Special Chapter 03: Birthday Gift

47.8K 1K 113
                                    

Special Chapter 03: Birthday Gift

25th of May

IT WAS Ricci's birthday kaya maaga akong gumising para magluto.

Katulong ko naman sina Mama at Papa. Kami na lang ang pamilya niya rito sa Pilipinas kaya naman I want to assure na he will feel appre- ciated and not alone ngayong birthday niya.

"Aki, 'wag kang masyadong maingay, ha? Baka magising ang daddy mo," saway ko kay Aki dahil sumisigaw siya at hinahanap niya 'yong susuotin niya. Excited siya para sa birthday ng Daddy niya.

Nag-rent kami ng resort para doon siya mag-celebrate. Kaunti lang naman ang invited. Kami-kami lang 'tapos 'yong ibang friends namin. Balak din namin na mag-stay roon overnight kaya naman maaga talaga kaming nagising ni Mama para magluto. May mga katulong naman kami pero gusto ko kasing kahit papaano ay may maiambag ako para sa birthday niya.

"Just sit there. Ako na hahanap ng damit mo," I told him, 'tapos ay pumasok sa kuwarto. Itinabi ko na iyon kagabi dahil nga excited siya. Gusto niya kasing isuot iyong jersey na katulad ng sa Daddy niya, iyong kid version ng Serrano in jersey number 25.

He really wanted to be like him. Iyon na nga ang bonding nila kapag may free time si Ricci—ang mag-basketball. Ang cute lang nila except sa fact na maraming nagtatanong kay Aki palagi kung gusto niya raw ba ng stepmom. Hindi pa ako patay pero ang dami talagang babaeng gustong magtangka sa buhay ko. I married a handsome and popular man kaya dapat masanay na siguro ako.

"Good morning . . ."

I almost jumped when someone hugged me from the back.

Gising na pala siya at isiniksik niya ang ulo niya sa bandang leeg ko at hinalikan iyon. Kasal na kami pero literal na kinikilig pa rin ako sa kanya. He's always doing these things to make my heart flutter.

"Good morning," sagot ko rin sa kanya 'tapos ay hinarap siya. He smiled at me. Ang aga at kagigising niya lang pero ang guwapo niya pa rin. Walang time na hindi siya naging guwapo. I'm really blessed to see his face first thing in the morning and last thing before I sleep at night. He's my best view.

"Happy birthday," I told him, then he kissed me on the lips bago niya ako yakapin ulit.

"Thank you, Mommy," he said with his husky voice at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa akin. Halos ilang minuto niya yata akong yakap-yakap pero hinayaan ko lang siya kasi hindi naman kami gano'n araw-araw. Busy siya at busy rin ako. Madalang talaga kami magkitang dalawa kahit nakatira naman kami sa iisang bahay.

I asked him to take a bath nang humiwalay na siya sa akin para makapag-ayos na kami, 11:30 a.m. dapat ay nasa resort na kami para makatulong pa ako sa pag-aayos ng venue. Alas-sais ng gabi pa naman darating ang mga bisita niya pero need naming mauna roon kasi sayang naman 'yong hours ng rent namin. Isa pa, gusto na rin mag-swimming ni Aki para na rin may bonding time sila ng daddy niya bago dumating ang ibang mga bisita. Bawal pa naman magpuyat ang bata na iyon kaya sinabi ko talaga kay Ricci na until dumating ang mga bisita niya ay kay Aki na muna ang time at attention niya.

It was just a simple celebration. Kain, inuman 'tapos videoke, then swimming lang ang aming pinlano.

Dumating din kasi 'yong team ni Ricci pati ang ibang mga friends namin except kay Juan. Nowadays, palagi siyang wala. I wonder kung may love life na ang isang iyon. Sana nga ay meron na. Sina Hunter at Mary naman ay dumaan lang kasi may event din daw silang pupuntahan which is naintindihan naman namin. Ang mahalaga naman ay naalala pa rin nilang batiin si Ricci.

"Nasaan si Kamila?" tanong ko kay Blaze nang makita ko siya na mag-isa sa table at umiinom. He just shrugged 'tapos shinot ulit iyong bote ng alak na nasa harap niya.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon