Chapter 08

57.9K 1.4K 90
                                    

CHAPTER 08

"WOW! Kahit wala kang paramdam aba, eh, mukhang okay ka na, Zivs," bati sa akin ni Mary nang makapasok na ako sa class-
room namin. Nagngitian kami bago ako naupo sa assigned seat ko.

"Paanong hindi magiging okay. Ikaw ba naman ang two weeks absent at pa-vacay-vacay lang," nakangiti na may halong pang-aasar na sabi ni Kamila. Nakapangalumbaba siya na parang may mabigat na problema.

"Ano'ng problema niya?" tanong ko kay Mary dahil parang naubusan ng energy si Kamila. Sa amin kasing tatlo ay siya talaga itong masayahin, malakas ang boses, at medyo palaban, pero sa pagkakataong ito ay parang ang tahimik niya, nakakapanibago.
Dalawang linggo lang akong nawala. Ano kaya'ng nangyari sa kanya?

"Hay nako, it's a long story. Itanong mo na lang sa kanya," kibit- balikat na sagot ni Mary at bumalik na sa pagbabasa ng libro.

"Care to share?" tanong ko kay Kamila.

Kamila is like an open book. She does not hesitate to share anything to us. Hindi siya takot sa judgment. Open siya sa hate comments at compliments na natatanggap niya dahil isa raw siyang 'Unbothered Queen,' pero sa itsura niya sa pagkakataong ito ay parang hindi na applicable ang salitang unbothered sa kanya dahil mukhang bothered na bothered siya.

"Okay," sabi niya saka umupo nang maayos. Humarap siya sa akin at huminga nang malalim bago nagsimulang magkuwento.

"It started that night when my parents invited me to a dinner, 'di ba? You remember that day when they wanted to introduce someone to me?" umpisa niya at tila inis na inis na agad siya.

"So iyon nga, baka kilala mo . . . kasi basketball player din siya from UP—si Blaze Adrian Sy. Kasama pa niya ang parents niya on that dinner," dugtong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

OMG! Nag-dinner siya with Blaze, pero bakit mukhang inis na inis siya? Guwapo naman si Blaze, ah? Kaso nga lang ay hindi siya kagaya ni Atty. Jax. In fairness, mukha rin namang mabait si Blaze noong na-meet ko siya sa Araneta.

"And then, our parents agreed to have a fixed marriage, and that we should get married right after college graduation. Nakakainis lang kasi hello 20th century na and uso pa ba yung fixed marriage? I am so frustrated that I just wanted to fail in school repeatedly so I won't graduate. . . ." Napasinghap si Kamila pagkatapos niyang magkuwento.

"Bakit naman? Ayaw mo ba kay Blaze? Guwapo naman siya, 'di ba?" tanong ko na nagpairap sa kanya.

"Seryoso ka ba riyan? He's so annoying kaya. Sinabi niya pa sa akin na wala siyang balak pakasalan ako kaya sinabi ko rin sa kanya na hindi ko siya type. 'Tapos 'ayun na nga, halos araw-araw na niya akong ginugulo. Sabi niya, kakainin ko raw lahat ng sinabi ko. Eew! The nerve of that man! As if naman, 'di ba? Mabaog sana siya para hindi siya magkaanak sa future," huling kuwento ni Kamila bago niya isinubsob ang mukha sa desk.

Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam na hanggang sa kasalukuyan ay uso pa rin pala ang fixed marriage para sa mga mayayaman at business tycoons. May-ari ng isang malaking factory ang mga magulang ni Kamila at narinig ko na ganoon din ang mga magulang ni Blaze, kaya siguro pinipilit na sila na lang dalawa para lalong lumago ang mga negosyo at kayamanan nila.

Since stressed si Kamila dahil sa idea ng fixed marriage kay Blaze ay naisipan namin ni Mary na dalhin siya sa mall after ng klase. Nanood kami ng movie at kumain ng shawarma at uminom ng frappe. Halos ilang oras din kaming paikot-ikot lang sa mall dahil ang daming gustong bilhin ni Kamila.

Maya-maya pa ay napahinto kaming tatlo nang makita namin si Blaze na kalalabas lang ng Blue Magic at may bitbit na loot bag na sa tingin namin ay isang malaking teddy bear ang laman. Siguro ay life-sized teddy bear iyon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon