Chapter 17

45.9K 1.2K 24
                                    

Chapter 17

NAGMAMADALI akong naglagay ng damit sa backpack ko. Kung ano na lang ang makuha ko sa cabinet ay 'ayun na ang pinaglal- agay ko sa bag.

Aalis kami at pupunta kami sa Baguio. Matagal ko nang gustong makapunta roon. Wala lang pagkakataon dahil ayaw rin ng mga magulang ko na bumiyahe nang malayo, pero sa pagkakataong ito ay matutupad na ito. Si Ricci pa ang kasama ko.

"Tara," nakangiting sabi ko nang makapasok ako sa kotse ni Ricci.

"You don't look excited at all," natatawang sambit ni Ricci bago ini-start ang sasakyan. Hindi na ako sumagot, pero sa loob-loob ko ay sobrang excited ako.

Halos walong oras daw ang biyahe kaya sinabihan ako ni Ricci na matulog na lang muna, pero ayoko dahil gusto ko siyang panooring magmaneho. Gusto kong enjoy-in ang moment na ito.

Habang nagmamaneho ay binuksan niya ang radyo at saktong pinatutugtog ang kantang Intentions ni Justin Bieber na first crush ko. Napangiti ako habang pinakikinggan iyon. Tumagilid naman ako para makita ang mukha ni Ricci. Ang sarap niya panoorin na nagmamaneho. Ang sarap din pagmasdan ng mukha niya, ang mukhang gusto mong unang makita paggising at bago matulog.

May mga pagkakataon na gusto ko siyang tanungin kung bakit gusto niya akong kasama, pero nahihiya ako. Alam kong maraming mas maganda at sexy na babae na nakapaligid sa kanya na may gusto sa kanya, kaya naman alam kong suwerte ako dahil mas pinipili niya akong kasama.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hanggang sa nagulat ako nang humarap siya sa akin at nag-lip-sync ng chorus ng kanta ni Bieber. Napatalon ang puso ko sa saya sa ginawa niya na para bang ako 'yong tinutukoy niya roon.

Hay, Lord . . . sana ay 'wag na matapos ito o mapalitan ng lungkot ang kasiyahan kong ito. Gusto ko lang naman maging masaya.

Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ay wala si Ricci sa driver's seat kaya naman bumaba ako sa sasakyan. Nakita ko na nasa isang hotel kami at may kausap si Ricci sa reception area.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti siya sa akin.

"I rented for three days and two nights, so we have a lot of time. But for now, let's sleep first. Ang layo ng ibiniyahe natin," paliwanag niya habang ipinakikita sa akin ang susi ng kuwarto namin.

Medyo nakakainis lang dahil may mga babaeng nakatingin at halatang kinikilig kay Ricci, kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumango sa mga sinabi niya.

***

"WOW! Ang ganda," malakas kong sabi nang sumilip ako sa balkonahe ng kuwarto namin. Kitang-kita ko ang buong city ng Baguio. Ang ganda ng mga ilaw at ang sarap sa mga mata tingnan.

"Oo nga, ang ganda" sabi ni Ricci sa tabi ko at nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko na may hawak siyang cell phone at kinukunan ako ng picture.

"Bakit ang hilig mong mag-Tagalog ngayon?" tanong ko. Hindi lang ako sanay dahil galing din siya sa America at alam kong mas sanay siya na mag-English.

"Wala lang. Gusto ko lang, baka mas ma-appreciate mo lang," sagot niya.

Napangiti ako.

***

TULAD nga ng ipinangako sa akin ni Ricci, kinabukasan ay nag-ikot na kami. Inuna namin 'yong strawberry farm at tuwang-tuwa talaga ako habang namimitas kami ng fresh strawberries.

After namin sa farm ay pumunta kami sa Burnham Park at Camp John Hay. Picture lang kami nang picture at talaga namang nag-e- enjoy kaming dalawa. Parehas kaming naka-pink na hoodie kaya naman mukha talaga kaming couple.

"Hi, kuya. Puwede pong magpa-picture?" sabi ng dalawang babae na lumapit sa amin. Mukhang mga bata pa sila na sa tingin ko ay mga high school student pa lang sila.

"Idol ko po kayo sa basketball, eh. Ako po pala si Remy," sabi ng isa.

"Ako naman po si Eca," sabi naman ng isa pa.

Pumayag naman si Ricci na magpa-picture sa kanila. Ang bait din talaga. Sabi sa akin ng ibang tao noon, mayabang daw siya at arogante pero hindi naman pala. Approachable nga siya, eh.

"Ate," tawag ng isa sa akin na sa pagkakatanda ko ay Remy ang pangalan kaya humarap ako sa kanya.

"Puwede mo po ba kaming picture-an?" tanong niya. Tumango naman ako at saka ko kinunan ng litrato ang tatlong ito.

"Salamat po, ate. Boyfriend mo ba si Kuya Ricci?" tanong naman nung Eca. Napanganga ako kasi hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko.

Boyfriend ko na ba siya? I mean, sa dami nang nangyari sa aming dalawa, matatawag ko na ba siyang boyfriend? Hindi niya naman kasi ako tinanong kung gusto ko na bang maging girlfriend niya basta bigla na lang na ganito na kami.

"Kung boyfriend mo siya, alagaan mo siya, ha? Kasi kapag hindi mo siya inalagaan, aagawin ko siya sa 'yo 'pag nag-college na ako," sabi pa nito bago sila naglakad paalis. Nakanganga pa rin ako habang nakatingin sa kanila.

Aba at ang mga bata na iyon . . .

"'Ayan. You need to take good care of me raw because if you won't, someone else will do, girlfriend," ngiting-ngiting sabi ni Ricci.

Pero tinawag niya ba talaga akong girlfriend? Napahawak tuloy ako sa puso ko nang marinig ko iyon. Girlfriend niya na ako.

THE next day, pumunta kami sa Bencab Museum at sa Tam-Awan Village. Tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko. Hindi ko in-expect na ang dami pa lang puwedeng puntahan dito sa Baguio. Aliw na aliw ako sa mga tanawing nakikita ko. Pagsapit ng gabi ay nagpunta naman kami sa Night Market.

Ang dami kong nabili na murang damit. Hindi ko akalain na ayos lang kay Ricci na makipagsiksikan dahil maraming tao. Hinaharangan niya pa nga ako para siguraduhin na hindi ako mabubunggo.

"Thank you," sabi ko kay Ricci habang nakaupo kami sa ridge ng Mine's View, kung saan tanaw namin ang Cordillera Mountain at Benguet's Old Copper and Gold Mine. Sikat ito kaya naman alam ko ang tawag dito.

"Are you happy?" tanong niya. Tumango ako.

"Masaya naman ako 'lagi basta kasama kita," sagot ko. Tumingin siya sa akin.

"I want you to be happy," sabi niya naman.

"Bakit?" tanong ko rin. Gusto kong malaman kung bakit niya ako pinasasaya ng ganito.

"Because you're making me happy and I'm only on my true self when I'm with you," he said as if he really meant it.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon