Chapter 24

46.4K 1.1K 285
                                    

Chapter 24

"NASAAN na tayo?" gulat na tanong ko kay Ricci nang maalimpun- gatan ako at makita ko sa labas ng bintana na wala na kami sa Maynila, at pawang mga bukid ang nasa paligid namin na para bang
daan pauwi sa probinsiya namin.

"Saan tayo pupunta?" sunod na tanong ko sa kanya dahil ang sinabi niya kanina ay mag-uusap lang kami.

"Isabela," sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha? Isabela? Ihinto mo, ihinto mo, Ricci! Ano ba? Bumalik na tayo sa Maynila!" nagpa-panic na sabi ko kaya inihinto niya naman ang kotse niya.

Napahinga siya nang malalim at napapikit. "Pagod na ako," mahina niyang sabi.

Anong oras na ba? Alas-nuwebe na pala ng umaga. Halos pitong oras na siyang nagda-drive at kitang-kita ko sa mga mata niya ang antok.

"Pagod ka na pala. Bakit ka pa nag-drive hanggang dito? Sana umuwi ka na lang at natulog," matigas na sabi ko sa kanya.

Kung pagod siya ay puwede naman siyang magpahinga sa kanila. Bakit kasi pinuntahan niya pa ako? Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari.

"Pagod na ako. Hindi mo ba naiintindihan?" Iba ang tono ng boses niya. Para bang gusto niyang sumigaw pero pinipilit niyang kalmahin ang sarili niya.

"Sige, magpahinga ka muna 'tapos umuwi na tayo," malamig na sagot ko sa kanya at napansin ko na nagtagis ang mga panga niya.

"F*ck it!" sigaw niya.

Nagulat at natulala ako sa kanya, lalo pa nang hampasin niya ang manibela gamit ang dalawang kamay. No'n ko lang siya nakitang nagalit nang sobra. He's a calm person, pero sa pagkakataong ito ay para bang ibang-iba siya.

"I want to relax and I can only relax when I'm with you, don't you get it? Gusto ko lang naman takasan lahat. Gusto ko lang naman na makasama ka. Bawal ba 'yon , Queen?" Ramdam ko ang frustration sa boses niya.

"Pero ikakasal ka na, Ricci," paalala ko sa kanya kaya naman nakagat niya ang ibabang labi niya.

"Not you, Queen. Huwag naman pati ikaw. I'm so f*cking tired of people who keep on pushing and telling me to be with someone I don't want to be with. 'Wag naman pati ikaw, kasi nakakasakal, nakakapagod," sagot niya saka isinubsob ang ulo niya sa steering wheel.

"Pero mukhang okay ka naman kagabi. Masaya ka kagabi nang mag-announce ang mommy mo. Nagsayaw pa kayo, hindi ba? At isa pa, maganda naman si Raven, mabait at mayaman, kaya ano pa'ng problema mo?" Kumikirot ang puso ko habang sinasabi ko ang mga salitang iyon.

"Yes, she's prettier than you, she's sexier than you, richer than you, she's way better than you, but she's not you. She will never be you, Queen, and that's my problem," sagot niya at ramdam ko ang sakit sa mga mata niya habang tinititigan ako.

"Hindi puwede, Ricci. Hindi puwede. Bumalik na tayo. Bumalik ka na kay Raven," mahinang sagot ko. Wala akong laban kay Raven lalo pa at aprubado siya ng pamilya ni Ricci, kaya mas mabuti kung titigilan na namin ito, para hindi na lalong sumakit pa ang puso ko.

"Please stop pushing me to her because you're the one who told me that no one can control someone's heart," deretso sa mata niyang sabi sa akin.

Kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa na pakinggan ko siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Alam ko dapat na matuwa ako dahil gusto niya akong makasama dahil iyon din ako gusto ko, pero alam ko naman na sa iba siya ikakasal.

"Mahal mo ba ako?" tanong ko at hindi siya nakasagot. Ngumiti ako nang malungkot. "See, hindi mo nga alam kung mahal mo 'ko, eh. Kaya paanong gusto mo na ako ang kasama, eh, ni hindi mo nga alam ang nararamdaman mo para sa akin," mapait at masakit sa puso na sabi ko.
"Can you just come with me today? I'll figured it out because like you. I also wanted to know the answer to your question," tanging sabi niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon