Chapter 34

55.2K 1.2K 30
                                    

Chapter 34

NAPASANDAL si Ricci sa pader sa loob ng basketball court. Para bang may humila sa mga paa niya para magpunta roon. Bago na ang lahat sa court na pinaayos niya, pero tila nagbago na rin ang pa-
kiramdam niya, hindi tulad noong una niyang punta rito. While sitting, he recalled the day when he asked Zivawn about the court, the day the he realized something.

***

"WHAT do you think of this place, Queen?" tanong niya rito matapos niyang maramdaman ito sa tabi niya. Hindi niya alam kung bakit alam na alam niya na kaagad ang presensiya ng babae. Ganoon siguro talaga kapag interesado ka sa isang tao, na kahit hindi mo naman siya nakikita o naririnig, nararamdaman mo siya na parang hangin na kailangan mo para makahinga.

Tiningnan niya ito at nakita niya kung paano lumibot ang mga mata nito sa paligid ng court.

"Itong lugar na 'to, parang safe haven ko. Dito ako 'lagi nagpupunta kapag nalulungkot ako. Bukod kasi sa tahimik at walang tao na pumupunta kapag ganitong oras na ay gustong-gusto ko rin 'yong ambiance dito," sambit nito. Kaya pala magaan din ang loob niya sa babae ay dahil pareho sila. Pareho sila ng nararamdaman para sa lugar na 'to, dahil sa itsura nito sa pagkakataong ito ay wala man lang taong naka-appreciate sa ganda ng lugar na iyon bukod sa babaeng nasa tabi niya.

"Alam mo, kung puwede ko lang talagang kausapin 'yong apo ng may-ari nito, gagawin ko, eh. Ipapa-realize ko sa kanya kung gaano kaganda ang lugar na 'to," pasimple siyang napangiti.

"Do you think it's really worth it?" tanong niya rito kasi kung o-oo ito, wala siyang choice kung hindi ipaayos ito.

'Ang sarap sundin ng mga iniuutos niya. Gusto ko siyang gawing reyna.' Ito ang tumatakbo sa isip niya habang tinititigan ito.

"Ano ka ba? Oo naman, 'no! Sobrang worth it ng lugar na 'to at saka sure ako na nalulungkot na 'yong lolo niya ngayon habang tinitingnan ang lugar na 'to. Iniisip siguro no'n kung bakit hindi na binalikan ito ng apo niya," sabi nito. Mas lalong lumawak ang mga ngiti ni Ricci sa sinabi nito.

Sigurado siya na kung nandito ang lolo niya ay magugustuhan nito si Zivawn. Gustong-gusto kasi ng lolo niya iyong mga taong nakaka- appreciate ng inner beauty ng isang bagay, parang abstract painting na kung titingnan ay parang magulo pero makahulugan.

Maya-maya pa ay biglang bumuhos ang ulan mula sa kalangitan. Mabilis niyang hinubad ang sombrero niya para isuot kay Zivawn. Nanghihinayang siya at wala siyang dalang jacket. Iniisip niyang mas romantic sana katulad sa mga pelikulang napapanood niya kung jacket ang isusuot niya rito.

"Let's go," yaya niya rito at hinila ito papunta sa kotse niya. Basang-basa siya kaya naman hinubad niya ang damit na suot niya. Natutuwa siya sa reaksiyon ni Zivawn nang makita ang katawan niya na para bang ito ang unang pagkakataon na may naghubad sa harap niya. Iniisip niyang sana nga ay iyon ang unang pagkakataon dahil gusto niya ay siya ang maging una nito sa lahat. Una at huli, sana.

"Stop drooling," komento niya rito kahit hindi naman talaga ito naglalaway. Natutuwa kasi siya lalo na nang makita niyang nag-panic ito para punasan ang gilid ng mga labi niya kahit wala naman talaga.
"I'll send you to your apartment. You should take a bath. I don't want you to get sick," sabi niya rito.

Okay lang sa kanya na magkasakit siya, 'wag lang ito. Okay lang na siya, kasi napasaya siya ng babae nang araw na ito. She made him realize something and he knew that she deserved a reward for that.
"Can I get your number?" tanong niya rito at kita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito. Ito ang mukhang gustong-gusto niyang makita sa umaga paggising niya at makita sa gabi bago niya ipikit ang mga mata niya.

"I mean, I need to contact you just in case you got sick because I will feel responsible if ever that happens," dahilan niya pero ang totoo naman ay gusto niya lang naman talaga itong makausap araw-araw.

Agad naman na kinuha ni Zivawn ang cell phone niya at tinype ang number doon. Tinawagan pa nito ang number niya para makasigurado ito. Lalabas na sana ito pero humarap na naman ito sa kanya.

"Uh, ano . . . itatanong ko lang kung kailangan ko bang magkasakit para puwede kitang i-message?" tanong nito at bahagya siyang napangiti. Ang cute sobra. Kailan ba ito magiging hindi cute sa paningin niya.

"No. I don't want you to be sick but I will message you anyway," sagot niya kaya mabilis na sitong bumaba mula sa kotse niya. Ngiting- ngiti si Ricci habang tinitingnan ang number nito sa cell phone niya. Agad siyang nag-type ng message para dito.
'Please take care of my favorite cap. That's my thank you gift for making me realize something,' sabi niya sa text.

Ito ang unang beses na nanghingi siya ng number ng babae at ang unang beses na siya ang nag-approach sa babae. Nangingiti siya sa isiping mukhang pati si Zivawn ay maraming magiging 'una' sa kanya. Kung nagugustuhan niya na nga ito, sinasabi niya sa sarili niya na gagawin niya lahat nang makakaya niya para walang humadlang sa kanila.

***

NAPAHILAMOS si Ricci sa mukha habang inaalala ang mga nangyari at kung paano siya nahulog dito. Lahat ng ginawa niyang bagay na never niyang naisip na magagawa niya sa buong buhay niya dahil dito. Sana pala ay hindi na lang siya nito nakilala. Eh 'di sana puro ngiti lang ang naaramdaman nito at hindi puro luha. Sobrang nasasaktan siya kapag nakikita niya si Zivawn na nahihirapan.

"I'm sorry. I'm really sorry, Queen. Maybe, in a parallel universe there could be us," sabi niya sa sarili bago pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo mula sa mga mata niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon