Chapter 05
"DO you think she's okay?" narinig kong tanong ni Mary kay Ka- mila.
"Mukha bang okay 'yan? Alam mo namang baliw na 'yan si Zivawn, bigla-biglang tumatawa," sagot naman ni Kamila habang busy siya sa pagkuha ng perfect selfie na ipo-post sa Instagram.
Narito kami sa classroom at hinihintay dumating ang prof namin sa editorial management. Mga isang oras na rin siguro siyang late at thirty minutes na lang ay puwede na kaming umuwi dahil ibig sabihin n'on ay free cut na.
Halos isang linggo na rin ang lumipas simula nang kinuha ni Ricci ang number ko. Isang linggo na rin kaming laging magka-text at masaya ako na parang nakalutang ako sa cloud nine.
Alam ko naman sa sarili ko na ginagawa lang ni Ricci ito dahil fan niya ako. Alam din naman niya na gusto ko siya pero hindi ako nag-e- expect ng higit pa kahit 'lagi kaming magkausap. Sapat na sa akin na kaibigan ang turing niya sa akin. I can keep him like that. Hindi tulad dati na hindi pa kami magkakilala, 'lagi kong sinasabi sa sarili ko na in a relationship ako sa kanya.
Natawa ako nang malakas nang makita ko ang mga sinend na Tiktok videos ni Ricci sa Viber ko. May video na sumasayaw siya kasama si Blaze at may video naman na nagsasabi siya ng mga hugot at itong huli ay hindi ko alam kung matatawa ba ko o kikiligin sa banat na 'to:
"Pabili po! Mighty pula! Ah, sarado? Sarado? Puwede pasok? Sa puso mo?" 'Tapos ngumiti pa siya nang nakamamatay at may lumabas pang mga puso sa paligid niya. Hindi ko napigilan ang kilig ko. Napangiti ako nang malaki at halos mapatili na ako.
"Sinasabi ko na nga ba!"
Agad kong itinago ang cell phone ko sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sina Kamila at Mary.
"Sabi ko na nga ba si Ricci na naman, eh," sabi ni Mary at tiningnan nila akong dalawa na para bang may naaamoy silang something fishy. Inihampas ni Kamila ang kamay niya sa likod ng upuan ko, dahilan para mapatalon ang puso ko sa gulat.
"Hindi ka ba talaga natututo, Zivawn Queen Cazimer, 3rd year journalism student? May goal ka ba talagang tumandang dalaga?" tanong ni Kamila saka ako inirapan.
"Ano ka ba, Kams? Kung magiging matandang dalaga man ako, hindi naman ako nag-iisa, 'no. Pareho lang naman tayo," sagot ko. Nakita kong napaawang ang mga labi niya.
Totoo naman kasi iyon. Marami siyang manliligaw pero lahat nire-reject niya dahil ang gusto niya lang naman daw sa isang lalaki ay kagaya ni Atty. Juan Alexandro Yuchengco, isang character sa Wattpad na guwapo, matalino, at higit sa lahat ay abogado. Gusto niya rin daw ng lalaki na ang magiging motto sa buhay ay 'Kamila or No One.' As if naman may ganoon sa totoong buhay. Almost perfect kaya si Atty. Jax base sa kuwento niya.
"Tse, at least ako hanggang Wattpad lang ang kilig ko, 'no! Unlike you, dreamy!" sagot niya at bumelat pa siya sa akin.
Hinayaan ko na lang siya. Alam ko naman kasi na gano'n lang ang ugali niya. Ang hilig mang-asar pero kapag siya ang inasar ay sobrang pikon. Pero at the end of the day, siya rin naman ang makikipagbati.
Tawa lang nang tawa si Mary habang sinesenyasan ako ng 'okay.' Tuwang-tuwa rin kasi siya kapag napipikon si Kamila. Siguro sa aming tatlo, si Mary ang may chance na magkaroon ng matinong love life, kasi siya lang naman ang matino at higit sa lahat, hindi mataas ang standard sa lalaki. Ayos na raw sa kanya basta mahal at rerespetuhin siya.
Sana lahat kagaya ng mindset ni Mary at alam kong hindi ako gano'n. Siguro kapag dumating ang araw, magse-settle din ako sa kung sino ang ibigay sa akin ni Lord, pero hindi pa sa pagkakataong ito dahil hindi ko pa talaga alam kung paano ako makaka-move on sa undying love ko para kay Ricci, lalo na kung ganitong send siya nang send ng videos sa akin.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.