Chapter 48

72.1K 1.3K 77
                                    

Chapter 48

"WHAT is this Aki?" tanong ko nang biglang takpan ni Aki ng pan- yo ang mga mata ko. Nakaupo ako sa passenger seat ng kotse ni Juan at siya naman ay nasa likuran.

"Basta, Mom. It's a surprise!" sagot niya.

Hinayaan ko na lang siya pati na rin si Juan na siyang nagda-drive sa tabi ko.

"We're here," sambit ni Juan. Narinig ko na bumaba na siya mula sa driver's seat at ilang segundo ang lumipas ay bumukas na rin ang pintuan sa gilid ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"Dahan-dahan," paalala niya habang inaalalayan ako pababa sa sasakyan.

I had no idea where we were but I felt something familiar. The ambiance was just so familiar. Naramdaman ko na hinawakan din ni Aki ang kabilang kamay ko at inalalayan nila akong maglakad.

"Mom, we"ll leave you here. Take off your blindfold after ten seconds," instruction ni Aki at naramdaman kong binitiwan nila ni Juan nang sabay ang kamay ko at nawala na ang mga presensiya nila sa tabi ko. Huminga ako nang malalim at nagbilang nang ilang segundo katulad ng sinabi nila.

"One . . . two . . . three . . . four . . . five . . . six . . . seven . . . eight . . . nine . . . ten!"

Unti-unti kong tinanggal ang blindfold na nakabalot sa mga mata ko. Napanganga ako at hindi ako makapaniwala kung nasaan ako. Nilibot ng mga mata ko ang buong paligid.

It was the same basketball court pero iba na ang design nito. Kung dati ay sina Kobe Bryant at Lebron James ang mga naka-drawing doon, sa pagkakataong ito ay ako na. Puro mukha ko, puro painting ng mukha ko.

Sino'ng gumawa nito? Gaano kaya niya katagal ginawa ito? Ang saya-saya ko habang tinitingnan iyon at binabasa ang mga nakasulat doon. Binasa ko ang mga linya na nakasulat sa gilid ng painting ng mukha ko.

'Perhaps, can I like you?
'Can you come and find me?
'I want you to be my end game. 'Queen,'
'I'm only me when I'm with you.'

After kong basahin ang mga 'yon ay biglang may bolang gumulong sa paanan ko. Yumuko ako para kunin iyon at napangiti ako nang makita ko ang nakasulat doon.

'Will you marry me?'

Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo na nang may kanta na biglang tumugtog, at kasabay nito ang paglabas ni Ricci mula sa path walk na daan papunta sa CR.

He looked like a prince charming with his semiformal attire. Bagong gupit na rin siya at bumalik na sa kulay itim ang buhok niya. Kaya rin siguro ako pinag-dress ni Aki ay dahil dito.

Marry Me by Jason Derulo ang kanta. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin kami ni Ricci sa isa't isa. Naglakad siya palapit sa akin at halata sa mukha niya ang saya dahil napapasayaw pa siya kasabay ng kanta. Napahawak ako sa bibig ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at inilabas mula sa bulsa sa likod ng pantalon niya ang isang maliit na box, at nang binuksan niya iyon ay isang kumikinang na singsing ang laman.

Sumasabay siya sa chorus ng kanta para masabi niya ang gusto niyang sabihin at ako naman ay walang-alinlangan na tumango sa kanya. Kinuha niya sa box ang singsing at agad itong isinuot sa akin.

I wished for this—no, I prayed for this.

Tama nga sila na kapag para sa 'yo iyong tao, kahit saan pa siya pumunta ay babalik at babalik siya sa 'yo.
Tumayo siya at hinawakan ang isang kamay ko at pinaikot ako hanggang sa mayakap niya ako mula sa likuran ko. Damang-dama ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko.

I could hear him singing beside my ears and I just let him do it. I missed all those times he used to do this for me. Ang hilig niyang kumanta at sumayaw no'n pero sa akin niya lang pinakikita, and I think that was his way to show his love to me.

"I love you," bulong niya sa tainga ko kaya nginitian ko siya.

"I love you more," sagot ko sa kanya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin para mahalikan ako pero bago pa man niya magawa iyon ay biglang may nagpasabog ng confetti sa aming dalawa.

"Find a room! 'Wag dito! May bata, oh!" sigaw ni Blaze at nakita ko na halos lahat sila ay naroon.
Niyakap at binati ako nina Kamila at Mary. Si Hunter naman ay tinapik ang balikat ni Ricci. Kitang-kita ko na nginitian ako ni Juan na para bang sinasabi niyang, "Sabi ko sa 'yo, e," kaya sinamaan ko lang siya ng tingin dahil sa loob ng limang taon, 'lagi niyang sinasabi sa akin na, "He's gonna come back to you and you two will end up together."

"Yes! I'm gonna be a ring bearer!" sigaw ni Aki.

Agad naman siyang binuhat ni Ricci gamit ang isang braso nito. They really look like each other lalo na't nagupitan na rin ang mahabang buhok niya. Kaya sino'ng maniniwala sa akin kapag sinabi kong hindi siya ang ama?

This was what I prayed for every night. Sa mga gabing umiiyak ako dahil sa kanya, ito lang ang dinarasal ko palagi: Sana ay mahanap namin 'yong way para maging masaya kami pareho, and this was the only way for us to be happy for real—us being together.

Everything that happened to us since the day we first met, the long rides, out of towns, the roller coaster journey that we took together, all of that will remain as memories that we'll cherish forever.

And we'd sworn to remember it all too well.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon