Chapter 14

46.5K 1.2K 129
                                    

Chapter 14

BAKASYON na at nakasakay ako sa bus pauwi sa Pangasinan. Ka- pag uuwi ako sa amin ay masaya at excited ako, pero sa pagka- kataong ito ay malungkot ako, dahil bukod sa galit sa akin si Mary ay hindi ko rin makontak si Kamila.

Hindi ko alam kung alam na rin ni Kamila ang tungkol sa amin ni Ricci, pero nalulungkot talaga ako na magbakasyon na galit ang mga kaibigan ko.

Si Ricci naman ay nagbabakasyon sa America at baka raw abutin nang dalawang buwan doon. Matagal-tagal din, kaya siguro ganito kalungkot ang pakiramdam ko.

"Nandito na pala ang aming unica hija," masayang salubong sa akin nina Papa at Mama. Niyakap din nila ako nang mahigpit. Marami silang inihanda na pagkain at hindi mawawala ang paborito kong pigar-pigar.

Masaya kaming nagsalo-salo kasama ang aking mga tiyahin. Ang sarap sa pakiramdam na nasa sariling bahay ka kasama ang pamilya. Kahit paano ay nawala sa isip ko ang mabigat na nararamdaman ko bago ako makauwi rito sa amin.

"Ikaw ba, Kwinkwin, ay may nobyo na?" tanong ng tiyahin ko. 'Kwinkwin' ang tawag nila sa akin dito sa probinsiya.

"Anong nobyo-nobyo ka riyan? Hindi magnonobyo 'yang anak ko hangga't hindi siya nagiging successful. 'Di ba, anak?" sambit naman ni Mama. 'Lagi niya akong pinapaalalahanan na dapat ay makapagtapos muna ako at makapagtrabaho bago ko isipin ang makipagrelasyon. Hindi ako sumagot sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Oo nga naman, Kwinkwin, 'wag ka gagaya rito sa mga pinsan mo na 'to na maaga nagsipag-asawa," ani naman ng isa ko pang tita.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang mindset nila sa probinsiya, na kapag nagka-boyfriend ka ay mabubuntis ka na agad.

Pumasok na ako ng kuwarto matapos kumain. Gusto ko nang magpahinga dahil napagod ako sa biyahe. Tiningnan ko ang cell phone ko at na-disappoint dahil wala man lang kahit isang reply sa mga text messages ko kina Mary at Kamila, pati na rin kay Ricci. Urgent ang pagpunta niya sa America dahil sinabi ng mga magulang niya. Nakalulungkot lang dahil nami-miss ko na siya.

***

LUMIPAS ang dalawang linggo at wala akong ibang ginawa sa probinsiya kundi ang kumain sa labas, mag-swimming sa dagat, at tumulong sa bukid. Dati ay masaya ako sa mga ginagawa ko sa probinsiya tuwing bakasyon pero sa pagkakataong ito ay parang may kulang, kaya naman napagdesisyonan ko nang umuwi ng Maynila.

Nagpaalam ako kina Mama at Papa at kahit malungkot sila ay pinayagan naman nila ako na bumalik ng Maynila nang sinabi ko na mag-e-enroll na ako.

Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakauwi na ako sa apartment ko. Sa sobrang pagod ko ay humiga na ako agad sa kama. Maya-maya pa ay nag-vibrate ang cell phone ko. Dali-dali kong binuksan ang message na dumating at naiiyak ako sa nabasa ko.

 Dali-dali kong binuksan ang message na dumating at naiiyak ako sa nabasa ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon