Chapter 39

62.2K 1.4K 102
                                    

Chapter 39
ZIVAWN'S POV

"NASA labas si Juan," ani Papa pagbukas ko ng pintuan. Alas-dos na ng hapon at kagigising ko lang.

Kasama yata sa pagiging buntis ang maging antukin kaya naman after kong kumain ay inaantok talaga ako. Tumango ako kay papa kaya naman sabay kaming naglakad papunta sa sala.

Nandoon nga si Juan. Madalas niya akong dalawin at dalhan ng mga prutas. He even told me to tell him kapag nag-crave ako sa kung ano para mabili niya. Akala niya yata ay malapit lang ang Pangasinan sa Maynila. Palagi ko nga siyang sinasabihan na hindi niya na ako kailangang puntahan dito pero makulit siya. Monthly niya yata akong pinupuntahan at sa pagkakataong ito ay kabuwanan ko na. Time flew so fast.

Hindi naman gaanong malaki ang tiyan ko. Sakto lang. Sabi nila ay ganito raw talaga kapag unang anak. Sinisigurado ko naman na naiinom ko lahat ng vitamins ko at kumakain din ako nang tama sa oras. I also drink milk kahit na ayaw ko ng lasa non. Regular din ako na nagpapa-check up para ma-assure ko na healthy si baby sa loob.

Excited na kasi akong makita siya knowing na he's a boy. Okay lang din naman kung babae pero dinasal ko talaga na sana ay lalaki. At least ngayon, alam ko na may isang lalaki na ang magmamahal at makakasama ko buong buhay ko bukod kay papa.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Juan at umupo sa tapat niya. May dala na naman siyang isang basket ng mga prutas at hindi niya talaga nakalimutan iyong lansones dahil iyon ang pinaglilihian ko lately. Hindi pa naman panahon ng lansones kaya sa tingin ko ay nahirapan si Juan na hanapin iyon. February na kasi.

"Nope, kararating ko lang. How are you?" he asked.

Hindi ko kasi siya madalas ma-reply-an sa text dahil na rin umiiwas akong humawak ng cell phone. Bawal kasi akong ma-stress. Tuwing hawak ko kasi ang phone ko ay nagkaka-urge ako na mag-search about kay Ricci at nasasaktan lang ako. There's no latest news about him and Raven, but Raven's last post on IG ay iyong pauwi na sila sa America. Ayoko naman na magtanong kay Juan kasi baka hindi ko magustuhan 'yong magiging sagot niya.

I needed to get over this feeling alone. Ako naman ang may gawa ng pain na ito sa sarili ko. Kasalanan ko kasi umasa ako, kaya kailangang magtiis ako. I need to be strong kasi hindi na lang ako mag-isa.

May isang bata sa loob ng tiyan ko na sigurado akong makapagpapabago sa buhay ko.

"I'm good. Malapit na siyang lumabas," nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya pabalik sa akin.
"Yeah, I told you. Malakas ka. You really don't want to tell Ricci about this?" he asked.

Umiling ako. Okay na siya at ayoko naman na guluhin pa siya. I always tell myself na gusto ko lang na maging masaya siya and that he broke up with me already. Pinili niya si Raven and that made me realize na hindi niya talaga ako gano'n kamahal para ipaglaban ako.

"You know what? The two of you would be perfect for each other if Raven is not in the picture. Sa 'yo ko lang nakita si Ricci na gano'n. He was just torn because of the things that kept on happening," Juan said.

I smiled at him. Siguro nga, pero baka isa lang din kami talaga sa mga pinagtagpo pero hindi itinadhana.

"Ah!" Napahawak ako sa tiyan ko dahil bigla itong sumakit. Feeling ko ay may mawawasak na kung ano sa ibabang parte ko. Nanlaki ang mga mata ni Juan dahil nakikita niyang namimilipit na ako sa sakit. Maging sina Mama at Papa ay napalapit na rin sa akin.

"Manganganak ka na, anak," ani Mama. Mabilis na tumakbo si Mama sa kuwarto ko para kunin ang mga gamit ko at sinabihan si Papa na ayusin ang sasakyan para makapunta na kami sa ospital.

Napapapikit lang ako dahil damang-dama ko kung paano humilab ang tiyan ko. He's coming out. Makikita ko na siya.

Sumama si Juan sa ospital. Natataranta si Mama habang sinasabihan niya si Mapa na bilisan mag-drive dahil pumutok na ang panubigan ko.

Ipinasok agad ako sa delivery room. Sa sobrang sakit ay tila mawawalan na ako ng ulirat. Nanghihina akong sumasagot sa tuwing tatanungin ako ng doktor.

Malapit na raw lumabas 'yong baby dahil nasa bungad na ang ulo niya. The doctor told me to take a deep breath at umiri na ginawa ko naman. I kept doing that until finally ay lumabas na 'yong baby ko. I sighed heavily. Para akong nabunutan ng tinik sa loob ko lalo na nang marinig kong umiyak ang baby ko at iniabot iyon sa akin ng doktor matapos niyang putulin ang pusod.

I looked at him. Mas lalong tumagas ang luha ko nang mapansin na kamukha 'niya' ito. Ilong pa lang ay masasabi ko na na magkamukha silang dalawa. Bakit naman ganito? Kailangan ba talaga lahat na lang ng bagay sa paligid ko ay magpapaalala sa akin sa kanya?

"Thank you, baby. Hindi mo pinahirapan si Mommy," saad ko at tinitigan pa siya saglit bago siya kinuha sa akin ng nurse para dalhin sa nursery. Maya-maya ay tila nagdilim ang buong paligid ko.

***

SAKTONG pagmulat ko ay paparating ang isang nurse. Nakita ko rin si Juan na nakaupo at halos napipikit na sa kanyang kinauupuan. Inikot ng mga mata ko ang kuwarto at hinanap sina Mama at Papa. Bago pa man makapagtanong kay Juan ay binati ako ng nurse saka nagsimulang magtanong.

"Ano'ng ipapangalan mo sa baby mo?" she asked. Bago ko siya masagot ay nakita kong tuluyan nang nagising ang diwa ni Juan na nakikinig na sa amin.

"Drake . . ." Tumingin ako kay Juan. Naalala kong hindi pa rin siya umuuwi. "King," dagdag ko pa. Dinig ko kung paano huminga nang malalim si Juan.
Madami pang itinanong sa akin ang nurse bago niya kami iniwan.

Nang maiwan kami ni Juan ay tinanong ko siya kung nasaan sina Mama at Papa at napag-alaman kong nasa labas pala sila para bumili ng aming makakain.

"Drake King . . . nice name ," pagbago niya ng usapan.

"He is still his son," sagot ko.

"So you have a plan to introduce him to Ricci soon?" tanong niya.

"You know that is impossible," sagot ko. Wala na siya rito sa Pilipinas at ikakasal or kasal na yata sila ni Raven. Magkakaroon sila ng sariling pamilya at ayoko naman na guluhin pa sila.

"Well, if it's meant to be, it will be. For now, take care of yourself and Drake King. Call me when you need anything," he said.

"Call him Aki. Salamat sa lahat, Juan. You shouldn't do these things kasi hindi naman ikaw ang ama niya. You should focus on yourself. Masyado na kitang naaabala," sabi ko sa kanya. Nakahihiya rin kasi na palagi siyang bumibiyahe nang malayo para lang puntahan ako.

"It's alright. I told you, I got you always," nakangiting sabi niya sa akin.

Maya-maya ay nag-ring ang cell phone niya at nakita ko na tinatawagan siya ni Mary.

"Your friend seems to have a problem. Since you can't check on them now, I'm checking them up for you. Don't worry about them," paliwanag niya na tila ba nababasa niya ang nasa isip ko.

"Thank you, Juan," pasasalamat ko sa kanya. Mary might look intimidating but she has a soft spot. I had no idea what was her problem, but good to know that Juan was there for her.

"I'll answer this first," sabi ni Juan kaya tumango ako sa kanya bago siya lumabas sa kuwarto at sinagot ang tawag.

After a few moments, dinala na sa akin ng nurse ang baby ko. Ang guwapo-guwapo niya. Ang kapal ng kilay at ang tangos ng ilong niya. He really does look like him and I can't deny it.

In February 22, I gave birth to a 7.4 pounds baby boy named Drake King.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon