Chapter 27
"HATID na kita," Juan told me nang makalabas na kami sa mall pero hindi ko siya tiningnan. Nakayuko lang ako at pilit na pinipigilan ang mga luha mula sa mga mata ko.
I didn't want him to see me like this. Ito ba iyong sinasabi niya sa akin na he's trying to stop something before it's too late, na it's not gonna be easy? Kasi kung ito iyon, sana pala una pa lang ay nakinig na ako sa kanya.
"Do you want to go home?" he asked. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang balikat ko. Umiling ako bilang sagot. Ayoko roon. Ayokong umuwi kasi kapag umuwi ako at ako na lang mag-isa, maaalala ko na naman siya at iiyak lang ako.
"Then come with me," sabi niya.
Hinila niya ang kamay ko papasok sa kotse. Hindi na ako pumalag dahil nanghihina talaga ako. Hiniling ko na lang na kung saan man ako dalhin ni Juan ay sana mabawasan kahit papaano itong sakit na nararamdaman ko.
Nakarating kami sa isang bar pero hindi tulad ng bar na pinuntahan namin noon na maingay. Dito ay tahimik lang na nakikinig ang mga tao sa singer na kumakanta sa gitna ng stage. Umupo kami ni Juan at um- order siya para sa amin.
"Iinom din ako," sabi ko sa kanya. Humihikbi pa rin ako dahil katatapos lang tumulo ng mga luha ko. Mabuti naman at natapos na. Akala ko'y hindi na matatapos ang pag-iyak ko.
"What?" Juan asked. Gulat na gulat siya. Kahit ako rin naman ay nagulat sa sarili ko. This is the second time na gusto kong uminom at dahil na naman iyon kay Ricci—dahil mahal ko siya at dahil nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. Gusto ko lang naman makalimot kahit saglit lang dahil alam ko bukas paggising ko ay nariyan na naman ang sakit na walang katapusan.
"Sige na, pagbigyan mo na ako. Ikaw ang 'wag uminom, ha? Ihahatid mo pa ako pauwi," pakiusap ko kaya napatawa siya nang mahina. Ang cute din nitong si Juan. Minsan lang tumawa pero ang cute din niya. Para siyang pusa kapag tumatawa. Parang achievement lang na napatawa ko siya.
"This song is dedicated sa lahat ng taong itinago at hindi ipinagmalaki. I just wanna tell that, you guys, deserve more than that. Stop settling for less. You don't deserve that," sabi ng singer na babae na nasa gitna ng stage. May kasama rin siyang lalaki at nakaupo sila sa mataas na upuan at may mic stand sa harap nila.
Biglang nangilid na naman ang luha sa mga mata ko nang umpisahan nila ang kanta. Ewan ko kung ano'ng iniisip ni Juan habang pinanonood niya ako na tumutungga ng alak at umiiyak. Grabe naman kasi 'yong kanta. Parang nananadya. Ang sakit-sakit at para bang may kumukurot sa puso ko nang paulit-ulit. Ang sakit lang isipin na bukod sa akin ay mayroon pang iba, na lahat ng ginagawa niya sa akin ay ginagawa niya rin sa iba.
Akala ko talaga, meant to be ang lahat ng nangyari, na na-meet ko siya dahil iyon ang isinulat ni Lord na love story para sa akin pero hindi pala. Parang pinagtagpo lang kami para masaktan ako at ma- realize ko na mali ang umasa nang sobra, na para bang ipinanganak lang ako sa mundo para umiyak.
Okay lang naman sa akin 'yon, eh, na hindi ako ang piliin niya pero sana sinabi niya. Hindi 'yong ipararamdam niya na special ako at sasabihin niya na mahal niya 'ko but deep inside hindi naman pala, na isa lang pala kong laruan na pinupuntahan niya kapag bored siya. G*go siya.Gaano ba ko kahirap mahalin? Gaano ba ko kadaling saktan?
Gusto kong itanong sa kanya ang mga bagay na 'to kasi mukhang enjoy na enjoy siyang nakikita akong ganito. Siguro ngayon ay tinatawanan niya na ako.
Gusto ko lang naman maging masaya. Gusto ko lang naman maging maayos. Gusto ko lang naman na magsabi siya sa akin na hindi talaga ako. Hindi 'yong ginaganito niya ako."Ang sakit-sakit, Juan . . . ang sakit-sakit," sabi ko habang umiiyak. I appreciate him being silent. He's a good listener. Naisip ko pa nga kung naranasan niya na ba itong nararanasan ko, pero mukhang hindi.
Hindi si Juan si Ricci. If it was Juan I was with, I know na hindi niya ako sasaktan nang ganito pero bakit ba narito si Juan sa tabi ko kung dapat si Ricci ang sinusuportahan niya. Si Ricci ang kaibigan niya at hindi naman ako. Siguro nakokonsensiya lang siya sa ginagawa ng kaibigan niya sa akin. Naaawa lang siya kasi nagiging miserable ako dahil sa kaibigan niya, na kung nakinig lang sana ako sa mga sinabi niya sa akin noon pa lang, siguro ay hindi ako masasaktan nang ganito.
***
HINATID ako ni Juan after kong makainom ng tatlong bote. Tatlong bote pa lang pero hilong-hilo na ako. Hindi kasi talaga ako mahilig uminom. Gusto ko lang talaga subukan para at least mabilis akong makatutulog at kahit ilang oras lang ay makalilimutan ko iyong sakit na nararamdaman ko.
Inalalayan ako ni Juan papunta sa apartment ko dahil medyo iika- ika na ako maglakad, pero napahinto kami nang makita namin na nasa labas ng pinto ng apartment ko si Ricci."Ako na," sabi niya kay Juan at sinubukan akong kunin mula rito pero mabilis na hinawi ni Juan ang mga kamay niya. "I need to talk to her. Iwan mo na kami," dugtong niya. Sinubukan niya ulit akong hawakan pero hinawi na naman siya ni Juan kaya naman nakita kong hinawakan niya ito sa kuwelyo.
Napasandal ako sa pinto dahil hindi na talaga ako makatayo nang deretso.
"I said we need to talk. Can you please get out of this?" inis na sabi ni Ricci kay Juan. Nakita ko naman kung pa'no ngumisi si Juan na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Talk? After what you did to her? Seriously, Cci? Pinaninindigan mo talaga yang pagiging g*go mo?" galit na tanong ni Juan sa kanya. Naramdaman ko na naman ang kirot sa puso ko nang marinig ko iyong salitang 'g*go.' Ginag*go niya lang ba talaga ako?
"It's okay, Juan. We'll talk. Uwi ka na. Salamat sa paghatid," sabad ko kahit nawawala na ang balanse ko. Binitiwan naman ni Ricci ang pagkakahawak nito sa kuwelyo ni Juan.
Nginitian ko si Juan nang malungkot bago ko binuksan ang padlock ng apartment ko. Umalis na rin si Juan pero kita ko sa mukha niya ang galit at pag-aalala.
Binuksan ko lahat ng ilaw sa bahay bago ko hinarap si Ricci na nakapasok na rin sa apartment ko. Dumeretso ako sa maliit na ref ko at kumuha roon ng malamig na tubig para naman mahimasmasan ako.
"Talk," sabi ko habang nakatalikod sa kanya at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko.
"I'm sorry. I'm sorry, duwag ako. I'm sorry, I can't fight for you but God knows how much I'm trying," paliwanag niya.
Naramdaman ko na namang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Bakit siya ganito? Bakit niya ako ginaganito? Minahal ko lang naman siya pero bakit kailangan niya akong saktan nang ganito?
"Ano'ng gusto mong gawin ko?" I asked him. I don't know, but there's something in him at gusto kong makinig sa kanya, na gusto kong sundin lahat nang sinasabi niya, na ganoon ako kat*nga para sa kanya, na after niya akong saktan ay nandito pa rin ako para sa kanya.
"Just stay, please. I don't wanna lose you," paos ang boses na sabi niya.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Please let me go," tumutulo ang luhang pakiusap ko. Hirap na hirap na rin ako. Ayoko ng ganito. Ayokong umakto na okay ako kahit ang totoo ay nauubos na ako dahil sa sakit.
Umiling si Ricci. "No! No! Please, 'wag namang ganito. I'm a mess. I know, you're the only one that makes me feel alive. 'Wag mo naman akong iwan . . ." Ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses niya.
I looked straight in his eyes and I saw pain, lalo na nang unti- unti siyang lumuhod sa harap ko saka niyakap ang mga hita ko. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng mga luha niya sa paa ko.
"Please, Queen . . . just give me time. I'll fix all of these for us. I want you to be my end game."
BINABASA MO ANG
Shoot for the Moon [Completed]
Romance|Baller Series # 1| In this world full of people who keeps controlling his life. Ricci King Serrano, a famous basketball player met Zivawn Queen Cazimer who taught him that no one can control his heart.