Chapter 29

48.1K 1.1K 113
                                    

Chapter 29

"GOOD EVENING," pagyakap ni Ricci mula sa likod ko habang busy ako na naghahalo ng harina para sa cake na ibe-bake ko.

Sa sobrang dami kong iniisip these past few days ay hindi ko man lang namalayan na birthday ko na pala kinabukasan. Usually, umuuwi ako sa probinsiya para doon i-celebrate ang birthday ko pero sa pagkakataong ito, gusto kong i-celebrate ito kasama ang lalaking mahal ko.

Halos dalawang linggo na rin simula nang mangyari 'yong sa Araneta. He explained and apologized to me already at siyempre pinatawad ko siya. Sinabi niya naman na kaunti na lang at matatapos na rin lahat, na he's been doing the best he can, and he's always been reminding me that we will end up together.

Umalis siya sa pagkakayakap niya sa likod ko at may kinuha mula sa bulsa niya, at bago pa man ako mapatingin sa kanya ay naramdaman ko na may malamig na bagay na dumikit sa leeg ko.

"Ano 'to?" tanong ko habang isinusuot niya ang bagay na iyon sa leeg ko.

Mabilis akong naghugas ng kamay sa sink at nang tiningnan ko iyon, isa pala itong necklace na may moon at may nakalawit na stars as pendant. Ang ganda. Ngiting-ngiti tuloy ako habang tinitingnan ko iyon.

"They said, shoot for the moon. Even if you miss it, you'll land among the stars, and you are the brightest star in the sky, Queen. Thank you for being the light in the darkest times of my life. I love you," he said as he kissed the side of my ears and tears fell from my eyes again.

Paano ba naman ako makakatanggi sa lalaking ito kung alam niya ang gagawin niya tuwing nasasaktan niya ako? Alam na alam niya kung paano kilitiin ang puso ko.

Kinuha niya ang phone niya at pinatugtog doon ang My Boo nina Alicia Keys at Usher. Ipinatong niya sa kitchen counter ang cell phone niya 'tapos ay inilagay ang mga kamay ko sa batok niya at ang mga kamay niya naman ay yumakap sa baywang ko. Sobrang dikit ng mga katawan namin at ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko. Sumasabay siya sa kanta. Damang-dama ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Nasa kalagitnaan pa lang kami ng kanta nang biglang mag-ring ang phone niya, at nang tingnan ko iyon ay para bang nadurog ang puso ko nang makita ko ang pangalan ni Raven. Mabilis na dinampot ni Ricci ang cell phone niya at sinagot ito. Bahagya pa siyang lumayo sa akin.

"What? What happened to her? Okay, okay, I'm on my way," narinig kong sabi niya. Mabilis niyang dinampot ang jacket niya na nakalapag sa sofa ko bago lumapit at hinalikan ang noo ko.

"I need to go," paalam niya pero bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko ang braso niya.

"Birthday ko bukas," sabi ko kasi baka hindi niya alam. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi bago ngumiti nang malungkot sa akin.

"I'll go back . . . wait for me," sagot niya bago siya nagmadaling maglakad palabas ng apartment ko.

I thought ako ang mahal niya. Sinabi niya na napipilitan lang siya kay Raven, pero bakit gano'n? Isang tawag lang ni Raven sa kanya ay nagmamadali na siyang puntahan ito?

"HAPPY birthday, Zivs!" bati sa akin ni Kamila at iniabot sa akin ang isang paper bag na galing sa H&M. Nag-thank ako sa kanya bago ko tiningnan ang cell phone ko. Nadismaya lang ako dahil wala pa rin akong nare-receive na reply mula kay Ricci.

Birthday ko at alam niya naman. Sinabi niya na pupuntahan niya ako at hintayin ko siya, pero aasa pa ba ako kung ni isang text ay wala man lang akong natatanggap mula sa kanya?

"Saan mo gustong kumain mamaya?" tanong ni Kams. Tumingin ako sa upuan ni Mary pero nakapagtataka lang na wala siya roon.

First time kong nakitang um-absent siya sa klase dahil masipag siyang mag-aral. Marahil ay dahil pa rin ito sa issue niya kina Hunter at Khazzandra.

Nakokonsensiya ako kasi pakiramdam ko ay dahil sa akin kaya nagkaganito pati mga kaibigan ko. Hindi naman kasi mangyayari 'to kung hindi ko pinilit na makilala si Ricci sa personal. Pero hindi ko naman talaga pinilit, 'di ba? Nangyari lang iyon 'tapos isang umaga pagkagising ko, ganito na at magulo.

"But anyway, sabi ni Bebe kung gusto mo raw sa bar ng ate niya. Sa may VIP room daw roon ay puwede tayo," suggestion niya kaya tumango na lang ako. Birthday ko 'to at kailangan mag-enjoy ako kahit hindi pa ako binabati ng taong ine-expect ko na unang babati sa akin.

"Okay, I texted him na. I-text ko na lang din si Maria," sabi niya pa habang nagta-type sa cell phone niya.

Pinilit ko na lang i-focus ang sarili ko sa lesson kahit wala talagang pumapasok sa isip ko. 'Lagi kong sinasabi sa sarili ko na masira na lahat huwag lang ang pag-aaral ko, dahil ayokong ma-disappoint ang mga magulang ko, pero ngayon ay nagiging ganito ako. Ako mismo, disappointed na sa sarili ko.

Tulad nga ng sinabi ni Kamila ay pumunta kami sa bar na pagma- may ari ng Ate ni Blaze after ng klase. Umakyat kami sa may VIP room doon at kahit papaano ay napangiti ako nang makita ko na naroon sina Mary, Juan, at Blaze na sumigaw ng Happy Birthday pagpasok ko pa lang ng pintuan.

May mga lobo rin na nakadikit sa pinakabandang gitnang bahagi ng kuwarto.

"Happy birthday, Zivs," sambit ni Mary at iniabot sa akin ang regalo niya. Binati rin ako ni Blaze at si Juan ay may iniabot din sa akin na paper bag.
Umupo lang ako roon habang masaya silang nagkakantahan habang umaasa na sana ay dumating siya.

Birthday ko naman.

Dapat ba sinabi ko rin iyon sa kanya?

Birthday ko naman at gusto ko ring sumaya at sumasaya lang ako kapag kasama ko siya.

Mali. Masaya naman ako dahil nandito ang mga kaibigan ko pero alam ko sa sarili ko na mas sasaya ako kapag nandito siya sa tabi ko habang sini-celebrate ko ang birthday ko.

Napahawak ako sa kuwintas na ibinigay niya sa akin kagabi.

'Shoot for the moon. Even if you miss it, you'll land among the stars.' Pero paano kung nag-land ka nga sa isang star 'tapos hindi ka naman niya sinalo, at hinayaan ka niyang mahulog kung saan mararamdaman mo ang sobrang sakit na pagbagsak mo. Ang sakit, pero birthday ko at kailangan masaya ang araw na ito.

Sinubukan ko namang mag-enjoy. Ang daming pagkain at alak. Sinubukan ko ring kumanta at sumayaw naman sina Kamila at Blaze sa harap ko. Tina-try nila na patawanin ako kahit alam ko na nakikita nila na peke lang ang tawang lumalabas sa bibig ko.

Nasaan na ba siya? Darating pa ba siya? Bakit pa ba ako umaasa?

Tumungtong na ang alas-dose at medyo lasing na ang mga kasama ko sa loob ng kuwarto puwera kay Juan, kaya naman kinuha ko ang mic at pinindot ang number sa may videoke ang kanta na gusto kong kantahin.

The Moment I Knew by Taylor Swift.

Umupo ako sa tabi ni Juan at para akong t*ngang umiiyak habang binabanggit ang lyrics ng kanta. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya sa akin, pero siguro ay natatawa siya kasi hindi naman ako gano'n kagaling kumanta.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha mula sa mga mata ko habang kumakanta ako. Kahit sana sa text lang, kahit blangko lang at least alam ko na sumagi man lang ako sa isip niya sa araw na ito. Pero 'yong ganito na kahit ano ay wala akong naririnig sa kanya . . . sobrang sakit.

Birthday ko naman.

Gusto ko lang namang makasama siya.

Patuloy lang ako sa pagkanta dahil sobrang nakaka-relate ako sa lyrics ng kanta na iyon at hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong humagulhol. Nabitiwan ko ang mic at napasigaw ako.

"Ahh! Birthday ko naman. Gusto ko ring sumaya!" sigaw ko at mas lalo pang nilakasan ang pag-iyak ko, pero napahinto ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni Juan sa pisngi ko at sinimulang punasan ang mga luha ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon