Chapter 40

65.4K 1.2K 74
                                    

Chapter 40

PUWEDE pala 'yong walang dahilan pero bigla ka na lang iiyak kahit kanina ay okay ka naman. Bigla mong maaalala lahat ng masasay- ang nangyari sa iyo na hindi mo na puwedeng balikan pa.

Ano'ng nangyari? Bakit bigla na lang natapos? The last time I checked, okay naman kami. He brought me to places I've never been before and it felt like I was in the cloud nine. Totoo nga na kapag may magandang nangyari sa 'yo ay malungkot naman ang kasunod.

I should accept it already kasi kahit kaunti, naging masaya naman ako noong kasama ko siya, pero hanggang sa pagkakataong ito ay ang sakit pa rin. Ilang taon na ang lumipas pero tuwing naaalala ko siya, umiiyak pa rin ako. Bakit gano'n? Bakit hindi na lang ako katulad ng iba na after makipaghiwalay ay makaka-move on agad. Siguro kung malalaman ng iba na hindi ko pa rin siya nakalilimutan ay sasabihin nilang OA na ako masyado pero iba kasi talaga ang pagmamahal ko kay Ricci.

I prayed Ricci to God, and he's the only person I wanted to spend my whole life with even before we met each other, that from making fake scenarios in my head, it became reality, and that reality made me the happiest person alive but also broke the hell out of me.

"Mommy, are you crying again?" my four-year-old Aki asked me. I thought he was sleeping already. Mas niyakap ko siya nang mahigpit at umiyak na lang nang tahimik sa likuran niya. Nararamdaman niya pala ako. Gusto ko lang kasi talagang umiyak. There was something in my heart that was aching again.

Okay naman kami. Ang mga pangangailangan ni Aki ay naibibigay naman namin. I also finished my studies because Juan told me that I should pursue my dreams. I am now a home-based copywriter and I am also an author under a big publishing company. I wrote a book about my heartaches and it became popular, and now, I am writing a new book again, and after writing a chapter a while ago, naiyak na naman ako.

When will I ever stop crying because of him? I still remember his touch, his kisses, and the way he hugged me, on how he danced with me in the middle of the night beside the kitchen counter. I missed everything about him. Siya naman iyong nang-iwan sa akin pero bakit ako 'yong nasasaktan ng ganito habang siya ay masaya na. Sumisikip na naman ang dibdib ko.

"I love you so much, Mommy," sabi pa ni Aki kaya mas lalo lang akong naiyak.

He's a miracle to me because despite all the things that are happening to me and all the pain I'm feeling, he is the reason why I keep on fighting.

"SUP, buddy?" bati ni Juan kay Aki pagbaba niya pa lang sa kotse niya. Nang malaman kasi ni Aki na pupunta siya ay nakaabang na kaming dalawa sa gate para salubungin ito.

Alam niya kasing may dala si Juan na paborito niyang donut at excited siya dahil mahilig silang maglaro ng basketball. Gusto niya kasi na binubuhat siya ni Juan para mai-shoot niya 'yong bola sa ring. He's interested in basketball at hindi na ako nagtaka kung bakit.

"Tito," agad niyang niyakap si Juan kaya naman binuhat siya nito at tumingin sa akin.

"Kumusta?" bati ni Juan sa akin. Madalas pa rin niya kaming puntahan. He always checks us up and makes Aki feel na mayroon siyang tatay sa katauhan niya. Sobrang bait ni Juan. Iniisip ko nga kung bakit hanggang sa pagkakataong ito ay wala pa rin siyang girlfriend.

"Okay lang. I have a project to finish. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya habang papasok kami sa bahay. Binati niya sina Mama at Papa nang makita niya ito. They also like Juan dahil palagi siyang dumadalaw para i-check ang kalagayan ko.

"Yup. I eat on time, Ms. Author," he said at nginisian ako. Palagi niya akong binu-bully simula nang malaman niya 'yong tungkol sa libro na isinusulat ko. Gusto ko lang naman may mapagsabihan na kahit isang tao about sa libro ko pero nagsisisi ako kasi bully pala talaga itong si Juan Gerardo.

"You know what, Tito . . . I saw a video of this guy on Youtube and he is also good at basketball. His name is Serrano in jersey number 25," tuloy-tuloy na kuwento ni Aki nang makaupo na kami sa sofa sa may sala. Sabay na nalaglag ang panga namin ni Juan nang marinig iyon.

"Really?" hindi makapaniwalang sabi ni Juan dito at tumango naman si Aki.

"He is good and I want to meet him soon. I became a fan already," sagot ni Aki. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang si Juan ay napakamot na lang sa batok niya.

"Okay, let's eat donut first. You like this flavor, right? Alcapone," sabi na lang ni Juan at binigyan ng donut si Aki bago siya tumingin sa akin. Inilingan ko lang siya.

Palagi kong iniiwasan ang topic na iyon. Hindi ko pa kayang harapin. Hindi ko pa alam kung paano io-open up sa kanya 'yong about sa tatay niya at kung bakit hindi namin ito kasama. He's too young to understand everything.

"Anyway, you're going to Manila, right?" tanong ni Juan sa akin. I nodded at him. Wala naman kasi akong choice dahil doon gaganapin ang book signing ko. May kontrata akong pinirmahan sa publishing kaya kailangan kong maki-cooperate sa kanila and also, pangarap ko rin naman talagang magkaroon ng book signing event.

"You'll see him there," Juan said.

I sighed. "Let's not talk about him, okay? I told you to stop talking about him," I said.

I am not mad at 'him' anymore, pero hindi pa ako handa na makita at makausap siya. Ricci broke my heart, big-time. Alam ko na hindi naman kami tumagal talaga, but the memories we made together stuck in my mind and it hurts me so bad lalo na at may anak kami.

Juan just let it go. Inilabas niya si Aki at nag-basketball sila sa garden. Gusto kasi ni Aki na magpaturo ng Euro step sa kanya.

Napapabuntonghininga na lang ako sa tuwing naririnig ko sa kanya si Ricci.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon