Chapter 28

47.2K 1.1K 224
                                    

Chapter 28

"TUMATABA ka," bati sa akin ni Kamila pagkapasok ko sa class- room namin kaya naman pati si Mary ay napatingin sa akin.

"Talaga ba? 'Buti naman," sagot ko sa kanya kaya naman napataas ang kilay niya at lumapit siya sa akin.

"Aray!" sigaw ko dahil pinisil niya ang nag-iisang pimple ko sa may bandang noo ko.

"Weird, ha? Ngayon lang yata kita nakitang tinubuan ng pimple," sabi niya.

"Well, tao ako, Kams. Normal lang 'yan," sagot ko sa kanya.

Madalas naman talaga ako magkaroon ng pimples lalo na kapag puyat. Naaagapan ko lang kaya hindi napapansin. Mukhang may sasabihin pa sana siya pero mabuti na lang at dumating na ang prof namin kaya hindi niya na ako nagulo ulit.

Hindi ko alam kung bakit sobrang active ko sa recitation nang araw na ito. Halos lahat ng tanong ng prof namin ay sinagot ko. I just didn't want to mess things up kahit na sobrang gulo ng nararamdaman ko. Ayokong madamay ang pag-aaral ko. Gusto kong tuparin 'yong pangako ko sa mga magulang ko na pag-aaral ang first priority ko.

"Saan ka pupunta, Kams?" tanong ko kay Kamila pagkalabas namin ng room. Busy siya sa pagte-text niya at iba ang daan na tinahak niya kaya naman napasunod kami ni Mary sa kanya.

"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na first game ng UP ngayon? Tara na! Baka ma-late tayo! Magtatampo ang bebe ko," sagot niya at hinila ang kamay namin ni Mary papunta sa sakayan. Mukhang hindi na siya pinasusundo ng parents niya sa driver nila dahil madalas ay si Blaze na ang nagsusundo sa kanya at may tawagan na pala sila. Mukhang official na sila.

Nakarating kaming tatlo sa Araneta. Bumili si Kamila ng VIP Ticket para sa aming tatlo at nang pumasok kami ay napakaraming tao. Pawang mga nakadilaw ang kabila at maroon naman dito sa side namin. Nakatutuwa lang kasi noon ay mag-isa lang ako na nanonood pero sa pagkakataong ito, kasama ko na ang mga kaibigan ko.

Tahimik lang kami na nanonood at gaya ng dati ganoon pa rin naman ako, sa kanya pa rin nakatingin ang mga mata ko. Focus pa rin ako sa bawat kilos niya at napapatalon pa rin ang puso ko tuwing nakaka-shoot siya ng bola. Wala pa ring nagbabago, siya pa rin talaga ang isinisigaw ng puso ko.

"Serrano with his signature Euro step! Pasok ang bola!" sabi ng announcer after mag-dunk ni Ricci at nagtilian ang mga tao.

Hindi ko alam kung si Blaze ba talaga ang pinuntahan ni Kamila rito kasi mas malakas pa ang tili niya kapag si Ricci ang nakaka-shoot kasabay ang malakas na paghampas sa balikat ko.

"Ang galing naman talaga mag-shoot ng bola ni Daddy Ricci! No wonder . . ." sabi niya at tiningnan ako nang may malisya kaya iniwasan ko na lang ang tingin niya. Ewan ko ba sa babaeng 'to, ang dumi-dumi ng utak. Ano ba'ng ginawa ni Blaze dito at ganito ang iniisip nito? Minsan talaga hindi rin maganda ang epekto ng mga SPG stories sa Wattpad sa kanya.

Naging busy lang kami sa panonood. Malapit nang matapos ang game at malaki na ang lamang nila sa kalaban, pero bigla kaming na- distract nang may lumapit na babae sa amin. Agad akong napatingin kay Mary nang makita ko kung sino ang babae na iyon.

"Hi," sabi ni Khazzandra. Nakangiti siya pero halata sa mga mata niya ang lungkot.

"Ikaw si Mary, right? Can we talk? Kahit saglit lang?" tanong niya kay Mary. Mabilis namang tumayo ang kaibigan namin at naglakad. Ngumiti pa sa amin si Khazzandra bago sinundan ang aming kaibigan.

"Ikaw kasi, eh. Pinu-push mo si Hunter kay Mary. 'Ayan tuloy, kawawa naman si Khazzandra," sabi ko kay Kams.

"Why me? Alam mo, Zivs, once a cheater, always a cheater. Hindi ko naman sinabi kay Hunter na mag-cheat siya sa GF niya para kay Mary, 'no. Cheating is a choice. Tandaan mo 'yan," mataray na depensa niya kaya napatahimik na ako.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon