Chapter 23

43.6K 1.1K 130
                                    

Chapter 23

PARA akong mabibingi habang naririnig ko kung paano i-announce ng mismong Mama ni Ricci na engaged na ang anak niya kay Ra- ven. She's so happy and excited na para bang botong-boto talaga siya rito para sa anak niya. Pero bakit nga ba hindi? Maganda si Raven, mabait, at anak-mayaman. Ano ba'ng laban ko sa kanya?

Naramdaman ko ang paghawak ni Kamila sa kamay ko na nakapatong sa lamesa nang biglang hawakan ni Ricci ang kamay ni Raven at inilagay sa balikat niya habang ang mga kamay niya naman ay dumapo sa baywang nito saka nagsimula silang magsayaw.

Iba naman ang tugtog pero parang 'That should be me' ni Justin Beiber ang naririnig ko kasi ako naman dapat iyon. Akala ko ako 'yon. Akala ko darating ang araw na ipagsisigawan ko sa lahat na ako iyon, ako ang babaeng ihaharap niya sa altar at pakakasalan niya . . .pero hindi pala. Imposible pala talaga.

Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ko man lang nakita na tumingin siya sa akin. Hindi niya man lang ba naisip ang nararamdaman ko habang pinanonood ko siya na may kasayaw na iba? Ang sakit-sakit lalo na at si Raven pa, dahil paano ako magagalit sa babaeng wala namang ginawang masama sa akin? Ang bait-bait niya. Para siyang anghel na hindi gumagawa ng kasalanan kaya ano'ng karapatan ko na magalit sa kanya? Hindi niya naman alam at saka siya naman ang nauna. Kung babaligtarin ang istorya, siya naman talaga ang bida at ako naman ay ume-extra lang sa love story nila.

"Uuwi na ako," sabi ko.

Ala-una na ng umaga at kanina pa tapos ang pagkanta para kay Ricci. Iyon lang naman talaga ang gusto ko, eh. Ang salubungin ang birthday niya na kasama siya, kahit iba naman ang katabi niya.

Tiningnan ako ni Kamila. Para bang awang-awa siya sa akin, pati na rin si Blaze at Hunter. Ang mga mata nila ay parang nagso- sorry dahil kailangan kong masaksihan ang ganito, pero mas okay na ito kaysa naman wala akong alam. At least hindi na ako aasa sa aming dalawa. Hindi na ako aasa na puwede ko siyang makasama habambuhay.

"Ihahatid na kita. I'm sorry, If I know that this is gonna happen today, hindi kita dadalhin dito," Juan said at tumayo na kaming dalawa. Nilingon ko pa sila ulit saglit at nakikita ko na nagbubulungan sila habang magkasayaw. Masaya kaya siya? Sana masaya siya kasi iyon lang naman ang gusto ko—maging masaya siya kahit hindi ako ang dahilan.

"Do you want me to give it to him?" tanong ni Juan habang bumabiyahe na kami pauwi sa apartment ko. Ngumiti lang ako nang malungkot at umiling.
Para saan pa? Parang hindi na rin naman kami magkikita. Mukhang kinalimutan niya naman na ako. Gano'n na lang yata talaga 'yon, parang bula na maglalaho na lang bigla.

"He'll like it. Mahilig siya sa painting," sabi ni Juan at tumango naman ako dahil alam ko naman iyon.

No wonder, puno ng painting ang buong court. He even painted me there. Those things he did for me, ano ba'ng iniisip niya nang ginagawa niya iyon? Noong nasa Skyranch kami, noong nag-date kami sa court, noong isinayaw niya ako, noong sinabi niya na gusto niya ako, at noong mga gabing katabi ko siya matulog . . . ano kaya'ng iniisip niya tungkol sa akin?

Siguro tama si Juan. Baka nga isa lang ako sa mga babaeng pinaibig niya at pagkatapos niyang paglaruan ay iiwan na lang nang basta-basta.

Nadaanan namin ang court. Hinawakan ko ang braso ni Juan para pahintuin siya sa pagda-drive. Tumingin siya sa akin.

"Dito na lang ako," sabi ko at nakita kong tumaas ang isang kilay niya. Sino ba naman kasing babae ang gustong tumambay pa sa court nang ganitong oras? Ako lang yata.

"Ilalabas ko lang lahat ng sakit na nararamdaman ko," paliwanag ko. Kinuha ko ang painting sa back seat ng kotse niya bago ako bumaba roon. Hindi ko na siya nilingon at pumasok na ako sa basketball court. Umupo ako sa saktong lugar na inupuan ko noong una kaming nagkita ni Ricci.

"It's just a bad day, not a bad life," sambit ko bago ako pasalampak na umupo sa sahig.

Kung puwede ko lang balikan ang unang araw na nakita ko siya rito, siguro imbes na lumapit sa kanya ay lalayo ako. Mas pipiliin ko sigurong hindi ko na lang siya nakilala nang personal, kasi na-realize ko na mas maganda pala kapag fan ka lang. At least, may limit 'yong feelings mo, na kapag alam mong may iba na siya ay masasabi mo na okay lang 'yan, fan ka lang naman. Wala nga siyang idea na nag-e-exist ako sa mundong 'to pero sa sitwasyon ko sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung ano'ng gagawin. Paano ako makalilimot? Kakayanin ko ba? Darating kaya ang araw na kapag ipinikit ko itong mga mata ko, maiisip ko na hindi na pala ako ang kasama niya at iba na?

Umiyak ako nang malakas. Hinayaan kong kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko dahil ito lang naman ang magagawa ko. Kasalanan ko naman na umasa ako sa kanya. Kasalanan ko naman 'to kaya nangyayari ito sa akin. Kasalanan ko kasi minahal ko siya nang sobra kahit hindi naman siya sigurado sa nararamdaman niya para sa akin. No wonder, never siyang sumagot sa mga 'I love you' ko sa kanya kasi hindi naman pala talaga niya ako kayang mahalin.

"I knew you're here. . . ."

Narinig ko ang isang pamilyar na boses, kaya iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko. Tiningnan ko nang deretso ang mga mata niya at wala akong ibang nakikita kung hindi awa.

Naaawa siya sa akin dahil iniiyakan ko siya. Gano'n pa rin ang suot niya at medyo magulo na ang buhok niya—ang buhok niyang gustong-gusto kong hawakan. Pero bakit ba siya nandito? Mas gugustuhin kong hindi na sana siya makita. Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko kahit nasasaktan niya na ako.

"Can we talk?" tanong niya.

Napatawa ako nang mapakla.

"Please," dugtong niya pa at narinig ko kung paano nag-crack ang boses niya.

"Para saan pa?" tanong ko. Ano pa ba'ng pag-uusapan? Wala naman na. Narinig ko naman lahat.

Nakita ko naman kung gaano kasaya ang mga magulang niya na si Raven ang babaeng pakakasalan niya kaya para saan pa kung mag-uusap kami?

"Birthday ko naman," sabi niya.

Naramdaman kong may tumulong luha muli mula sa mga mata ko. Sana nga gano'n lang kadali iyon, na makalilimutan ko lahat dahil birthday niya naman, na mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil sa kanya kasi birthday niya naman. Sana gano'n lang kadali.

"I told you. I want to be with you on my birthday," sabi niya pa.

Sabi ng utak ko ay huwag na akong sumama sa kanya pero iba ang isinisigaw ng puso ko. Wala namang nagbago. Siya pa rin naman ang mahal ko, kaya naman napatango ako. "Okay."

Nakita ko kung paano nagkaroon ng buhay ang mukha niya.

"Birthday mo naman," dugtong ko pa at mabilis na tumayo. Kinuha ko ang painting na inilapag ko sa tabi ko at naglakad papunta sa kotse niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon