Epilogue

68.4K 1.2K 256
                                    

EPILOGUE
RICCI'S POV

Dear you,

It's been a while. I just wanna say that I miss you and I want to be with you again. Today is the first week since I gave birth to a little boy who looks exactly like you.

Nakatatawa. Paano ba naman kita makalilimutan kung araw- araw pa rin kitang makikita sa katauhan ng isang bata na palagi kong makakasama. Ang saya-saya ko na ang lungkot-lungkot ko. Masaya kasi mayroon na akong anak, 'tapos lalaki pa. At least kahit wala nang magmahal sa akin ay mayroong isang lalaking alam ko na mamahalin ako habambuhay. Malungkot, kasi wala ka. 'Lagi pa rin akong umiiyak tuwing naaalala kita.

Ikaw? Kumusta ka na? Ano kaya'ng ginagawa mo? Sana okay ka lang dahil kahit na sinaktan mo ako nang sobra simula nang pinili mo siya, alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita. Ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko nang sobra. Kung nandito ka sana, masaya sana tayong tatlo, pero oo nga pala, hindi nga pala ako ang pinili mo. Bakit ko ba laging nakalilimutan ang katotohanan na iba ang pinili mo at hindi ako?

Paano kaya kung sinabi ko sa 'yo, 'no? Na magkakaanak na tayo? Pipiliin mo kaya ako? Pero ayoko naman na pipiliin mo lang ako dahil magkakaanak tayo. Gusto ko pa rin na piliin mo ako dahil ako ang gusto mong makasama habambuhay, pero hindi, eh. Siguro, gano'n talaga. Pipilitin kong tanggapin kahit sobrang masakit sa damdamin.

Alam kong sinabi ko sa 'yo na kapag isang araw gusto mo akong balikan, kahit lumuhod ka pa sa harap ko ay hindi na ako babalik sa 'yo. Gusto kong malaman mo na isa iyong kasinungalingan. Mahal kita at kahit paulit-ulit mo akong saktan, 'lagi pa rin kitang babalikan. Nakatatawa, alam ko namang wala nang pag-asa.

Sige na, umiiyak na si Aki. Sana isang araw magtagpo ang landas ninyong dalawa at kung mangyari man iyon, ako na ang pinakamasaya.

Your's truly, Queen

I closed the book that I was reading for the nth time. It still hurts every time I realize kung gaano ko siya nasaktan. I was a fool for hurting her when all she did was love me even before she met me.

Zivawn doesn't deserve the pain she'd been through pero nangyari na ang nangyari, and starting this day, I wanted to renew everything. I'd make her feel that she's really the girl I love and the girl I wanted to spend my whole life.

"G*gi bro, umiiyak ka ba?" Blaze asked when he entered my hotel room together with Juan and Hunter, kaya naman mabilis kong itinago ang libro sa bag ko at agad na tumayo.
It's time.

"Is everything alright in the venue?" I asked Blaze bago humarap sa salamin at iniayos ang coat na suot ko.

Napangisi ako. I'm really gonna marry her today. God is good. Araw-araw akong nagdarasal na sana ay mangyari ang araw na 'to and finally, it's really going to happen.

"Yes, sir. Pero seryoso ka na ba riyan? T*ngina, magpapatali ka na talaga, bro. Madami pa akong chix na ipakikilala sa 'yo, eh. Gusto mo na ba talagang magaya sa akin?" saad pa ni Blaze bago ako inakbayan.

G*go talaga. Sa tagal kong hinintay si Zivawn hahanap pa ba ako ng iba?

"Hoy! Tigilan mo nga 'yan, Blaze! Hindi ka pa ba nagsasawa sa sakal ni Kamila sa 'yo, ha?" sita ni Juan sa kanya na nakasandal sa pader sa gilid ng pinto habang kumakain ng mansanas. Umupo si Hunter sa isang sofa roon at tinititigan lang kami.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon