Chapter 07

50.6K 1.5K 41
                                    

Chapter 07

ANG isang linggo kong bakasyon ay umabot ng dalawang linggo. Hindi ko alam na gano'n ko pala katagal talaga kailangan mag- isip at hanapin ang sarili ko. Ang OA ko lang para sabihing kailangan kong mag-move on kahit hindi naman naging kami ni Ricci. Nagawa ko pang i-off ang phone ko sa loob ng dalawang linggo at i-deactivate ang lahat ng social media accounts ko lalo na ang Viber.

Wala naman akong ginawa sa amin kung hindi manood lang ng K-drama. Tag-ulan na rin kasi at hindi naman puwedeng mag- swimming sa dagat dahil malakas ang alon. Nakita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko nang nakauwi ako kaya naalala ko na naman na kailangan kong magsikap para masuklian ang mga sakripisyo nila para sa 'kin.

Halos limang oras ang biyahe mula Bolinao hanggang sa Maynila depende sa traffic sa EDSA, at halos masuka ako sa biyahe dahil hindi ako sanay.

Napahinga ako nang malalim nang makababa ako ng jeep sa tapat ng subdivision namin. Ito na naman ako at kailangan na namang harapin ang realidad ko. Mabuti na lang talaga at isang bag lang ang dala ko. Maraming gustong ipabaon sa akin si Mama pero hindi ko naman madala lahat lalo na at mag-isa lang ako, kaya sinabi niya na sa susunod na uwi ko na lang.

Napahinto ako sa paglalakad nang madaanan ko ang basketball court. Tapos na palang gawin iyon. Hindi ko alam pero para bang may sumapi sa mga paa ko at naglakad ako papunta roon. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na sisilipin ko lang kung ano na ang itsura nito, pero napahinto ako pati na rin ang pagtibok ng puso ko nang makasalubong ko si Ricci na kalalabas lang din galing doon.

Bakit siya nandito?

Mabilis akong tumalikod sa kanya at sinimulan nang maglakad paalis pero nakadadalawang hakbang pa lang ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
ko. "Where were you?" tanong niya habang hawak pa rin ang braso

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakita ko na naman ang mukha niya. Ang mukha ng lalaking halos limang taon kong minahal mula sa malayo.

Hinarap ko siya. Naiiyak na naman ako. He's asking kung saan ako nanggaling. Nakaiinis lang na after niya akong balewalain matapos ang araw na iyon ay tatanungin niya ako kung saan ako nanggaling.

"Seryoso ka ba riyan sa tanong mo? Ni hindi nga kita naramdaman, eh. Bigla ka na lang nawala 'tapos ngayon itatanong mo kung saan ako galing?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya kasi iyon naman ang totoo.

Alam ko naman na kasalanan ko at bigla ko siyang tinakbuhan pero hindi man lang niya ako hinabol. Wala man lang tanong kung okay pa ba kami? Kung puwede pa rin ba kaming maging magkaibigan?

"I'm sorry," sagot niya bago siya yumuko na para bang hinahanap niya sa sahig ang idadahilan sa mga sinabi ko.

"Hindi mo naman kailangan mag-sorry, eh. Tanggap ko naman . . . tanggap ko naman na wala lang ako sa 'yo," matigas na sabi ko sa kanya kahit sa totoo ay naiiyak na talaga ako.

Napaangat siya ng ulo at napakunot ang noo sa sinabi ko.

"Its not like that," depensa niya bago siya huminga nang malalim at kalmado akong tiningnan.

"I'm sorry, we had a hard training after that day. Our coach confiscated our phones so we could focus on our training. I'm sorry because I didn't have a chance to inform you about that. I tried calling you when I got my phone back but you were out of coverage and your viber was already deactivated," mahabang paliwanag niya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya.

"I tried to visit you in your apartment but you were not there," dugtong pa niya.

"Bakit mo naman gagawin 'yon?" Nanginginig ang mga kamay ko pero pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon