Chapter 31

55K 1.3K 97
                                    

Chapter 31

"ARE you sure about this, Zivawn?" tanong ni Juan sa akin habang binubuhat niya ang maleta ko palabas ng apartment. Tahimik naman ako na tumango sa kanya habang pinagmamasdan ang buong paligid ng apartment ko.

Napatawa ako nang mapakla nang mapatingin ako sa mga picture ni Ricci na nakadikit sa pader sa gilid ng kama ko. Good old days, mga panahon na happy crush ko lang siya at ginagawa siyang inspirasyon sa paggising ko sa araw-araw. 'Yong tumingin lang ako sa mga larawan niya ay gumaganda na ang mood ko, pero sa pagkakataong ito, tingnan ko pa lang ito o marinig ko lang ang pangalan niya ay may kumukurot na agad sa puso ko.

Sana pala . . . sana pala hindi ko na lang pinangarap na makilala siya nang personal. Akala ko no'n ay magiging masaya ako kapag napasok ko ang buhay ni Ricci, pero hindi pala. Ang hirap pala. Siguro kung hindi ko siya nakilala, hanggang sa pagkakataong ito ay kinikilig pa rin ako kapag naririnig ko ang pangalan niya.

"Let's go?" Juan asked me nang makita niya na parang maiiyak na naman ako bago lumabas sa apartment ko.

Nailagay na niya ang mga gamit ko sa trunk ng kotse niya. Dinala ko lahat ng importanteng bagay para sa akin, maging si Zicci at 'yong favorite cap ni Ricci. Kahit papaano ay may naiwan siyang magandang alaala sa akin.

"Ingat ka roon," sabi ni Juan sa akin at ipinatong ang mga kamay niya sa ulo ko. Ngumiti naman ako nang malungkot sa kanya.

"Thank you, Juan," sambit ko bago kami pumasok sa kotse niya.

"Hindi mo talaga sasabihin sa mga kaibigan mo?" tanong muli ni Juan habang nagda-drive na siya papunta sa bus station. Uuwi na ako sa probinsiya namin. Wala na akong mukhang maihaharap sa school namin. Nakahihiya, hiyang-hiya ako. Dati, 'lagi kong sinasabi sa sarili ko na matatapos ko ang pag-aaral ko para matulungan ko ang mga magulang ko, pero heto ako, uuwi at magiging pabigat na naman.

"Ayoko na silang idamay," dugtong ko.

Simula nang dumating ako sa Maynila at nakilala ko sina Kamila at Mary ay 'lagi na silang nandiyan para sa akin. Tinatakbuhan ko kapag may kailangan ako, pero hindi ba parang sobra na? Parang abuso na kung pati itong problema kong ito, ibabahagi ko pa sa mga kaibigan ko. Pinigilan naman nila ako pero hindi ako nakinig, kaya nahihiya ako sa kanila. Kung binuksan ko lang sana ang mga tainga ko para marinig ang mga posibilidad na maaaring mangyari, sana ay wala ako sa sitwasyon na ito. Pero nandito na ito at kailangan ko na itong panindigan. Ayaw ko namang idamay ang isang walang-malay dahil lang nasasaktan ako.

"You sure you don't want me to send you there?" Juan asked me again. Kanina pa niya ako pinipilit na ihahatid na lang ako deretso sa Pangasinan pero hindi ako pumayag. Nahihiya na ako kay Juan. 'Lagi na lang siya ang nandiyan para sa akin.

"I'll be fine. Salamat, Juan," sagot ko bago binuksan ang pinto ng kotse. Hinawakan ni Juan ang braso ko.

"Call me if you need anything, I'm one call away, remember," habilin ni Juan sa akin kaya nginitian ko siya.

Mabuti pa si Juan, mabuti pa 'yong taong hindi ko inaasahan na tutulong sa akin sa ganitong sitwasyon ay nandiyan, pero 'yong taong in-expect ko na sasamahan ako hanggang dulo ay wala.

"Call me," paalala ulit ni Juan sa akin habang pasakay na ako sa bus. "You're a strong woman, Zivawn. You'll conquer this. I'll be right here for you," dugtong pa nito.

I mouthed him 'thank you' bago tuluyang tumalikod at sumakay ng bus.

This is the day I will leave everything in Manila. Lahat ng pangarap na binuo, lahat ng memories, lahat ay iiwan ko muna.

***

PAGDATING ko sa tapat ng bahay namin ay hindi ko alam kung paano ako kakatok sa pinto at haharapin ang mga magulang ko. Alas-otso na ng gabi pero alam kong gising pa sila.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon