Chapter 42
"SO, you're together," sabi ko kina Hunter at Mary na kasalukuyang nakaupo sa harap ko.
Pumasok kami sa isang coffee shop at halos mapapikit ako habang iniisip ko pa lang kung gaano kahaba ang magiging usapan na ito. How would I tell Mary about it? Baka maiyak ako habang nagkukuwento about sa mga nangyari. Matagal na pero fresh pa rin sa utak ko. Kahit isang detalye ay wala akong makalimutan.
"He looks like him," komento ni Mary habang tinititigan si Aki na busy sa pag-inom ng frappe na in-order ni Mary para sa kanya.
"Does he know?" tanong niya pa. Nginitian ko siya nang malungkot. "No way, Zivs. It's been five years! You raised him alone while that guy . . ." reaction niya at napahawak pa siya sa sentido niya na tila ba sumakit ang ulo niya habang iniisip ang mga nangyari.
"He's miserable," Hunter commented.
"He's successful," kontra ko naman sa sinabi niya pero napailing siya.
He's now a professional basketball player together with Juan and Hunter, while Blaze pursued law because of Kamila. Kung marami nang fans si Ricci noon, mas marami sa panahong ito. Mas gumuwapo siya. Mas lumaki ang katawan niya. He looked so fine kaya paano nasabi ni Hunter na miserable siya? He's far away from being miserable.
"Anyway, ano'ng name niya?" tanong ni Mary.
"My name is Drake King Cazimer. I don't have a middle name," sagot ni Aki sa tabi ko. Napakagat si Mary sa kanyang ibabang labi dahil sa narinig niya.
Aki doesn't deserve this, I know. May tatay siya kaya lang hindi siya kilala nito, pero ano'ng gagawin ko? Five years na at ayoko nang guluhin ang buhay ni Ricci. Alam kong sa loob ng limang taon ay maraming nagbago at kasama na roon ang feelings ng tao. He chose Raven over me and that was enough for me to realize that he didn't love me enough to choose me, and I think I already moved on. Isa pa ay okay naman ako. Sa loob ng limang taon, naging okay naman ako at nakaya ko naman nang wala siya.
"Aki, wanna play basketball with me some time?" Hunter asked Aki. I bet Mary really did change him. Hindi ko man lang narinig na magsalita si Hunter dati pero sa pagkakataong ito, ang dami niya nang sinasabi. Si Mary siguro ang nagturo sa kanya kung paano magsalita at makihalubilo sa iba kasi usually ay tahimik lang siya noon.
"You also play basketball, Tito Hunter? You know Serrano in jersey number 25 too?" excited na tanong ni Aki kaya napahinto kaming tatlo. Kitang-kita ko kung paano ngumisi nang mapakla si Mary nang marinig niya ang sinabi nito.
"I wanna meet him in person. I'm a fan," dagdag pa ni Aki. He's really innocent. Hindi niya man lang napapansin ang reaksiyon ng mga tao sa paligid niya tuwing naririnig ang sinasabi niya and I felt pain inside my heart.
My son doesn't deserve this. Sana pala ay hindi ko na lang siya isinama rito sa Maynila. Bahagyang napakamot si Hunter sa batok niya at pilit na nginitian ito. "You do? Well, he's the busiest man in the league but I will try to catch him for you," he said and I knew that he didn't mean it.
I told them countless times a while ago that 'I don't wanna see him ever.' Not today, not tomorrow, or not anymore kasi kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin nalilimutan lahat. Maging ang huling bagay na sinabi ko sa kanya ay tandang-tanda ko pa, at feeling ko kapag nakita ko siya ay kusa pa ring tutulo ang luha mula sa mga mata ko, kaya mabuting huwag nang magtagpo pa ang mga landas namin.
Five years na pero parang kahapon lang ang sakit na nararamdaman ko. 'Yong iyak ko habang iniluluwal ko si Aki at wala man lang humahawak ng kamay ko sa tabi ko. He didn't know. Wala man lang siyang alam sa mga sakripisyo ko.
Does he deserve to see Aki? Is he really worth to be called a father for a son he never knew?
Proud ako sa mga achievements niya pero hindi ko pa rin siya kayang makita pang muli kasi alam ko sa sarili ko na kapag nagkaharap na naman kami, bibigay na naman ako.
Mary and I kept talking about what happened on that five years away from them. She told me how Kamila cried after the graduation ceremony saying that I should be there, at kung paano binugbog ni Kamila si Blaze habang sinasabi na kasalanan ni Ricci ang lahat. I missed a lot of things pero totoo nga siguro ang sinasabi nila, na ang tunay na kaibigan kahit matagal mong hindi nakausap, kapag binalikan mo ay kaibigan ka pa rin nila.
Mary suggested na dalawin namin si Kamila minsan. Medyo busy raw kasi ito sa dami ng trabaho niya. Balita niya ay sobrang workaholic nito, kabaligtaran noong nag-aaral kami kung saan siya ang pinakatamad sa klase.
***
"TITO Juan!" masayang bati ni Aki kay Juan after niya itong makita sa condo na tutuluyan namin. Nakaupo si Juan sa sofa at busy sa cell phone pero agad na nakuha ni Aki ang atensiyon niya kaya mabilis siyang napatayo.
"Hey, little buddy! What's up?" bati ni Juan dito at mabilis niyang binuhat si Aki.
"I kinda like it here except the traffic," Aki told him. Natawa naman si Juan kaya pabirong ginulo ang buhok niya. Sobrang close sila. Halos every weekend ba naman sa loob ng limang taon ay 'lagi siyang dinadalaw nito.
"Don't you have a game?" Aki asked him habang binababa niya ito sa sofa. Umiling siya.
"Tomorrow, wanna watch me?" tanong ni Juan at mabilis naman na tumango si Aki sa kanya.
"Is Serrano in jersey number 25 there too?" tanong ni Aki sa kanya at hindi malaman ni Juan kung tatawa ba siya sa tanong nito dahil nasanay na siya na kulitin ni Aki tungkol dito.
"You really like him better than me, huh?" tanong ni Juan dito na para bang nagtatampo. Tumawa naman si Aki nang nakaloloko sa kanya.
"Well, in basketball, I like him better," nag-aalangan na sabi ni Aki.
"But for my mom, I want you to marry my mom," dugtong niya kaya napanganga ako habang kita ko naman kung paano lumawak ang mga ngiti ni Juan sa sinabi nito.
"Really? Should I propose to her?" tanong muli ni Juan habang napapailing ako na naglakad papuntang kusina.
"Yes, 'cause one of my dream is to become a ring bearer," sagot ni Aki kaya napatawa na naman si Juan bago tumingin sa akin.
"Well, I think we can do something about that dream, buddy," saad niya. Nakangisi siyang tinitingnan ako habang hinahanda ko ang ingredients para sa lulutuin ko. Inirapan ko na lang siya sa mga sinasabi niya kaya tinawanan niya naman ako.
He's always here for me. Noong mga panahon na wala akong matakbuhan, siya 'yong laging nand'yan para sa akin at masaya ako dahil kahit kailan ay hindi niya ako iniwan.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.