Chapter 06
"DID I say something wrong?" Halata sa boses ni Ricci na nag-aa- lala siya sa biglaang pag-iyak ko.
Perhaps, can I like you? Ganito ba kadali para sa kanya na paglaruan ang nararamdaman ko? Tanggap ko naman sa sarili ko na walang chance na maging kami, pero bakit pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya ang feelings ko? Naiiyak ako sa naiisip ko dahil sa sinabi niya. Ang sakit ng puso ko.
"Hey." Halata pa rin sa boses ni Ricci ang pag-aalala. Sinubukan niyang hawakan ang mukha ko pero hinawi ko ang kamay niya at mabilis na tumayo.
Napayakap ako sa sarili ko dahil biglang umihip ang malamig na hangin, Nakasando lang kasi ako at pajama. Iyon kasi talaga ang usual na pantulog ko.
Nagulat ako nang biglang ipatong ni Ricci sa likod ko ang tuxedo suit niya.
Bakit ba ganito siya? Bakit niya ba ako pinapaasa? Ayoko ng ganito. Ayokong mag-assume. Ayokong dumating ang araw na kamumuhian ko siya dahil lang isa akong feelingera.
"I'm sorry if I say crazy things. I just can't think properly right now," nahihiyang sabi ni Ricci na napahawak sa batok niya at umiwas nang tingin sa akin.
"'Wag mo na ulit sasabihin 'yon, ha?" sabi ko sa kanya.
"Alam mo naman na gusto kita, 'di ba? Ayoko lang umasa na isang araw ay magugustuhan mo rin ako kasi alam ko namang imposible na mangyari iyon," huling sabi ko bago ako tumakbo palayo sa kanya.
Habang tumatakbo ay parang naririnig ko kung paano sabihin sa akin nina Kamila at Mary ang mga impossibilities naming dalawa. Ang lapit niya na sa akin pero parang malayo pa rin siya sa akin. Siguro nga ay tama ang mga kaibigan ko. Kailangan ko nang tigilan ang kahibangan ko kay Ricci dahil hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko.
Napahinto ako sa pagtakbo nang ma-realize ko na suot ko pa pala ang tuxedo niya. Napaupo ako sa gitna ng kalsada dahil sa pagod at sa pag-iisip kung paano ko ito maibabalik sa kanya.
Maya-maya pa ay nagulat ako nang maramdaman ko na may huminto sa harap ko. Lumuhod siya sa harap ko para mapantayan ako. Napatingin ako sa panyo na iniaabot niya sa akin. Kinuha ko naman iyon at mabilis na pinunasan ang luha ko bago ko siya hinarap at magpasalamat pero nagulat ako nang malaman ko kung sino siya.
"Juan," gulat na banggit ko ng pangalan niya.
Walang reaksiyon sa mukha niya pero dama ko ang tingin niya na parang may galit sa akin.
"Can I give you some advice, Zivawn?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
Natatandaan niya ang pangalan ko?
Nakatingin kami sa isa't isa. Kinakabahan ako sa kung ano mang susunod na sasabihin niya.
"Run while you still can," ang tanging sinabi niya bago siya tumayo at tuluyan akong iwan sa gitna ng daan na nagtataka.
Ano ang ibig niyang sabihin? Gulong-gulo na ako.
"HOY! Zivs! Okay ka lang ba?" tanong ni Kamila sa akin habang inaabutan ako ng kape na in-order niya. Nasa isang coffee shop kami dahil tapos na ang klase namin at hindi sila makapaniwala na wala akong nasagot sa recitation namin kanina, samantalang favorite subject ko ang media ethics.
Halos ipinahiya ako ng prof namin sa harap ng buong klase dahil sobrang lutang ko raw. Nakatulala lang ako habang sinisigawan niya ako. Paano ba naman kasi ay halos wala akong tulog sa loob ng isang linggo.
Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako pinatutulog ng nangyari sa amin ni Ricci sa lumang court. Akala ko ay babalik kami sa kung ano kami bago 'yon mangyari. Iyong ime-message niya ako at magse-send siya ng mga videos sa akin, pero sa isang linggo na iyon ay hindi siya nagparamdam. Ayoko rin naman na ako ang unang kumontak sa kanya.
Nakalulungkot lang na natapos na lang yata ang lahat nang gano'n-gano'n na lang.
Ginulo ko ang buhok ko at kinuha ang kape sa harap ko. Mabilis kong nainom ang kape kahit mainit pa ito. Gulat na gulat naman sina Kamila at Mary sa ginawa ko.
"May problema ka ba, Zivs? If something's wrong, please know that we're willing to listen," may pag-aalala sa boses ni Mary.
"Umuwi ka kaya muna sa inyo? Kasi if that's a family problem naman, Zivs, puwede ka naman sigurong um-absent kahit one week. Magpasa ka na lang ng excuse letter," suggest naman ni Kamila.
Halata sa tono ng mga boses nila ang pag-aalala sa akin. I felt so blessed with them, na kahit hindi pa nila alam kung anong pinagdaraanan ko ay willing sila na i-comfort ako at hindi nila ako pinipilit na sabihin kung ano ang nangyayari sa akin.
***
PAUWI na ako sa apartment. Sinunod ko ang suggestion nina Kamila at Mary at nag-file na ako ng excuse letter kanina sa university at effective na iyon bukas. Isinulat ko na lang doon na kailangan kong umuwi sa probinsiya dahil sa personal na problema. Alam ko naman na white lie iyon pero kailangan ko ito. Kailangan ko ng bakasyon. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Hindi ako pinag-aaral ng mga magulang ko sa Maynila para maging miserable dahil lang nagkagusto ako sa taong never akong magugustuhan.
"Kuya, ano po'ng ginagawa ninyo?" tanong ko sa isang construction worker na kasalukuyang nagbubuhat ng bakal at dinadala ang mga iyon papasok sa loob ng lumang court.
"Hindi ba halata, miss? Gagawin namin 'yong court," sagot niya at naglakad papasok ng court.
"Ha? Kuya, paano nangyari iyon? Nakabalik na ba 'yong may- ari?" tanong ko pa ulit na nakapagpahinto sa kanya. Halata sa mukha niya na naiinis na siya.
"Hindi ko alam, miss. Basta inutusan lang kami ni Engineer," huling sabi niya at tuluyan na akong iniwan.
Inaayos nila ang court—nilalagyan ng bubong. Siguro nga ay dumating na 'yong apo ng may-ari nito. 'Buti naman . . . feeling ko kasi ay hindi na ako ulit pupunta rito. At least may ibang tao nang gugustuhing tumambay rito kapag naayos na ito.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.