Chapter 16
"KAMS! Mary!" paghabol ko sa dalawa kong kaibigan nang makita ko sila sa corridor ng college building namin. Enrollment na at isang linggo na lang ay pasukan na naman.
Humarap sila sa akin pero walang reaksiyon ang mga mukha nila.
Hindi pa rin ba nila ako napapatawad? Dati naman, ilang araw lang ay okay na kami kasi hindi naman namin matiis na kagalit ang isa't isa, pero bakit ngayon ay para bang hindi pa rin humuhupa ang galit nila. 'Lagi naman akong nagte-text at nagme-message sa kanila kahit hindi nila ako nire-reply-an.
"Do you want coffee? I'll treat you," sabi ko at nginitian sila . . . nagdarasal na sana ay pumayag sila.
"No, thanks. We have to do something. Let's go, Maria," sagot ni Kamila saka sila agad na tumalikod sa akin. Mabilis naman akong naglakad at humarang sa daraanan nila.
"Guys, please. I don't wanna lose you, pagmamakaawa ko sa kanila. Hindi ko naman kasi talaga kaya. Sila lang ang kaibigan ko sa school na ito at ano na lang ako kapag wala sila? Hindi ko ma-imagine ang pagpasok ko na parang hindi na kami magkakakilala.
"I hope inisip mo iyan bago ka nag-lie sa 'min, Zivs," sabi ni Mary. Damang-dama ko ang disappointment sa boses niya. Hindi marunong magalit si Mary, pero sa pagkakataong ito ay tila ba galit talaga siya sa ginawa ko. Naiintindihan ko naman dahil ayaw talaga nila na may itinatago kami sa isa't isa. Disappointed din naman ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko.
"Sasabihin ko naman sa inyo, eh. Naghahanap lang ako ng tamang timing," paliwanag ko. Nakita ko kung pa'no umikot ang mga mata ni Kamila.
"So kailan 'yon? Five years from now? Ten years from now or baka never? Like imagine, Zivs, you're dating your dream guy and we had no idea about it. What a friendship," sagot ni Kamila. Inis na inis talaga ang pagkakasabi niya.
Nangilid ang mga luha sa mata ko. Hindi lang kasi ako sanay na nagagalit sila sa akin kaya sumasakit ang puso ko.
"Because I'm not sure about us noong mga panahon na 'yon. I don't want you to see you two laughing at me dahil lang umasa ako na magugustuhan din niya ako," dagdag ko.
Huminga nang malalim si Kamila. "Gano'n ba talaga ang tingin mo sa amin, ha? We might be crazy but we will not do that to you. Baka sapakin ko pa iyon kapag pinaiyak ka, eh."
Napangiti ako. Right . . . bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Na kapag kaaway ng isa, kaaway ng lahat? Kapag masaya ang isa, masaya ang lahat . . . na ang feelings naming tatlo sa isang tao ay dapat mutual lagi. That's our friendship.
"You know what, Zivs, we love you and even in the craziest thing that you are going to do, we're here and we always got your back," sabi naman ni Mary. Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa harap nilang dalawa. Napapatingin ang ibang estudyante dahil sa pag-iyak ko.
"I'm sorry," sabi ko.
"Unacceptable unless you tell us the whole story," sagot ni Kamila at tumango naman si Mary.
"Everything, every detail of it," dagdag ni Mary saka sila naglakad para lagpasan ako.
"I hope you have a lot of time. It's a long story," sabi ko bago sila hinabol saka kumapit sa kanila.
"It's only 9:00 a.m., Zivs. You have us the whole day," sabi ni Kamila at kita ko ang ngiti sa mga labi niya.
***
NAGPUNTA kami sa isang food hub malapit sa university namin. Nag- order lang kami ng milk shakes, fries, smores, and burger. Bago pa man dumating ang order namin ay nag-start na ako magkuwento sa kanila. Namalayan ko na lang na napapanganga sila.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.