Chapter 12

46.4K 1.2K 57
                                    

Chapter 12

"LAMIG," ani Ricci bago niya inilapit ang katawan niya sa katawan ko. Nagkikiskisan ang mga balikat at braso namin.

Pauwi na sana siya kanina pero biglang umulan na naman na may kasamang malakas na hangin. Ayoko naman na paalisin siya nang ganito ang panahon dahil delikado sa labas.

Nakahiga kami sa kama at magkatabi kaming dalawa. Nilagay namin si Zicci sa ibaba ng kama dahil medyo malaki siya at hindi kami kasyang tatlo sa kama. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil damang-dama ko ang paghinga niya sa leeg ko.

Oh my . . . dito ko na ba isusuko ang bataan? Ngayon na talaga? Sa mga nababasa ko ay ganoon ang nangyayari, na kapag magkasama sa iisang lugar ang babae at lalaki na may nararamdaman sa isa't isa ay umaapaw ang damdamin nila at hindi nila napipigilan ito. Normal lang naman daw iyon sa mga magkarelasyon, pero hindi ko alam kung may label kami. Hindi naman niya ako nililigawan at hindi ko rin naman siya sinagot. Ang sigurado lang ako ay gusto namin ang isa't isa. Kinakabahan ako.

Ang daming tumatakbo sa isipan ko habang magkatabi kami sa ganitong malamig na panahon.

"Let's sleep," nagulat ako sa sinabi ni Ricci at kumabog lalo ang dibdib ko nang bigla niya akong yakapin gamit ang isa niyang kamay.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at kinukumbinsi ang sarili ko na matulog na. Maya-maya lang ay napansin kong hindi na siya gumagalaw at tila nakatulog na nga sa tabi ko. Mabuti pa siya. Ako lang siguro talaga ang nag-iisip na may mangyayari sa aming dalawa.

Pumaling ako kay Ricci at tinitigan siya. Ang cute niya matulog dahil nakakunot ang noo niya at para bang may kaaway sa panaginip niya, at ang labi niya . . . sobrang pula at nakaka-tempt halikan. Maya-maya pa ay nagulat ako nang bigla siyang dumilat.

"You can't sleep?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Okay lang ako. Matulog ka na," sagot ko sa kanya dahil alam ko naman na pagod siya dahil sa laro nila kanina.

"Good night," sabi niya.

Hinalikan niya ang noo ko, ang ilong ko at mga labi ko. Ewan ko kung ano ang nag-udyok sa akin dahil humawak ako sa buhok niya at idiniin nang bahagya ang ulo niya sa akin para mas mahalikan ko rin siya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko alam kung tama ba ito dahil first time ko lang din itong ginawa. Napanood ko lang ito dati sa isang palabas.

Ano ba'ng alam ng isang NBSB na gaya ko? Ilang segundo ko siyang hinalikan bago siya sumagot sa mga halik ko at para akong nalulunod. Ganito pala ang pakiramdam. Akala ko dati ay sobrang gross kapag nakikipaghalikan, pero iba pala lalo na kapag sa mahal mo. . . . 'Yong kahit na maubusan ka na ng hininga ay ayos lang.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Nakapatong na rin siya sa akin. Naramdaman ko kung paano pumasok ang mga kamay niya sa likod ng t-shirt na suot ko at sa isang iglap ay natanggal niya na ang lock ng bra ko.

Gusto ko siyang pigilan sa ginagawa niya pero parang ayaw ko rin. Pero bakit parang alam na alam niya ang ginagawa niya? May experience na kaya siya? Kasi never ko namang nabalitaan na may naging girlfriend siya pero kung mayroon ay ano naman? Past naman na iyon. Ako naman ang present at future niya . . . sana.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na namalayan na wala na pala akong pantaas. Half naked na ako at patuloy pa rin sa paghalik si Ricci sa akin. Nasa dibdib ko na siya sa pagkakataong ito at para na akong mababaliw sa sensasyon na nararamdaman ko. Mas lumala pa ito nang bumaba sa tiyan ko ang mga halik niya na para bang sinisigurado niya na mahahalikan ang bawat sulok ng katawan ko bago siya bumalik ulit sa mga labi ko. Ilang segundo niya pa akong hinalikan bago siya humiwalay sa akin.

"Okay, I need to stop here. Let's sleep already," ang tanging nasabi niya bago ulit humiga sa tabi ko.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil binitin niya ako. Ayaw niya ba? Hindi niya ba ako gusto dahil hindi ako gano'n kaganda pati na rin ang katawan ko? Na-realize ba niya na may iba pang mas magaganda sa paligid niya kaya siya huminto? Medyo nangingilid ang luha sa mga mata ko habang iniisip ang mga bagay na ito.

Ibinalot ko na lang ng kumot ang sarili ko dahil nga halos nakahubad na ako.

"I'm sorry. I wasn't able to control myself. I don't want you to give in so easily just because you like me for so long now. I want you to think about it first because when it's gone, there's no way I could take it back," mahinang paliwanag niya. Nakapikit na siya pero nararamdaman siguro niya na malalim ang iniisip ko kaya niya sinabi iyon.

"Thank you," ang tanging nasagot ko sa kanya.
Hindi pa rin naman ako ready pero kung gusto niyang gawin iyon ay willing naman ako. Kung mag-i-stay siya sa akin dahil doon ay willing akong isuko sa kanya ang pinakaiingatan ko. Gayunpaman, gumaan din ang pakiramdam ko dahil naramdaman ko na nirerespeto niya ako at gusto niyang pag-isipan kong mabuti ang lahat.

Niyakap ko na lang si Ricci nang mahigpit at inumpisahang matulog. Akala ko no'n ay OA ang mga tao na naghahanap ng kayakap kapag ganito kalamig, pero hindi pala. Masarap din pala talaga kapag may katabi ka sa mga ganitong pagkakataon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon