Chapter 10

54.2K 1.5K 169
                                    

Chapter 10

"BUWISIT! Buwisit na Blaze! Nakakainis talaga!" bulyaw ni Kamila.

Gigil na gigil siya at para bang may kinukurot siya sa cell phone niya.

"Ano'ng problema?" gulat na tanong ko sa kanya.

Nasa coffee shop kasi kami at nagre-review. Ang bilis naman kasing lumipas ng araw. Finals na naman sa Lunes. Malapit ko nang matapos ang 3rd year ko sa college. Isang taon na lang at magiging isang journalist na ako. Isang taon na lang at puwede nang magpahinga sa pagtatrabaho sina Mama at Papa dahil turn ko naman para tulungan sila.

"Puwede ba, Kams? 'Wag mo munang problemahin si Blaze. Focus muna sa exam," paalala ni Mary.

"Paano ba naman . . . sineen lang ako," gigil na sambit niya at pinanggigilan na naman ang cell phone niya.

Ba't siya nagkakaganyan? Akala ko ba never as in never niyang magugustuhan si Blaze?

"Bakit? May mutual understanding na ba kayo?" tanong ko.

Naalala ko iyong kinuwento sa akin ni Ricci about kay Blaze na binawian ng kotse at credit card ng mother nito dahil may dini-date ito na ibang babae at hindi si Kamila na fiancee niya, kaya naman gumagawa si Blaze ng paraan para mapalapit siya kay Kamila nang maibalik na iyong kotse at credit card niya.

"Wala, 'no! Kadiri. Naiinis lang ako kasi sineen niya 'ko. Eh, dapat ako 'yon. Ako dapat ang nangsi-seen sa kanya," depensa ni Kamila bago siya nangalumbaba sa table sa harap namin. Ibang-iba ang sinasabi niya sa nakikita naming reaksiyon ng mukha niya.

"Sus! If I know, nahuhulog ka na rin, 'no? Kasi sabi mo ang sweet, 'di ba? Binigyan ka niya ng teddy bear na sinabi niyang hindi naman para sa iyo pero para sa iyo pala talaga," sabad ni Mary. Hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa librong binabasa niya.

Ang galing niya pagsabayin ang tsismis sa pagbabasa, samantalang ako ay kailangan ko pang huminto para makinig kay Kamila.

"Ewan! Basta, nakakainis siya!" singhal ni Kamila at mula sa pangangalumbaba ay napahiga na ang ulo niya sa lamesa.

"'Wag na si Blaze, Kams," komento ko, kaya sabay silang napatingin ni Mary sa akin.

"Basta, hindi lang maganda ang feeling ko sa kanya," dugtong ko pa dahil ang mga tingin nila ay para bang hinahanapan nila ako ng dahilan.

"Bakit ayaw mo? Hindi ba ka-teammate ni Blaze si Ricci? Kapag naging sila, puwede kang ipakilala ni Kams kay Ricci," sabi ni Mary.

Napalunok ako at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na hindi na kailangan dahil magkakilala na kami ni Ricci pero hindi ko magawa. Siguro after na lang nitong exam dahil mahabang palinawagan kapag sinabi ko sa kanila sa pagkakataong ito. Baka mawala ang focus namin sa mga inaaral namin.

"Basta, Kams . . . huwag na si Blaze," dagdag ko pa.
Hindi na natapos ang tanong nila sa akin. Alam ko naman na mabait si Blaze pero may iba siyang gusto. Ayaw ko namang isang araw ay iiyak na lang ang kaibigan ko dahil malalaman niya na kaya lang pala siya nilalandi ni Blaze ay dahil may kailangan ito sa kanya.

Mabuti na lang at Sabado na kinabukasan at may dalawang araw pa ako para mag-review. Sinabi ko kay Ricci na baka maging busy ako sa mga susunod na araw dahil exam week na at ang dami kong kailangang aralin. Dean's lister din kasi ako sa university namin kaya naman may grades ako na kailangang i-maintain, pero wala pa ring panama ang grades ko sa grades ni Mary. Siya kasi ang top one sa buong College of Journalism. Si Kamila lang naman ang walang- pakialam sa grades dahil nga siya raw si 'unbothered queen' na lately ay nagiging bothered na talaga dahil kay Blaze.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon