Chapter 19
"WOW! Pa-Baguio-Baguio na lang si Madam," komento ni Kamila after kong ibigay sa kanila ang paper bag na may lamang sou- venirs from Baguio.
Isa-isa naman nilang inilabas mula ro'n ang mga T-shirt, key chain, strawberry jams, at kung ano-ano pang kakaiba na nakita ko. First day ng klase sa araw na ito at alam naman namin na
walang darating na prof since ongoing pa ang enrollment."Sweet naman ni Ricci. Sana all dinadala sa Baguio," sabi naman ni Mary. Ang saya ko habang tinitingnan sila. Ang supportive nila sa akin kahit na binabara nila ako no'n tuwing kinukuwento ko si Ricci.
Prangka sila at alam ko naman na lahat ng sinasabi nila ay para rin naman sa akin, kaya mahal na mahal ko ang dalawang ito.
"Eh 'di sabihin mo kay Hunter i-Baguio ka rin, tutal mukhang getting closer na kayo, eh," saad ni Kamila kaya napatingin ako kay Mary.
Close na sila ni Hunter? Paano? Parang kailan lang nakisakay lang siya sa kotse ni Hunter after naming mag-bar, 'tapos ngayon close na sila? Ano'ng nangyari? Saka may Khazzandra na iyon, 'di ba?
"Baliw! May jowa na 'yon. 'Wag mong bigyan ng meaning ang kabaitan ng tao," depensa ni Mary at oo nga naman, may girlfriend na si Hunter. Kahit naman sino, kapag nalaman nila na inili-link ang boyfriend nila sa iba ay masasaktan.
"Duh, asawa nga naaagaw, jowa pa kaya?" sabi naman ni Kamila. Mukhang wala talaga siyang pakialam sa mararamdaman ng girlfriend ni Hunter if ever.
"Okay, sabihin mo 'yan kapag niloko ka ni Blaze," sagot naman ni Mary kaya napatahimik na siya. Kung sa bagay, hindi mo naman malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kapag hindi mo naranasan.
"But anyway, Zivawn, did you use the PT ba?" pag-iba ni Kamila ng topic. Siguro dahil hindi niya lang din ma-imagine na may ibang babae si Blaze bukod sa kanya. Tumango naman ako sa tanong niya.
"What's the result?" curious na curious niyang tanong. Pati si Mary ay nabaling din ang tingin sa akin.
"Uh, negative?" sabi ko. Hindi ako sure pero sabi naman doon sa instruction, kapag one line lang ay negative naman. Kaya negative siguro kasi medyo malabo 'yong isang linya.
Napahinga nang maluwag sina Kamila at si Mary.
"Goodness, mabuti na lang at mukhang hindi aggressive ang sperms ni Ricci," sabi ni Kamila bago niya muling baguhin ang topic pabalik kay Blaze.
Hinayaan lang din namin siya ni Mary sa mga kuwento niya.
Nasa training si Ricci sa pagkakataong ito dahil start na ng panibagong season at tulad nga ng sinabi niya no'n, kino-confiscate ng coach nila ang phone nila 'pag sila ay nasa training.
After class ay nagpaalam na ako kina Kamila at Mary. Sinubukan ko silang yayain pero mukhang may ibang pupuntahan ang dalawa. Ewan ko kung saan pero baka may mga date sila kaya hinayaan ko na lang.
***
NAGPUNTA ako sa isang studio kung saan puwedeng mag-paint. Wala akong maisip na iregalo kay Ricci kaya gusto ko sana ay mag- paint na lang ako ng mukha niya para at least kahit papaano ay nag- effort ako. May subject naman kami about arts kaya may alam din ako sa pagdo-drawing. Sana lang talaga ay maganda ang kalabasan.
After kong mag-sign up sa reception area ay naglakad na ako papasok ng studio. Ang ganda ng nilalakaran ko dahil may mga nakadikit na painting sa pader. May mga tao rin doon na kinukunan ng picture ang mga painting.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Juan. May hawak siyang camera at may kinukunan siyang painting. Hindi ko alam na bukod pala sa pagiging basketball player ay may iba pa siyang pinagkakaabalahan. Lumapit ako sa kanya kahit hindi naman kami close.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.