Chapter 11
"HAYS! Thank You, Lord! Natapos ka rin, exam!" malakas na sigaw ni Kamila nang makalabas kami ng exam room. Halos lahat kaming mga estudyante ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga nang maluwag.
Finally, 4th year is coming! One year na lang. Thank you, Lord!
"Ano pa'ng hinihintay ninyo? Tara na at mag-mall tayo. Deserve nating kumain ng masarap ngayon," sigaw niya pa at sabay kaming hinila ni Mary papunta sa sasakyan niya, kaya wala na kaming nagawa. Hindi marunong mag-drive si Kamila kaya 'lagi siyang may kasamang driver/bodyguard niya na madalas niya namang takasan dahil daw halos wala na siyang privacy sa mga ginagawa niya.
"NAG-UUSAP pa ba kayo ni Blaze?" tanong ko kay Kamila. Napahinto naman siya sa pag-inom ng milk tea.
"He's annoying," maiksi niyang sagot.
Hinayaan ko na lang siya. Mukhang nag-uusap pa nga sila. Sana, kung hindi seryoso si Blaze sa kanya ay tumigil na siya, pero kung seryoso man siya ay mas maganda dahil mukhang nahuhulog na si Kamila sa kanya. Ayoko lang kasing dumating ang araw na kamuhian ko si Blaze kapag pinaiyak niya si Kamila. At dahil kaibigan siya ni Ricci ay awkward naman kung makikita ko siya 'tapos ay may hidden anger pala ako sa kanya.
Sinamahan lang namin si Mary sa bookstore dahil balak niya raw magbasa ng libro sa darating na bakasyon. Sobrang hilig niya talagang magbasa. Wish ko, sana ay makahanap na si Mary ng love life niya at hindi puro libro at pag-aaral ang pinagkakaabalahan niya.
Wattpad books ang binili namin ni Kamila, habang kay Mary ay makakapal na libro na English ang content at more on adventures series.
Paglabas namin sa bookstore ay napahinto ako nang makita ko si Raven. Mag-isa lang siya at may hawak siyang paper bags.
"Hi! Sabi ko na, eh. It's you, Zivawn," bati niya at ngumiti sa akin.
Bakit wala siyang kasama?
"You know her, Zivs?" tanong ni Kamila. Mukhang hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay niya.
"Friends kami. 'Di ba, Zivawn?" sagot ni Raven at nginitian si Kamila. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Bukod sa mukha siyang barbie doll ay mukha rin siyang anghel. Ang bait niyang tingnan.
"Sino siya?" tanong naman ni Mary. Mukhang hindi nila kilala si Raven. Pero kung sa bagay, model si Raven at hindi naman siya artista. Maging ako nga ay hindi ko rin siya kilala noon.
"Well! Hi, I'm Raven," pagpapakilala ni Raven sa dalawa. Nagkamay sila ni Mary habang hindi naman tinanggap ni Kamila ang kamay niya. Mukhang hindi ito feel ni Kamila.
"Sige, I need to go na, ha. Seems like you're going somewhere, eh. See you around," paalam ni Raven bago siya naglakad paalis.
"Hindi maganda ang awra niya," komento ni Kamila. Naka-cross arm pa siya habang pinanonood namin si Raven na naglalakad palayo. Sa paglakad niya pa lang ay mahahalata talaga na isa siyang model.
"Paano mo naman nasabi? Eh, mukha naman siyang mabait," sabi ni Mary at tumango naman ako.
"Oo nga. Mabait naman siya, Kams," dagdag ko dahil mabait naman talaga si Raven sa akin.
"Well, iyon ang sinasabi ng instinct ko at bahala kayo kung ayaw ninyong maniwala sa akin," sagot ng prangkang si Kamila saka naglakad. Agad naman namin siyang sinundan.
***
MAAGA akong nagising kahit Sabado naman dahil sa araw na ito gaganapin ang FIBA at excited talaga ako na manood. Halos isang linggo ko ring hindi nakita si Ricci dahil nga sa exams namin at siya naman ay busy sa training at practice nila.
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.