter 21

45.7K 1.1K 201
                                    

Chapter 21

IT'S been a week since I last saw Ricci. Iyon 'yong araw na nag-practice game sila sa university namin at kumain kami ng samgyupsal. After that, I haven't heard anything from him anymore. Sabi naman ni Juan ay kasama niya ang parents niya pero bakit gano'n? Wala siyang paramdam kahit isang text o tawag man lang.

Sa aming dalawa, siya ang laging nauunang mag-text dahil sinabi ko sa kanya na ayaw kong makaistorbo sa kanya kung sakaling may ginagawa siya. Nasasaktan ako at pakiramdam ko ay wala akong halaga sa kanya, na one second you're his everything then two seconds, you are nothing.

Ayokong maging annoying. Ayokong maging toxic. Ayokong magalit sa kanya dahil lang hindi niya ako pinansin nang isang linggo. I didn't want to say things to him over a text message 'tapos pagsisisihan ko dahil mali pala ako ng akala. Ang gusto ko lang naman ay makita siya. Gusto ko lang naman mayakap at makasama siya.

"Are you okay, Zivs?" tanong ni Mary.

Wala akong ganang kumain. Kanina pa nila sinasabi na namumutla ako at kung gusto ko raw bang pumunta sa infirmary dahil mukhang anytime daw ay babagsak ako.

"Okay lang ako. Huwag n'yo 'kong isipin," walang-ganang sagot ko habang iniikot ko sa tinidor ang in-order kong carbonara na hindi ko pa nabawasan simula kanina.

"Wala bang sinasabi si Blaze sa 'yo about kay Ricci, Kams?" tanong ni Mary kay Kamila. Umiling naman ito.

"Wala. Sinakal ko na siya at binugbog pero wala talaga akong makuhang info sa kanya about kay Ricci. Hindi nga raw uma-attend ng training and class. Saan naman kaya magpupunta iyon?" sabi ni Kamila.

"Basta kapag nalaman ko na may ginagawang kag*guhan sa 'yo ang Ricci na iyon, Zivawn, papatayin ko talaga si Blaze," sabi pa niya at mukhang seryoso siya sa sinasabi niya.

"Ba't naman nadamay si Blaze?" tanong ni Mary.

"Well, beshie sila 'no at sinabi ko na bantayan niya si Ricci 'tapos ito siya ngayon? Hindi man lang siya mapakinabangan," sagot naman ni Kamila.

Ngumiti lang ako nang malungkot dahil pati ibang tao ay nadadamay na sa mga nangyayari sa buhay ko. Paano na lang ako kung wala sila? Baka sumuko na ako sa buhay.

Dalawang araw na lang at birthday na ni Ricci. Gusto ko na ako ang unang babati sa kanya pero mukhang imposible na iyon dahil mukhang wala naman siyang balak na magparamdam na sa akin.

"Uuwi na muna ako," paalam ko kaya tumango naman sila. May susunod pa na klase pero wala na talaga akong gana, at kahit pasukan ko pa ay alam kong wala naman akong matututuhan. Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi siya. Para ako t*nga na naiiyak sa mga sandaling ito.

Sinabi ko no'n na priority ko ang pag-aaral, pero ito ako at hindi makapag-aral nang maayos dahil iba ang laman ng isip ko. Pakiramdam ko tuloy, lahat ng makasasalubong kong lalaki, kamukha niya. Iyong lalaking naghihintay sa bus stop, iyong lalaking nagwi-withdraw sa ATM, iyong lalaking may kasamang girlfriend at ang saya-saya nila, pati iyong lalaking katabi ko sa UV. Lahat na lang kamukha niya. Kahit saan ako tumingin ay siya ang nakikita ko. Normal pa ba ako?

***

NAPAUPO ako sa kama ko at niyakap si Zicci nang makauwi ako sa apartment.

"Zicci, gano'n na lang ba iyon? Maglalaho na lang na parang bula? Ang sama-sama niya. Bakit niya ginagawa 'to sa akin?" sabi ko saka mabilis na pumatak ang mga luha ko..

Sinasabi ko no'n na parang t*nga ang mga tao na umiiyak para sa pag-ibig, na parang babae lang or lalaki lang iiyakan na nila. Pero iba pala talaga kapag pinaramdam sa 'yo ng tao na special ka 'tapos bigla kang iiwanan sa ere. Parang may tinik na tumutusok sa puso mo kada segundo—sobrang sakit.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon