Chapter 20

51.2K 1.2K 218
                                    

CHAPTER 20

"ANO'NG meron?" tanong ko kay Kamila at Mary nang mapansin ko na nagtatakbuhan ang mga estudyante papunta sa basketball court.

Nagkibit-balikat si Mary at si Kamila naman ay biglang hinila ang isa naming kaklase na isa rin sa nagmamadaling tumakbo papunta sa court.

"Wait, Aaliyah. Ano'ng meron?" tanong niya rito. Nakita ko ang excitement sa mukha ni Aaliyah na para bang maiihi na siya anytime.

"May practice game daw ang UP dito kasama 'yong basketball team natin. Nandoon si Ricci! OMG! Baby ko!" napapatili namang sagot ni Aaliyah bago mabilis na tumakbo at sumunod sa group of friends niya.
Nagtinginan naman kaming tatlo nina Kams at Mary at nakita ko kung paano nagtalim ang mga mata ni Kamila.

"Blaze Adrian Sy, talagang hindi mo ako sinabihan, ha?" gigil na sabi niya. Mabilis siyang naglakad papuntang court kaya sinundan na lang namin siya ni Mary.

Maingay sa loob ng court at punong-puno ng mga tao na karamihan ay mga babae. Ngayon lang nangyari ito sa buong university, dahil kapag team namin ang naglalaro ay wala namang masyadong interesadong manood, pero ngayon na nandito ang UP basketball team ay halos mapuno namin ang court.

Hinanap ng mga mata ko si Ricci nang makaupo kami sa bench. Nakita ko na kausap sila ng coach nila at seryoso naman silang nakikinig dito. Naka-headband na naman siya. Guwapo naman siya kahit walang headband pero mas lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko kapag suot niya iyon.

Ilang minuto pa silang kinausap bago nag-umpisa ang laban. Si Hunter at 'yong isang pinakamatangkad na player ng school namin na hindi ko kilala ang nag-jump ball. Ngiting-ngiti si Mary habang pinanonood siya. May gusto ba si Mary kay Hunter? I mean, okay lang naman iyon as long as hindi siya magiging third party sa kanila ni Khazzandra.

"Go, Ricci! I love you. Anakan mo ako!" sigaw ng isang babae sa upuan sa hindi kalayuan sa amin.

Naramdaman ko kung paano pumanting ang tainga ko. Dati naman ay okay lang sa akin na may nagchi-cheer na iba sa kanya pero sa pagkakataong ito ay iba na ang pakiramdam ko. Nagiging possessive na rin yata ako.

Tiningnan ko si Ricci at nasa kanya na ang bola. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Kamila.

"Go cheer for him. Palakasin mo naman ang loob ni Daddy Ricci!" sabi niya sabay tawa.

Ano'ng sinasabi niyang Daddy Ricci? Kailan niya pa tinawag na Daddy si Ricci? Baliw na babae.

Na-shoot ni Ricci ang bola; mahina lang akong pumalakpak habang halos mabaliw naman 'yong ibang babae kasisigaw ng pangalan niya. Panay rin ang sabi nila na baby nila si Ricci at mahal nila ito na kaya nilang gawin lahat makasama lang ito kahit isang gabi.

Silent cheerer lang naman ako kahit dati pa, nakaupo lang at tahimik na nanonood sa kanya. Never naman akong sumigaw para i-cheer siya.

Maya-maya lang ay naalala ko 'yong sinabi niyang 'Every player needs a cheerleader.' Pakiramdam ko tuloy ay napakawala kong kuwenta.

"Blaze, baby! Go chinito ko!"

Nakita ko kung pa'no kumunot ang noo ni Kamila nang marinig niyang isigaw iyon ng babae sa kabilang side ng court nang hawak na ni Blaze ang bola. Agad siyang tumayo at nagpamaywang.

Humugot siya nang malakas na paghinga at nagulat na lang kami ni Mary nang bigla siyang sumigaw.

"Go, Blaze, my future husband! Shoot that ball for me!" sobrang lakas ng sigaw niya. Feeling ko ay mas ginanahan si Blaze dahil doon, kaya mabilis niyang nai-shoot ang bola. Nang pumasok iyon sa ring ay humarap siya sa amin at nag-heart sign kay Kamila, dahilan para mapatingin ang mga babae sa gawi namin, pero nginisian lang sila ng kaibigan ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon