Chapter 18

43.3K 1.1K 218
                                    

Chapter 18

ALAS-DOS pa lang pala ng madaling-araw. Akala ko ay umaga na dahil nakita kong wala si Ricci sa tabi ko. Wala siya sa CR kaya naman naisipan kong lumabas para hanapin siya. Huling araw na namin at balak pa naming pumunta sa Baguio Museum.

Napahinto ako nang makita ko siya sa labas ng hotel na may kausap. Hindi ko nakikita iyong kausap niya dahil masyadong malaki si Ricci at nakaharang siya rito. Sinubukan kong silipin pero hindi ko talaga makita. Ayaw ko namang lumapit dahil baka personal ang pinag-uusapan nila.

Ilang minuto lang akong nakatayo roon sa dulo ng pasilyo ng hotel bago ko nakita na pumasok na ang kausap niya sa kotse, at nang humarap si Ricci sa kung nasaan ako ay nanlaki ang mga mata niya. Umalis na iyong kotse kaya mabilis na naglakad palapit si Ricci sa akin.

"Sino iyon?" tanong ko. Curious lang ako kung bakit sila nagkita ng madaling-araw.

"Nothing, just a friend of mine," sagot niya at iginiya na ako pabalik sa kuwarto.

Nang makabalik na kami sa kuwarto ay humiga lang siya sa kama at natulala sa kisame. Parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi ko naman siya magawang tanungin dahil kung gusto niyang sabihin iyon ay sasabihin niya naman siguro sa akin. Ayokong maging annoying or toxic when it comes to him. Gusto ko maging komportable lang siya sa akin.

Alas-sais ako nagising at nakita ko na tulog pa rin si Ricci sa tabi ko. Tinitigan ko saglit ang guwapo niyang mukha bago ako pumasok sa CR at naligo para bumili ng yogurt sa 7/11. Hindi ko alam kung bakit ako nag-crave sa yogurt ng ganitong oras samantalang ayaw ko naman ng lasa n'on dati, pero bahala na. Bibili pa rin ako para sa ikagiginhawa ng pakiramdam ko.

"Zivawn!"

Nagulat ako nang biglang pumasok sa 7/11 si Raven habang nagbabayad ako sa counter. Grabe talaga ang coincidence. Pati sa Baguio ay makikita ko siya? Feeling ko ay may lahing mushroom itong si Raven dahil kung saan-saan na lang siya sumusulpot.

"O, Raven, nandito ka rin," sabi ko habang kinukuha ko na 'yong paper bag ng mga binili ko. Bukod kasi sa yogurt ay bumili rin ako ng chocolates. Ang weird talaga na ang dami kong gustong kainin.

"Who's with you?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Para bang may bumubulong sa akin na 'wag sabihin sa kanya or hindi niya naman din kailangan malaman.

"Sige, you go ahead! Enjoy your stay here," sabi na lang niya kaya nagpaalam na ako sa kanya. Parang may tunog na may halong pagbabanta ang tono ng boses niya. O baka na-misinterpret ko lang.

Zivs, ang weirdo mo naman ngayon.

"Where were you?"

Nagulat na naman ako nang pagbukas ko ng pinto ng room namin ay sinabi iyon ni Ricci.

Mula sa pagkakaupo niya sa kama ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin. Para siyang kabado kaya ipinakita ko sa kanya ang paper bag ng 7/11 para malaman niya kung saan ako nanggaling.

Napatulala ako nang bigla niya akong ikinulong sa mga bisig niya at niyakap nang mahigpit.

"Akala ko may nangyari na sa 'yo," may pag-aalala sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit niya naisip iyon. Nasa Baguio kami at mukhang safe naman itong hotel na pinag-stay-an namin. Malaki at mukhang mamahalin na hotel ito kaya imposibleng may mangyari sa akin.

Pinag-shower ko siya habang kinakain ko 'yong yogurt. Ang weird lang talaga na gustong-gusto ko ng lasa ng yogurt at hindi pa ako nakontento dahil kumain pa ako ng chocolates. Feeling ko ay tataba na ako nito. Kain ako nang kain, eh.

After niyang mag-shower ay nag-ayos na kami ng mga gamit at bumaba na sa lobby para mag-almusal.

Tulad nga ng plano namin ni Ricci ay dumaan muna kami sa Baguio Museum bago umuwi. Gusto ko kasi talagang makakita ng mga artifacts lalo na 'yong kabaong ng mummy.

Matapos sa museum ay bumili naman kami ng mga pasalubong at souvenirs. Balak kong bigyan sina Mary at Kamila. Si Ricci naman ay bibilhan sina Blaze, Hunter, at Juan kasi baka raw sila magtampo.

"Puwedeng magtanong?" sabi ko habang nasa biyahe na kami pauwi.

Tumango naman siya pero deretso pa rin ang tingin niya sa daan.

"Bakit Queen ang tawag mo sa akin?" tanong ko. Napapangitan ba siya sa Zivawn? Ang ganda nga n'on kasi unique lang. Sabi ng mga magulang ko, 'Siobhan' daw talaga iyon na ang meaning ay 'God is Gracious,' pero dahil gusto nila na walang katulad ay iniba nila ang spelling at ginawang Zivawn.

Nakita ko na ngumiti siya at tiningnan ako saglit bago bumalik sa daan ang tingin niya.

"Because you have Queen in your name and I have King in mine. We are King and Queen para bagay tayo," paliwanag niya at napangiti naman ako. Doon ko lang din na-realize na Ricci King Serrano nga pala ang buong pangalan niya. Hindi ko naisip iyon no'ng una.

"King and Queen are supposed to be together kahit ano'ng mangyari, kaya dito ka lang sa tabi ko. Bawal mo akong iwan," dugtong niya at sabay sulyap saglit sa akin.

Napangiti ako at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

***

NAKAIDLIP ako. Minsan nga ay naaawa ako kay Ricci dahil ang haba ng dina-drive niya pero never ko siyang narinig na nagreklamo. Tahimik lang siya na nagda-drive at 'lagi niya akong sinasabihan na matulog muna. Ang sweet lang ng lalaking ito dahil 'lagi niyang iniisip ang kapakanan ko.

"My birthday is coming," bigla niyang sinabi habang nakahinto kami dahil sa traffic. Nasa EDSA na kami pero mukhang aabutin pa kami ng isang oras bago makauwi.

"Oo nga pala. Ano'ng gusto mong regalo?" tanong ko. Wala kasi talaga akong maisip na ireregalo sa kanya dahil parang meron naman siya lahat at afford niya lahat ng ano ma'ng gustuhin niya.

"Anything from you will do. Kahit nga wala basta nandito ka lang sa tabi ko," seryosong sagot niya. Tila may naghahabulan na namang mga kabayo sa loob ng puso ko.

"Baliw, ano nga?" pilit ko dahil gusto ko talaga siyang regaluhan,

Humarap siya sa akin habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa steering wheel. Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko.

"Seriously, Queen. I already got everything when I had you," sambit niya kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon