Chapter 25

49.7K 1.1K 165
                                    

Chapter 25

"GOOD MORNING," bati ko kay Ricci nang imulat niya ang mga mata niya. Natulog kami sa isang drive inn na nadaanan namin dahil may balak pa raw siyang puntahan mamaya.

"Good morning," sagot niya nang nakangiti.

"Um-order na ako ng breakfast. Mag-shower ka na," sabi ko pero bago pa man ako makatayo ng kama ay hinigit niya ako palapit sa kanya.

"Five minutes," he said, then hugged me tightly.

Hinayaan ko lang muna siya. Tapos na akong mag-shower kanina at halos wala rin akong masyadong tulog dahil abala ako sa pagtitig sa mukha niya habang natutulog siya. Gusto ko lang lubusin ang bawat oras dahil pakiramdam ko ay malapit nang matapos ang masayang araw na 'to.

"I love you," he said, then kissed my lips. Sumagot naman ako sa mga halik na iyon. We've been on each other's arms the whole night. I allowed him to own me over and over again. Kusang bumibigay ang katawan ko sa kanya, sinusulit ang bawat yakap, halik, at pagniniig.

After niyang mag-shower ay kumain na kami at nagsimula nang bumiyahe ulit.

"I'll introduce you to someone," sabi niya na ikinakaba ko.

Nakarating kami sa isang bukid. Pagkababa pa lang namin sa sasakyan ay nagtinginan na sa amin ang mga tao na kasalukuyang nagtatanim doon ng palay.

"Ricci? Ricci, anak! Ikaw na ba 'yan?" sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad singkuwenta. Agad siyang umahon sa bukid at mabilis na lumapit sa amin. Pawang may mga putik sa damit niya at may suot siyang sombrero na pangmagsasaka.

"'Nay, it's been a while. Kumusta po?" bati ni Ricci rito at nginitian ito na para bang masayang-masaya siya na nagkita silang muli.

"Nako, Kaloy! Tingnan mo at nandito ang alaga ko!" sigaw ng babae sa lalaking papalapit sa amin.

"Grabe, hindi ka pa rin nagbabago at ang guwapo mo pa rin, anak. Kamukhang-kamukha ka talaga ng lolo mo," galak na sabi nito habang titig na titig sa mukha ni Ricci.

"Kumusta ka na, anak? Ang tagal na rin nang huli tayong nagkita. Ito na ba ang nobya mo?" sabi nito bago ibaling ang tingin sa akin. Nakita ko kung pa'no napakamot sa likod ng batok niya si Ricci.

"Nako, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Tumutupad ka pa rin sa pangako," dagdag pa ng babae.

"Ako nga pala ang Nanay Stella ni Ricci. Ako ang yaya niya no'n noong nasa lolo niya pa siya at ito naman si Tatay Kaloy niya, asawa ko," pagpapakilala nito kaya ngumiti naman ako.

"Hello po, ako po si Zivawn," bati ko sa kanila.

"O siya, tara sa bahay. Kumain na ba kayo?" tanong ni Tatay Kaloy.

Iginiya nila kami papunta sa bahay nila. Bago kami pumunta rito ay bumili si Ricci ng pagkain at prutas para ipampasalubong. Halos sampung taon na rin pala nang huli silang magkita pero kilalang-kilala pa rin nila si Ricci.

"Nako, hija! Alam mo ba noong maliit pa 'yan, napakakulit at ang tigas-tigas ng ulo. Walang ibang pinakikinggan kung hindi ang lolo niya lang," kuwento ni Nanay Stella habang inaabutan kami ng tubig.

Tumingin ako kay Ricci na kumakain ng 'binallay.' Para itong suman na nilalagyan ng latik sa itaas. Sabi ni Nanay Stella ay iyon daw ang specialty nila rito sa Isabela.

Ang dami pa niyang kuwento about kay Ricci, kung gaano ito kahilig sa basketball noong bata pa siya, na dito raw sa Isabela nagbabakasyon si Ricci para makipaglaro sa mga anak niya.

"Kuya . . ."

Napatingin ako sa lalaking parang sobrang excited na pumasok sa bahay nina Nanay Stella. May hawak itong bola ng basketball at masayang-masayang lumapit kay Ricci. Kung titingnan ko ito ay parang fifteen or sixteen years old pa lang ito. Siguro ay siya 'yong anak ni Nanay Stella.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon