Chapter 22

43.7K 1.1K 200
                                    

Chapter 22

"ZIVAWN . . ."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko rito si Juan na nakatayo. Ang guwapo niyang tingnan sa suot niyang tuxedo. Mukha siyang mabait at gentleman. Ibang-iba sa bad boy image niya kapag nasa court. 'Saan kaya siya pupunta?' takang tanong ko sa isip.

Alas-sais na ng gabi at kinukuha ko ang painting na ginawa ko noong nakaraan dahil birthday na ni Ricci bukas. Sana magustuhan niya 'yon kahit simple lang.

"I'm on the way to Resorts World when I saw you. Aren't you coming?" tanong niya kaya napahinto ako sa sinabi niya.

"Hindi ba sinabi ni Ricci sa 'yo?" takang tanong niya nang hindi ako nagsalita. Umiling ako. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin bukod sa huwag akong mag-open ng social media or manood ng balita. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon pero sinunod ko na lang siya.

"Ano ba'ng meron, Juan?" tanong ko.

Bahagya siyang napahawak sa batok niya. "Well, today is Ricci's salubong party. Birthday niya bukas," sagot niya kaya hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko. He's throwing a party pero hindi man lang niya ako sinabihan. Ano ba'ng dapat kong maramdaman?

"Do you want to go with me?" tanong niya.

Napatingin ako sa suot ko. Naka-fitted dress at white rubber shoes ako. Parang hindi naman bagay roon lalo na at naka-tuxedo si Juan. Sure na lahat ng tao roon ay naka-formal.

"Well, I mean baka gusto mo lang?" sabi niya, kaya tumango ako kahit hindi ako naka-formal. Ayoko namang umuwi at isipin buong gabi kung ano'ng nangyayari sa party. Gusto kong pumunta at gusto kong makita si Ricci. Miss na miss ko na siya. Isang araw ko lang siyang hindi nakita pero miss ko na siya agad.

Mukhang enggrande ang magiging birthday niya dahil sa Resorts World ang venue. Bumabawi siguro ang mga magulang niya sa kanya.

Napanganga ako sa laki ng lugar at sa daming tao. Meron akong nakitang mga sikat na business tycoon sa mga nababasa kong magazine. Bakit nandito sila? Ganito ba kahalaga ang birthday ni Ricci? Nineteenth birthday niya pa lang naman. Ang alam ko ay 21 years old nagde-debut ang mga lalaki.

"Zivs!"

Napatingin ako kay Kamila. Nakasuot siya ng blue na gown at nakakapit siya sa braso ni Blaze.

Invited siya pero bakit ako, hindi?

"Bakit ganiyan ang suot mo?" tanong niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa dahil para lang akong napadaan.

"Why are you here?" sabi naman ni Blaze na para bang hindi magandang idea na nandoon ako.

"Ano ka ba? Siyempre nandito siya dahil kay Ricci," sagot ni Kamila pagkatapos ay bumitiw kay Blaze at saka lumapit sa akin.

"Maaga pa naman. Tara sa CR. May spare dress pa naman ako sa car. Ipakukuha ko lang kay Manong. Bakit naman ganiyan ang suot mo? Hindi ba sinabi ni Daddy Ricci na formal?" sabi niya at hinila ako.

Hindi na ako sumagot sa kanya. Ayaw ko namang sabihin na hindi naman kasi ako invited. Narinig ko pa kung paano sinabi ni Blaze kay Juan na, "Bakit mo siya dinala rito?" bago kami nakalayo. Ano ba'ng problema kung nandito ako? The last time I checked, girlfriend naman ako ni Ricci.

Tinahak namin ni Kamila ang mahabang corridor papunta sa CR pero napahinto kami nang may narinig kaming nag-uusap sa balcony.

"This is not working anymore, Hunter." Boses ng isang babae iyon at nang silipin namin ay nakita ko si Khazzandra at Hunter na nag- uusap. They were both calm but it felt so cold.

"Yes," sagot naman ni Hunter na para bang wala lang sa kanya
.
"I'm so f*cking done with you. Hindi ka naman ganiyan dati! You were the sweetest, pero ngayon . . . why? Because of that Mary?" tanong ni Khazzandra at dama ko na pinipigilan niya ang pag-iyak. I looked at Kamila when I heard Mary's name. Ano'ng meron at bakit niya sinisisi si Mary?

"Don't blame her. It's my fault," sabi naman ni Hunter.

Nakarinig kami ng malakas na sampal, kaya naman mabilis akong hinila ni Kamila paalis doon dahil nakita niya na palabas na si Khazzandra at baka makita kami.

"Kams, ano'ng meron kay Hunter and Mary? Bakit nag-aaway 'yong dalawa dahil sa kanya?" tuloy-tuloy na tanong ko and she took a deep breath.

"Well, hindi ko rin naman alam. You should ask Mary. Basta ang alam ko lang, bigla na lang silang naging close ni Hunter," sagot niya. Nakita ko na dumating na 'yong bodyguard ni Kamila at iniabot sa kanya ang dress at sapatos na ipinakuha niya.

"Bihis na, Zivs. Magsisimula na ang ceremony! Dapat maganda ka kapag nakita ka ni Daddy Ricci," sabi niya at itinulak ako papasok sa CR. Napailing ako dahil hindi niya pa rin talaga dina-drop 'yong 'Daddy' sa pangalan ni Ricci.

Mabuti na lang at magka-size kami ng paa ni Kamila kaya naman kasyang-kasya sa akin ang sandals niya. Kulay yellow ang dress at napangiti ako nang naalala ko noong una kaming nagkita ni Ricci.

'I like it if you wear yellow dress.'

Matutuwa kaya siya kapag nakita niya ako ngayon?
Minake-up-an lang ako ni Kamila saglit bago kami bumalik sa venue. Pumunta kami sa isang table kung nasaan sina Juan, at napahinto ako nang makita ko si Ricci. He's wearing a red tuxedo. He looked so clean and gentleman. Para siyang prinsipe. It's really too good to be true.

Unti-unti akong naglakad palapit sa kanya. He was talking to Blaze. Nakaupo si Blaze at siya naman ay nakatayo; seemed like Blaze was trying to explain something to Ricci kaya naman nakakunot ang noo niya. Nang mapatingin siya sa akin ay biglang nawala ang ekspresyong iyon sa kanyang mukha.

"Hi," bati ko nang nakalapit ako sa kanya at ngumiti.

I expected na ngingiti rin siya sa akin na para bang nasorpresa siya na nandoon ako but I was wrong.

"Why are you here?" tanong niya na para bang hindi siya masaya na nakita ako.

I looked at Juan. Tumingin lang siya sa akin nang seryoso. I felt so uncomfortable and I felt like I wasn't welcome at all. Mali yata na pumunta ako rito kahit hindi naman ako sinabihan.

"Babe, there you are!"

Napatingin ako sa babaeng tumawag kay Ricci mula sa likuran niya. Nalaglag ang panga ko nang makita ko si Raven palapit sa amin. She's wearing a red dress na tila ka-partner ng red tuxedo ni Ricci.
Bakit nandito rin siya? Magkakilala ba sila? Sino'ng tinawag niyang 'babe?'

"Oh, Zivawn, nandito ka rin?" gulat na tanong ni Raven pero ngumiti siya sa akin. Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang kung paano kumapit ang mga kamay niya sa braso ni Ricci.

"Ano'ng ginagawa ng babae na 'yan dito?" rinig ko na tanong ni Kamila pagkaupo niya sa tabi ni Blaze, pero hindi ito sumagot. Lahat sila ay nakatingin lang sa amin. All serious, walang gustong magsalita.

"Tara na, babe! The ceremony is about to start," Raven said and I felt unexplainable pain inside my heart.

Naikuyom ko ang mga kamao ko, praying na sana hindi totoo ang nakikita ko.

"Susunod na lang ako," saad ni Ricci. Raven just nodded bago kami iniwan. She's all smile na parang walang problema, na parang hindi niya nararamdaman ang tensiyon sa pagitan naming dalawa ni Ricci.

Tiningnan ko lang si Ricci hoping na sana magpaliwanag siya kung bakit ganito ang nangyayari. Gusto kong sabihin niya na mali ang iniisip ko.

"I'll talk to you later," the only thing he said as he turned his back on me and walked away to follow Raven.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon