Chapter 43

68.7K 1.4K 60
                                    

Chapter 43

"WOW! This place is so big, Mom," namamanghang komento ni Aki habang nililibot ng mga mata niya ang buong Arena. Tulad kasi ng ipinangako ni Juan sa kanya kagabi ay manonood kami ng game niya.

He even told me na hindi team nina Ricci ang kalaban nila kaya wala akong dapat ipag-alala.

Magkaiba sila ng team na sinalihan ni Ricci depende sa offers sa kanila, and I heard that Ricci was one of the highest paid basketball players in the Philippines. Bukod kasi sa magaling siya maglaro ay marami rin talagang sumusuporta sa kanya. Hindi naman nakagugulat dahil dati pa nga lang na nasa UAAP siya ay marami nang sumusuporta sa kanya, sa pagkakataong ito pa kaya na nasa PBA na siya.
Well, magaling din naman si Juan. Malaki rin ang bayad sa kanya pero Ricci was in different kind of level. Nabalitaan ko rin na nag-offer sa kanya 'yong manager niya no'n na si Mark para ipasok siya sa showbiz pero tumanggi siya. He wanted to focus on basketball and I agree with his decision.

Basketball is really his first love.

Umupo kami ni Aki sa bench na ilang kilometro lang ang layo mula sa likuran ng bench na inuupuan ng team nina Juan, at tuwang-tuwa si Aki sa mga nakikita niya. This is the first time he would watch a basketball game on live.

Halos mapatayo si Aki nang makita niya si Juan na pumasok na sa court kasama ang teammates nito.

"Go, Tito! Swish 'em all!" malakas na sigaw niya rito kaya kumindat naman ito sa kanya bago tumakbo papunta sa gitna ng court dahil kasama ito sa first five.

Masayang-masaya si Aki na nanonood at ibinubulong niya pa sa akin na isang araw ay mapapanood ko rin siya na naglalaro roon.

"I will be the MVP and the next Euro step god like Serrano in jersey number 25," mayabang na sabi niya kaya ginulo ko na lang ang buhok niya.
He will . . . I knew he will dahil magkaparehong-magkapareho sila, na kung may gusto sila ay walang makakokontrol sa kanila kahit na sino.

Tahimik ko lang na pinanood ang laro nina Juan habang si Aki naman ay masaya na chini-cheer siya. Mas lalo pang natuwa si Aki nang manalo sila na halos patakbo na siyang pumunta sa gitna ng court para batiin ang kanyang Tito Juan.

"I'll just take a shower. Let's eat out," sabi ni Juan sa kanya.

Masaya naman na tumango si Aki sa kanya bago ko ito iginiya palabas ng dugout, pero habang naglalakad kami sa labas ay napahinto ako dahil biglang nag-ring ang phone ko at nakita ko roon na tumatawag ang publisher ng book ko. Mabilis ko 'yong sinagot at hindi ko na namalayan na bumitiw na pala si Aki sa pagkakahawak ko at tumakbo sa kung saan.

Ang daming sinabi sa akin ng publisher about sa details ng book signing event ko na gaganapin sa Sabado at nakinig lang ako sa kanya. This is my dream. I always dreamt on seeing my name in a book where I am the author.

Sa dami ng sinabi niya ay inabot siguro kami ng halos kalahating oras, kaya naman pagkababa ko ng cell phone ko ay mabilis na hinanap ng mga mata ko si Aki sa 'di-kalayuan. Napangiti ako nang makita ko siya na may kausap na lalaki.

Ang bata talaga na 'to, kung kani-kanino nakikipag-usap. Madali talagang kunin ang loob niya lalo na kung tungkol sa basketball ang ibibida sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya na don't talk to strangers dahil delikado.

"Aki!" pagkuha ko sa atensiyon niya kaya mabilis naman siyang sumilip sa akin. Kitang-kita ko ang ngiti sa mukha niya na para bang abot-langit ang saya niya.

Sino ba itong kausap niya? Hindi ko kasi makita dahil nakatalikod sa akin at nakaluhod para siguro mapantayan niya si Aki habang kausap niya ito, pero tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang unti-unti itong humarap sa akin at malaman ko kung sino siya.

Mula sa mga ngiti niya habang kausap niya si Aki ay agad itong nawala nang makita niya rin kung sino ako.

"Mom, look! It's Serrano in jersey number 25!" masayang sigaw ni Aki saka tumakbo papunta sa binti ko.

"I already took a photo with him. Look, oh, I will post it so my classmates will see it," aniya pa at iwinagayway ang tablet niya sa akin. Hindi ko siya magawang pansinin dahil nakatitig lang ako sa lalaking nasa harap namin.

Ganoon pa rin naman siya gaya ng dati. Mas gumuwapo lang siya at mas lumaki ang katawan niya. 'Yong buhok niya ay may kulay puti sa taas na para bang kakulay ng buhok ni Jack Frost, and it made him look really hot. Wow, akala ko guwapo na siya noon, pero mas guwapo pa siya ngayon.

"Hi," bati niya sa akin nang makalapit siya sa amin. Para bang may tumusok sa puso ko. Nasasaktan na naman ako. Limang taon ang lumipas pero sa isang 'hi' niya lang ay naiiyak na naman ako.

"That kid," sabi niya at tiningnan si Aki na para bang pinag-aaralan ang itsura nito habang busy naman ito na may ginagawa na kung ano sa tablet niya.

"Hey, buddy! What's that?" sabi naman ng biglang labas na si Juan mula sa likuran ko. Amoy na amoy ko ang body wash na ginamit niya mula sa pagligo niya. Masaya niyang binuhat si Aki pero napahinto rin siya sa pagtawa nang makita niya si Ricci sa harap namin. Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang makita ito.

"Hey, you have a game too?" nagtatakang tanong ni Juan sa kanya. Mukhang hindi niya rin alam at mukhang naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya alam, 'tapos ay dinala niya kami rito kahit nasabi ko sa kanya na hindi pa ako ready na makita si Ricci.

"Earlier," maikling sagot naman ni Ricci sa kanya at nagkamay sila, the usual handshake na isang kamay lang ang gamit dahil buhat ni Juan sa isang kamay niya si Aki, gaya pa rin ng dati na para bang ginawa lang nila iyon dahil nasanay silang gawin iyon. After nilang magkamay ay humarap si Ricci sa akin at nakita kong walang- reaksiyon ang mukha niya.

"Can we talk?" tanong niya sa akin. Napatawa ako nang mapakla at pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako.

He's the one who left me. He's the one who broke up with me pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Siya dapat 'yong nagsisisi at hindi ako. Siya dapat 'yong nasasaktan at hindi ako.

"Sorry, we have something to do. Let's go, Juan," sagot ko at tumalikod sa kanya kaya naman sumunod si Juan sa akin, pero para bang may naghabulan na kabayo na naman sa loob ng dibdib ko nang hawakan niya ang braso ko.

"Zivawn," banggit niya sa pangalan ko at para bang biglang nagbadya na naman ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.

Zivawn and not Queen.

Dapat masanay na ako sa ganito dahil hindi na ako ang Queen niya. Ako na lang si Zivawn na naging parte ng nakaraan niya.

Sinenyasan ko si Juan na mauna na sila sa kotse at tumango naman ito sa akin bago mabilis na naglakad palayo sa amin. Mabuti na lang talaga at busy si Aki sa tablet niya kaya hindi niya namamalayan ang mga nangyayari. Inayos ko ang sarili ko bago hinarap si Ricci. Chin up, Zivawn! Chin up. Don't make him see what you feel deep inside. Ipakita mo sa kanya na okay ka kahit nawala siya, kahit iniwan ka niya.

"Tell me, that kid is my son, right?" sabi niya dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko at palakasin ang loob ko.

"No. Wala kang anak dito," sagot ko bago ko siya muling tinalikuran at mabilis na naglakad para sundan sila Juan.

I told him na wala na siyang babalikan. I didn't want to meddle with his life anymore at sana maintindihan niya iyon.

Sinaktan niya ako. Siya ang nang-iwan sa akin.
Wala ba akong karapatang magalit sa kanya? Kasi for all I know, pakiramdam ko ay nawala sa akin ang lahat noong hindi ako ang pinili niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon