Chapter 33

55K 1.2K 192
                                    

Chapter 33

"WHERE are you going?" tanong ni Raven kay Ricci dahil palabas ito ng pinto ng bahay nila. "Our flight is in two hours. 'Wag kanang umalis," dugtong niya.

"Just need to talk to Mark," pagdadahilan ni Ricci kahit ang totoo naman ay nakausap na niya si Mark sa phone kagabi at pumayag naman ito sa desisyon niya na bumalik na sa America.

Raven was sick. She's dying. That's what he knew, kaya naman pumapayag siya sa mga gusto nito kahit na naiinis siya. Naiinis siya sa sarili niya kasi nagpapakontrol siya rito kahit 'lagi niyang sinasabi sa sarili niya na walang sinuman ang makakokontrol sa kanya lalo na sa puso niya.

Naalala niya pa noong araw na birthday ni Zivawn at gustong- gusto niyang puntahan ito pero nasa ospital si Raven. Wala naman siyang naalalang medical history na may malalang sakit ito pero bigla na lang itong naospital.

***

"PLEASE, Raven . . . I really need to go," paalam niya rito pero kumapit si Raven sa manggas ng t-shirt na suot niya.

"Don't, please . . . I really can't breathe properly. Don't leave me here alone, please," paawang sabi ni Raven sa kanya. Bahagya siyang napapikit dahil pinipigilan niya ang sarili niya na 'wag mainis dito.

"Just give me my phone please," pakiusap niya na lang dito. Hindi niya alam kung paanong nangyaring bawal magpasok ng phone sa loob ng room ni Raven kaya kinuha ito ng isang bodyguard mula sa kanya bago siya makapasok. Halos ilang oras na siya sa loob at gustong-gusto niya nang makausap si Zivawn. Gusto niyang siya ang unang bumati rito pagsapit ng alas-dose ng gabi pero hindi niya nagawa. Malamang ay umiiyak na naman iyon. Hindi niya na mabilang kung ilang beses na itong umiyak dahil sa kanya at nasasaktan din siya dahil doon.

Umiwas ng tingin si Raven sa kanya at bigla na lang nangisay kaya naman mabilis niyang pinatawag ang doktor.

Napahilamos si Ricci sa mukha niya habang tinitingnan si Raven na inaasikaso ng mga doktor.

'F*ck! I can't make it today.'

Alam niyang masasaktan niya na naman si Zivawn, pero wala naman siyang choice dahil kailangan siya ni Raven. Ipinagtataka lang niya kung bakit siya ang tinawagan nito at hindi ang mga magulang nito. Parang magugunaw ang mundo niya habang sinasabi sa kanya ng doktor na malala na ang sakit ni Raven. Alam kasi niyang hindi niya ito basta-basta maiiwan, pero wala dapat siya rito sa pagkakataong ito. Si Zivawn dapat ang kasama niya at hindi si Raven.

"Don't leave me here, Cci . . . please . . ." pagmamakaawa ni Raven sa kanya.

"What do you want me to do?" tanong niya rito. Napasuklay siya sa buhok niya. Frustrated na siya. May gusto siyang gawin pero hindi niya magawa dahil sa mga nangyayari.

"Please stay. I want to spend my last days with you," Raven told him pleading. Napangisi siya nang mapakla.

"Raven," sagot niya rito. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata niya. Naiiyak siya. Hindi naman siguro masamang umiyak lalo na kung nahihirapan na siya, 'di ba? Ano ba'ng tamang gawin niya? Ano ba'ng dapat gawin niya?

"Please, Cci . . . can't you just choose me this time? Don't you see? I'm really not fine," saad ni Raven at umiyak din ito.

Huminga nang malalim si Ricci at napaihip sa buhok niya. Ang dami niyang iniisip, na kung puwede lang hatiin ang katawan niya ay gagawin niya. He loves Zivawn. Alam niya iyon sa sarili niya dahil hindi niya naman magagawa ang mga bagay na ginawa niya para rito kung hindi niya ito mahal, pero mahalaga rin naman si Raven sa kanya dahil ang laki ng naitulong nito sa pamilya niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon