Chapter 32

54.6K 1.1K 44
                                    

Chapter 32
3rd Person's POV

NAPASUNTOK si Ricci sa manibela pagkapasok sa sasakyan niya. Pinipilit niyang pigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya. Hindi niya rin naman gusto. Hindi niya rin
gustong iwan ang babaeng nais niyang mahalin hanggang dulo, na kung siya ang papipiliin ay gusto niyang manatili sa tabi nito pero wala na, bago pa man mangyari ang lahat ng 'to ay nakaplano na ang lahat.

"F*ck it!" galit na sabi niya sabay napahilamos sa mukha niya. Ano pa ba'ng magagawa niya? Nandito na siya sa sitwasyon na ito. Alangan namang piliin niya ang pansarili niyang kasiyahan kaysa sa mga magulang niya? Naalala niya pa kung bakit siya bumalik sa Pilipinas, at ang unang araw na ipinakilala siya kay Raven ay siyang araw din na sinabi nila na ipakakasal ito sa kanya.

Maganda si Raven, pero hindi niya maintindihan ang ugali nito. Nakasasakal, 'yong para bang hindi siya makagalaw nang maayos dahil palaging may mga matang nakatingin sa kanya.

***

"RICCI, son. This is Raven," his mother told him. Tiningnan niya ang babae sa tabi nito at ngumiti ito sa kanya pero para bang hindi nagugustuhan ni Ricci ang mga ngiti na iyon.

"Be good to her, son, okay? She's your future wife," dugtong pa ng mama niya kaya naman napakunot ang noo niya. Mabilis siyang tumalikod dito at iniwanan ito. Sa isip niya ay para silang mga t*nga. Dose anyos pa lang siya pero pinagpaplanuhan na ang kasal niya. Hindi niya nga kilala ang Raven na iyon.

***

"CCI, where are you going?" Raven asked him habang nag-iimpake siya ng mga gamit niya. Gusto niyang bumalik sa Pilipinas. Paano ba naman siya makagagalaw nang maayos kung may isang babaeng sunod nang sunod sa kanya sa loob ng dalawang taon na pamamalagi niya sa America?

"Manila," maikling sagot niya rito. He's trying to calm his self dahil ayaw niya namang sigawan ito kaso ay sumusobra na ito. He doesn't like the feeling of being controlled.

"Why? I'm coming with you," sabi naman ni Raven sa kanya.

"Can you please leave me alone? I'm not going to marry you! In your dreams, Raven," sabi niya rito at mabilis na iniwanan ito. Napangisi si Raven nang malungkot habang pinanonood siyang lumabas sa kuwarto niya.

Gustong-gusto ni Raven si Ricci. Unang kita niya pa lang dito ay gusto niya na ito, kaya naman noong nabalitaan niya na nanghihingi ng tulong ang mga magulang ni Ricci sa pamilya niya para sa malapit nang mag-bankrupt na kompanya ng mga ito ay mabilis niyang kinausap ang mga magulang niya para tumulong dito.

***

"PLEASE, Dad and Mom. Let's help them. In fact, Ricci is gonna be my husband in the future," malakas ang loob na sabi niya na para bang naniniwala siya na papayag talaga si Ricci sa gusto niya. Of course, she knew that would happen. If Ricci found out that she's the one who helped his parents, siyempre magkakaroon ito ng utang-na-loob sa kanya at papayag na pakasalan siya.

"You like him that much?" tanong ng mama niya sa kanya. Tumango-tango naman siya rito.

Labindalawang taon pa lang siya pero parang sigurado na siya sa kung sino talaga ang gusto niyang pakasalan.

***

'THAT'S crazy.' Iyon lang ang sinasabi ni Ricci sa sarili niya sa tuwing maiisip ang tungkol sa pagpapakasal kay Raven. Paano niya ba naman pakakasalan ang babaeng hindi niya naman nakikitang makakasama niya habambuhay. Dahil dito ay pinili niya na lang umuwi ng Pilipinas. Maraming mga oportunidad ang naghihintay sa kanya dito lalo na sa larangan ng basketball. Sigurado siya na isang araw ay makalilimutan din ni Raven ang kahibangan nito na pakasalan siya. Bata pa naman sila at isa pa, kung sakali man na isang araw ay magustuhan niya si Raven, bakit hindi, 'di ba? Pero hindi sa pagkakataong ito. Hindi niya kayang pakisamahan ang isang babae na pilit na kinokontrol ang buhay niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon