Chapter 38
"WHERE am I?" tanong ni Raven sa sarili pagkamulat niya ng mga mata niya. Nilibot niya ng tingin ang paligid at napansin niya na puro puti ang nakikita niya, hanggang sa mapako ang mga tingin niya sa lalaking nakaupo sa sofa. Nakayuko ito at tila nakahilamos sa mukha.
'Ricci?'
Nagtataka siya at napapaisip kung nasa ospital ba siya sa pagkakataong ito.
'Bakit ako nandito?'
"Ah," bahagya niyang pag-inda nang subukan niyang tumayo para sana lapitan si Ricci dahil nahila ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. Narinig iyon ni Ricci kaya naman nakuha nito ang atensiyon niya.
"What happened? Why am I here?" tanong niya rito.
Napapikit ito at ginulo ang buhok niya. He looked so miserable. Napapaisip siya kung gaano na ba siya katagal sa ospital, kung bakit parang wala pa itong tulog, at kung nag-alala ba ito sa kanya.'Ano ba'ng nangyari?'
Naalala niya si Zivawn at 'yong mga bagay na ginawa ni Ricci para rito. Naaalala niya na rin ang gabing kumuha siya ng cutter at sinugatan ang kanyang sarili. Ang huling alaala niya ay tuluyang naging blangko ang paligid niya matapos niya itong gawin.
Tumayo si Ricci mula sa pagkakaupo niya at nilapitan siya.
"Why?" tanong niya na naman dito. Sinubukan niyang hawakan ang mga kamay nito pero sinanggi lang nito iyon. Dumagdag sa pagtataka niya ang itsura nitong tila galit.
"You're a hopeless case, Raven," mahinang sabi nito sa kanya. Tumingin siya sa mga mata nito at wala siyang ibang nakikita roon kung hindi galit. Napahinto siya at muling napaisip kung ano'ng ginawa niya rito at galit na galit ito sa kanya.
"You really came this far just to get me, huh? Kailangan mo talaga akong lokohin nang ganito?" saad nito sa kanya at kitang-kita niya kung paano tumulo ang mga luha nito.
"For goodness sake, Raven! You think having a cancer is a joke? Kailangan mo talagang idahilan iyon para lokohin ako . . . so that I'd come with you? Because f*ck it!" sabi pa nito. Itinukod nito ang mga kamay niya sa kama at kitang-kita niya kung paano tumulo ang mga luha nito sa bedsheet niya.
'Gaano ba siya nasasaktan ngayon para umiyak siya nang ganyan? Gaano ba kahalaga sa kanya si Zivawn para iyakan niya ito?'
"I let go of everything that makes me happy just to be with you, para ano? Para lokohin mo ako nang ganito? F*ck it Raven! F*ck!" dagdag pa nito bago tumingin sa kanya.
"Alam mo kung ano'ng reaksiyon ko habang tinatanong ko iyong doctor kung okay ka lang ba kasi wala kang malay? I'm f*cking worried.
Nakokonsensiya ako kasi akala ko kung napaano ka na and then what? Nababaliw ka lang pala," sambit pa nito.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ulit si Ricci pero sinanggi na naman nito ang mga kamay niya.
"Sorry, Cci. I just wanted you to choose me," dahilan niya rito. Tumayo ito nang maayos at napahilot sa tuktok ng ilong niya. Umiling- iling ito at dama niya kung gaano kasakit ang puso niya dahil doon.
'Wala ba talagang pag-asa na ako ang piliin mo? Kasi kung wala na talaga, panahon na yata para itigil ko na itong kabaliwan na 'to kasi nasasaktan na rin ako. Nasasaktan akong nakikitang nasasakal ka dahil sa akin, kahit ang gusto ko lang naman ay maging masaya rin. Kaya ko bang makita ka sa piling ng iba? Kasi simula no'ng unang araw na nakita kita ay nahulog na talaga ang puso ko sa 'yo.'
Simula noong unang araw na nakita niya ito ay sinabi niya na sa sarili niya na ito ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay, na gagawin niya ang lahat para sa dulo ay sila na talaga at wala nang iba.
"You're crazy, Raven. How would I marry a girl who keeps on manipulating me?" tanong ni Ricci sa kanya.
Pumunas ito sa mukha niya na basang-basa ng luha. Nasasaktan niya ito nang sobra kaya sa tingin niya ay tama na. Tama na siguro itong kabaliwan na ginagawa niya.
"I'm sorry," humihikbing sambit niya rito at nakita niya kung pa'no ito napatawa nang mapakla.
"Para saan pa? Eh, wala na," sagot nito. Walang-gana itong umupo sa bandang paanan niya at natulala ito sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip niya.
"You know what? I spent almost half of my life being controlled by you. Hinayaan lang kita, 'di ba? Every time you do crazy things over the girls I'm dating, I just let you do that, kasi hindi rin naman ako seryoso nang mga panahon na iyon . . . until Zivawn came," kalmadong saad nito at mas lalong lumakas ang agos ng luha mula sa mga mata niya.
Zivawn again. All her life akala niya best siya pero dumating si Zivawn and she became the worst.
'Ano ba'ng mayroon sa Zivawn na iyon at minahal siya ni Ricci nang ganito?'
"She's the only girl who can understand me. She's my home. She's the girl I am comfortable with. She's the girl I want to spend my whole life with but I needed to be with you. Alam mo ba 'yon? I let her go just to be with you and here you are fooling me around? Ano'ng gusto mong maramdaman ko?" pagharap nito sa kanya.
'Sorry for messing up your life. Sorry for controlling you. Nagmahal lang naman ako. Gusto ko lang naman na mahalin mo rin ako pabalik.'
"Can you do me a favor?" tanong ni Ricci sa kanya at tumango siya kahit alam niya naman ang sasabihin nito sa kanya. Kahit alam niya naman na masasaktan siya sa mga salitang babanggitin nito sa kanya ay hinayaan niya na lang ito.
"Let me go and don't bother me anymore. There's no way I could marry a girl like you, Raven, because my heart belongs to her," dagdag nito saka tuluyang tumalikod sa kanya.
Damang-dama niya ang pagsakit ng puso niya habang pinanonood niya itong naglalakad palayo sa kanya. Hinayaan niyang kumawala ang mga luha na gustong-gustong umagos mula sa mga mata niya.
Gusto niya na lang mawala lahat ng sakit na nararamdaman niya. Gusto niya lang naman na mahalin siya pabalik pero walang sinuman ang gustong magbigay ng pagmamahal na hinahanap niya.
Siguro ay ito na talaga ang araw na dapat tapusin niya na lahat ng kahibangan niya. Huminga siya nang malalim at mabilis na hinila ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. Naglakad siya palapit sa bintana ng kuwarto niya. Tatapusin niya na lahat.
Isinampa niya ang mga paa niya roon bago siya tumingin sa ibaba at kitang-kita niya kung gaano kataas ang building kung nasaan siya.
Ngumisi siya at ipinikit niya ang mga mata niya, pero bago pa man siya makatalon ay naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.