Chapter 09

47K 1.2K 50
                                    

Chapter 09

"GOOD EVENING, ma'am and sir. Here's your order . . ."

Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi kay Blaze dahil nakasuot pa siya ng uniform na pang-waiter. May dala siyang tray na may lamang pasta at wine. Ibinaba niya muna ang pasta sa table bago siya nagsalin ng wine sa glass namin ni Ricci.

"Thanks. Here's your tip," sabi ni Ricci sa kanya at inabutan siya ng isang libo. Mabilis niya namang kinuha iyon.

Bakit binibigyan siya ni Ricci ng pera, eh, mayaman din naman siya? Noong nag-search kasi ako about sa kanila, marami akong nabasa na article kung gaano karaming kompanya ang pagmamay-ari ng pamilya nila.

"Ito lang?" reklamo pa ni Blaze. Kumuha ulit ng isang libo si Ricci sa wallet niya at iniabot dito.

"2k seryoso ka ba rito, bro?" naiinis na tanong ni Blaze.

"Fine, here's my card. Mag-withdraw ka na lang muna since wala na akong cash dito," sabi na lang ni Ricci at sinenyasan ito na umalis muna. Halos mapatalon sa tuwa si Blaze bago tumakbo palabas ng court. Narinig ko pa na sumigaw siya ng 'babalik na lang ako mamaya' bago kami iniwan.

"Gipit ba siya?" tanong ko. Alam ko naman kasing mayaman talaga si Blaze.

"Kind of . . ." sagot ni Ricci sa akin pero parang hindi ako naman makapaniwala.

"Bakit?" tanong ko pa kasi ang alam ko ay ipinakilala sila ni Kamila sa isa't isa at engaged na sila. Mukhang pinu-pursue naman ni Blaze si Kamila dahil doon. Wala naman akong nabalitaan kung na-bankrupt ba ang kompanya nila or something.

"He's engaged with someone else but his Mom heard that he's dating another girl. Everything is suspended including his car and credit cards unless he makes his fiancée agree with their engagement. That's all I know," paliwanag ni Ricci. Dahil doon ay naging malinaw na sa akin ang lahat.

"Si Kamila . . ." saad ko na nagpaangat ng tingin ni Ricci sa akin.

"You know her?" tanong niya at tumango ako.

"Best friend ko," sagot ko saka sumubo ng pasta. Mukha kasing masarap kaya gusto ko na agad itong tikman.

"Really? If that's the case, please help that crazy guy para maging close sila. I'm gonna get broke, kasi sa akin siya nanghihingi ng allowance," sabi ni Ricci.

"Ayoko."

Nagulat siya sa sinagot ko.

Huminga ako nang malalim at inisip ko kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang side ko. "Alam mo kasi, para sa akin ay hindi naman laro ang pag-ibig. Eh, kung gusto talaga ni Blaze si Kamila then dapat gumawa siya ng paraan para makuha niya ang tiwala at matamis na oo ni Kamila. Kung hindi naman, hayaan na natin si Blaze sa kung ano ang gusto niya kasi hindi naman natin puwedeng kontrolin ang puso ng isang tao. Sabi nga ni Selena Gomez sa kanta niya, 'The heart wants what it wants.' Mahirap 'yong ipipilit mo ang sarili mo na mahalin ang taong hindi mo naman talaga mahal," mahabang paliwanag ko at ipinagpatuloy na ang pagkain ko.

"Bakit?" tanong ko kay Ricci nang hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa akin after kong sabihin iyon. Umiling naman siya kaagad bago napangiti.

"Nothing. I just realized that you're right. We can't really control someone's heart," saad niya bago ininom ang wine habang nakangising tinitingnan ako.

Nag-usap na lang kami tungkol sa maraming bagay at inabot na kami ng madaling araw kaya inihatid niya na ako sa apartment ko. Kasama namin si Blaze pero nakatulog na siya sa back seat ng kotse dahil nilinis niya pa iyong mga kalat namin sa court. Hindi kami tumulong sa kanya. Bayad daw kasi iyon sabi ni Ricci. Nilulubos niya talaga ang paghingi ng allowance kuno ni Blaze sa kanya.

"HERE," sabi ni Ricci nang nasa tapat na kami ng apartment ko. Iniabot niya sa akin ang isang color brown na life-sized teddy bear. Bigla ko tuloy naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

"I don't know if you'd like the color because Blaze was the one who bought that," paliwanag ni Ricci.

So, ito pala yung hawak-hawak ni Blaze kahapon no'ng nakita namin siya sa mall? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sa bagay, mukhang hindi niya naman ako napansin dahil nakatingin lang talaga siya kay Kamila no'ng time na iyon.

"Para saan ito?" tanong ko kasi first time kong makatanggap ng teddy bear. Wala naman kasi akong naging ex dahil nga sabi nina Kamila ay patay na patay talaga ako sa lalaking ito na nasa harap ko.

"Ah, eh . . ." Napakamot siya sa batok niya na para bang iniisip niya kung sasabihin niya ba o hindi iyong nasa isip niya.

"Since I can't still be beside you all the time, this bear will do. You can hug it in your sleep while you're dreaming of me," dugtong niya na lalo pang nagpainit ng pisngi ko.

"Okay, goodnight?" ang tanging nasabi ko kay Ricci. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil parang sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Goodnight," sagot niya.

"Sige, pasok na ko, ha? See you," dagdag ko pa pero hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kasi parang may mga paruparo na nagsasayawan sa loob ng tiyan ko.

"See you," sagot niya naman pero hindi rin naman siya gumalaw sa kinatatayuan niya.

"You go ahead first," sabi ni Ricci na tila nahihiya.

"Hindi, ikaw muna," nahihiya ko ring sabi.

Nakatitig lang kami sa isa't isa na parang pareho naming ayaw matapos ang gabing ito. Sana ay puwede ring mag-time freeze kapag may mga ganitong moment para naman may extension pa iyong pagsasama naming dalawa.

"Ano na? Wala ba kayong balak matapos? Inaantok na talaga ako, eh. Parang awa n'yo naman."

Nagulat kami kasi biglang bumukas ang bintana ng kotse at bumungad doon si Blaze na pilit na nilalabanan ang antok.

"Tara na, Cci. May bukas pa naman. Please, I f*cking want to sleep properly," kamot-ulong sabi ni Blaze kaya naman mabilis na akong pumasok sa apartment ko para naman makauwi na sila. Nakaaawa naman si Blaze at alam kong inaantok na rin si Ricci.

Narinig ko na umandar na ang sasakyan.

Matapos kong mag-ayos para matulog ay humiga na rin ako sa kama. Yakap-yakap ko si Zicci. Zicci ang pinangalan ko sa teddy bear galing sa pinagsamang pangalan namin ni Ricci. Zivawn and Ricci equals Zicci. Para na tuloy kaming may anak. Nakatingin lang ako sa kisame habang hinihintay ko na kusa na lang akong dalawin ng antok. Pero bago pa man ako tuluyang mapapikit ay may na-receive akong message galing kay Ricci.

Napangiti ako nang bumungad sa akin ang selfie habang nasa kama siya.

After kong i-send 'yon ay sinilent ko na ang cell phone ko at pinilit ang sarili na matulog na at may exam nga pala kami sa media ethics kinabukasan kaya bawal akong um-absent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


After kong i-send 'yon ay sinilent ko na ang cell phone ko at pinilit ang sarili na matulog na at may exam nga pala kami sa media ethics kinabukasan kaya bawal akong um-absent.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon