Chapter 37

54.5K 1K 105
                                    

Chapter 37

"THANK you." Niyakap ni Raven si Ricci mula sa likuran nito nang makapasok sila sa kuwarto ng binata, pero dahan-dahang ti- nanggal ni Ricci ang mga kamay niya na nakahawak sa baywang nito.

"Can you leave me for a while? I need to sleep," pakiusap nito sa kanya at tamad na humiga sa kama kaya naman sinundan niya ito at humiga rin doon. Sinubukan niya na namang yakapin ito pero tumalikod ito sa kanya.

"Please, Raven, I need some peace of mind," pakiusap pa nito kaya naman napatawa siya nang malungkot habang nakatingin sa likuran nito, at mula sa pagkakahiga ay tumayo siya at lumabas sa kuwarto nito.

Sumandal siya sa pintuan pagkalabas niya roon. She thought na magiging okay na lahat. Akala niya kapag sumama ito sa America sa kanya ay magiging maayos na sila, pero hindi pala.

Agad na bumalik sa kanya ang mga alaala ng mga bagay na ginawa niya para dito. Iniisip niya kung ano pa ba'ng dapat niyang gawin para siya ang piliin nito. Ipinikit niya ang mga mata niya at nakita niya roon ang mga scenario na ayaw niya nang maalala pa.

***

NAPATAWA siya nang mapakla habang pinanonood niya kung pa'no sorpresahin ni Ricci si Zivawn sa basketball court. May dala itong bulaklak pati na rin isang malaking teddy bear.

"Are you crazy?" tanong ni Juan sa tabi niya, dahil tumatawa na umiiyak siya habang pinanonood niya kung paano ilagay ni Ricci ang mga kamay ni Zivawn sa balikat niya at ang mga kamay naman ni Ricci sa baywang nito.

"That should be me," komento niya.

"Well, it's not. Maybe it's time to move on," sabi ni Juan sa tabi niya kaya naman tiningnan niya ito nang masama.

"No, he's mine! He's going to be mine! Mark my words, Juan!" inis na sabi niya rito bago naglakad pabalik sa kotse niya. Agad niyang tinawagan ang Mama ni Ricci pagkauwi niya sa condo niya.

"Tita," umiiyak niyang tawag dito nang sumagot ito sa kanya.

"Why are you crying, hija?" nag-aalalang tanong nito.

"He's with someone else. He's with someone else, Tita!" iyak niyang sumbong dito. Humikbi siya nang malakas para sadyain pa itong iparinig.

"Who? Don't cry, hija! I'll talk to him. Don't you worry. Stop crying, okay? I will do something about it," pag-assure sa kanya ng mama ni Ricci kaya tumango-tango naman siya rito kahit hindi naman siya nakikita nito.

Agad niyang inabot ang gamot niya na nakalagay sa lamesa, at ininom ang ilang piraso nito nang sabay-sabay bago kinuha ang isang baso ng tubig na naka-ready na roon.

"He's mine. He's mine," mahinang bulong niya sa sarili niya habang yakap-yakap ang tuhod niya.

***

"RICCI, hijo," nakangiting bati ng mama niya kay Ricci nang makarating ito sa dinner na inihanda nila para dito.

Bakasyon naman na ng mga estudyante sa Pilipinas kaya naman nagawa nilang pabalikin ito sa America. Hindi alam ni Raven kung ano'ng sinabi ng mama ni Ricci rito para mapabalik ito sa America. Knowing Ricci ay ayaw na nitong bumalik doon dahil sumasakit lang ang ulo niya tuwing sinasabi ng mga magulang niya na ikakasal si Raven sa kanya.

Tahimik na umupo si Ricci sa tabi niya at sa itsura nito ay halatang nagulat ito sa mga nangyayari sa paligid niya, dahil nandoon din si Raven at ang parents niya.

"How was the Philippines, hijo?" tanong ng mama ni Raven.

"I heard you are getting along well with my daughter? She says that you brought her in an amusement park and you surprised her for a date in a basketball court? How sweet you are," nakangiting sabi ng mama ni Raven kay Ricci, at nakita ni Raven kung paano umawang ang bibig ni Ricci sa sinabi nito na para bang hindi makapaniwala sa mga narinig niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon