Chapter 03

74.4K 1.7K 95
                                    

Chapter 03

"ANO'NG problema niya?" tanong ni Kamila kay Mary na nasa tabi niya. Nagkibit-balikat naman si Mary at sabay silang tumingin sa akin.

Nasa cafeteria kami dahil walang dumating na professor sa klase namin kanina, pero ayaw pang umuwi nitong dalawa at gusto pa raw nilang tumambay.

Para akong t*nga na nakatingin sa cell phone ko habang tinitingnan ang pictures namin ni Ricci sa Skyranch at wala sa sarili akong bigla na lang napapatawa sa sobrang kilig. Kaya naman nagtataka na itong dalawa sa akin. Hanggang sa pagkakataong ito ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. One second, I was a hopeless fangirl, then suddenly I was so close to him than any other fan.

"Isn't she acting weird?" tanong ni Kamila at tiningnan pa ako na parang ako na ang pinaka-weirdo na taong nakilala niya.

Hinayaan ko na lang silang dalawa sa kung anumang iniisip nila. Tanggap ko naman na hindi nila gusto ang pagkakaroon ko ng undying love para kay Ricci Serrano.

"Hindi kaya may love life na si Zivs?" inosenteng tanong ni Mary.

"G*ga! Okay ka lang?!" malakas na sabi ni Kamila, dahilan para magtinginan sa amin ang mga tao sa katabing table. Gayunpaman, sanay na kami sa kanya. Maingay talaga siya at sinasabi niya agad ang kung anong unang pumasok sa isip nya.

"Si Zivawn magkaka-love life? Nakalimutan mo na ba na patay na patay 'yan kay Ricci? Hello, as if naman na aware si Ricci sa existence niya, 'no!" Napairap pa siya habang sinasabi iyon pero tumawa lang ako.

Nakatitig pa rin ako sa pictures namin. Mabuti na lang at wala akong katabi sa upuan kaya walang nakakikita sa kanila kung ano man itong pinagkakaabalahan ko. Gusto ko lang muna solohin 'yong moment. Wala akong balak i-upload ang mga picture namin dahil parang ayoko lang na may ibang makaalam. Hindi ko alam kung bakit, o baka natatakot lang ako na may ibang fans na magalit sa akin if ever malaman nila na ako pala iyong ka-date ni Ricci noong araw na iyon. Fan din naman ako kaya alam ko ang mararamdaman ng ibang fan kapag nakita nila ang pictures namin ni Ricci.

"Si Ricci Serrano? Eh, 'di ba may girlfriend na 'yon?" nagtatakang tanong ni Mary na nakapagpahinto sa akin. Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"O, hindi n'yo ba nakita 'yong viral post kagabi na may ka-date daw si Ricci sa Skyranch kahapon? Sayang nga, hindi makita 'yong face n'ong girl pero parang pamilyar," dagdag ni Mary habang nag-i- scroll sa cell phone niya.

"Ito, oh . . ." Iniharap niya sa amin ng cell phone niya, kaya mabilis naman iyong inagaw ni Kamila mula sa kamay niya.

Ka-date? Skyranch? Hindi ba ako iyon?

"OMG! Si . . ." Napatingin sa akin si Kamila. Bumilis tuloy nang sobra ang tibok ng puso ko. Ang lakas at ang intense kasi ng pagkakasabi niya.

Nakilala ba nila ako? Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Kailangan ko na yatang i-ready ang sarili ko sa mga hate comments na matatanggap ko.

"Ano ka ba naman, Maria?! Paanong pamilyar, eh, blurred naman itong picture! Kaloka ka!" sabi ni Kamila at mabilis na ibinalik ang phone ni Mary.

Nakahinga ako nang maluwag.

"Oo nga, 'no," komento naman ni Mary sabay tawa.
Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa dalawang ito pero 'buti na lang at blurred 'yong picture.

"But the bottomline here is, may GF na si Ricci. Kaya ikaw, Zivawn, move on na, okay? Panahon na para makahanap ng posible," advise ni Kamila sa akin habang tinataasan pa ako ng kilay.

Minsan talaga iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga sila o hindi. Never kasi nila akong sinuportahan sa pagkakaroon ko ng crush kay Ricci. 'Lagi nilang sinasabi na sobrang imposible at maghanap na lang daw ako ng ibang crush na alam ang existence ko. Kaya rin siguro ayokong sabihin sa kanila itong nangyari. May balak naman ako pero hindi pa siguro sa pagkakataong ito. Ayokong pangunahan ang mga bagay kasi baka ma-jinx.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon