Chapter 36

55.8K 994 46
                                    

Chapter 36

HINDI napigilan ni Raven ang mga ngisi niyang kanina pa gustong kumawala nang makatungtong sila sa America. Finally, everything went according to her plan.

She looked at Ricci who was sitting beside her at the car na pagmamay-ari ng mga magulang niya.

'He's mine or no one.' Iyan ang 'lagi niyang sinasabi sa sarili niya kaya naman lahat ng babaeng napapalapit dito ay ginagawan niya ng paraan para mawala sa landas nito. Including Zivawn, na pinahirapan siya nang sobra kaya naman galit na galit siya rito. Naalala niya pa ang unang beses na nalaman niya ang tungkol dito.

***

"SEARCH for this girl," utos niya sa isang detective at iniabot dito ang isang litrato kung saan nasa isang amusement park si Ricci, kasama ang isang babae na hindi naman makita ang itsura dahil blurred ang kuha. Kumalat ang picture na iyon sa social media kung saan sinasabi ng fans na iyon daw ang rumored girlfriend ni Ricci, kaya naman mabilis na kumulo ang dugo niya rito kahit hindi niya pa man ito nakikilala.

"This is impossible, Miss Simpson. Sobrang labo ng litrato," sagot naman ng detective sa kanya habang tinitingnan ang mga larawan na iyon.

Napakaimposible talaga dahil bukod sa suot na color yellow dress nito ay wala na siyang makita.

"Here . . ." Iniabot ni Raven ang isang envelope dito na may lamang pera.

"That's only half of the payment. Once you find the girl, I will give you triple. I want the information today," dagdag niya rito. Napangisi naman ang detective habang tinitingnan kung gaano kalaki ang pera na nakalagay sa envelope at mabilis na tumayo para simulan ang trabaho niya.

***

"ZIVAWN Queen Cazimer, nineteen years of age, Journalism Student at St. Celestine Academy," report ng detective sa kanya at iniabot ang mga kuhang litrato nito ni Zivawn. Napatawa nang mapakla si Raven habang tinititigan niya ang mga picture ni Zivawn. Pawang mga stolen shot iyon ni Zivawn habang nasa school siya at kasama ang mga kaibigan niya.

'Commoner! What did Ricci see in her?' sabi niya sa sarili niya at inumpisahang pagplanuhan kung paano niya aalisin ang babaeng ito sa landas nilang dalawa ni Ricci.

She followed her everywhere. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos nito at nang nagkaroon siya ng chance na magpakilala rito ay agad siyang bumaba sa sasakyan niya. Umihip muna siya sa bangs niya bago siya naglakad papunta sa gawi nito, saka siya nagkunwaring nahihilo. Nang malapit na siya kay Zivawn ay umakto ito na tila matutumba, kaya naman sinalo siya nito.

"Okay ka lang ba, miss?" tanong nito sa kanya, tumango naman siya rito. Sinubukan niya kunwaring tumayo at tumumba para mas lalo itong maawa sa kanya. Minsan naiisip niya na may sense din pala ang pag-attend niya ng acting workshop dati noong nagmo-model pa lang siya.

"Tulungan na kita," sabi nito at mas lalong kumulo ang dugo niya kay Zivawn. She's so kind. Mas mapadadali sana ito sa kanya kung hindi ito mabait.

"Uh, I'm fine. Can you just drop me there? In the caf," pakiusap niya at itinuro ang isang coffee shop na nakita niya lang sa kabilang kalsada, at hindi naman ito nagdalawang isip na samahan siya. Ang bait nito sa kanya, at dahil dito ay medyo mas naiirita siya.

"Thank you. Can you stay here for a while? I'm just going to text someone," sabi niya rito. Sinimulan niyang i-text si Ricci na masama ang pakiramdam niya. Medyo napangisi siya sa loob niya. Ano kaya'ng magiging reaksiyon nito kung sakaling malaman niya na may koneksiyon silang dalawa ni Ricci? Siguro ay kusa na itong lalayo at ilulugar ang sarili niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon