Chapter 26

46.7K 1.1K 187
                                    

Chapter 26

"WHAT? Pumunta kayo ng Isabela after ng announcement ng en- gagement niya sa Raven na 'yon? May time pa siyang dalhin ka sa Isabela?"

"Grabe, ha? Kung hindi ba naman talagang manloloko, eh," galit na komento ni Kamila after ko ikuwento sa kanila ang nang- yari sa akin after ng salubong party ni Ricci. Alam ko naman na ganito ang magiging reaksiyon nila pero dapat nilang malaman ito dahil wala dapat magsesekreto sa aming tatlo.

"Mahal niya raw ako," ang tanging nasabi ko sa galit ni Kamila.

"Mahal ka niya pero sinasaktan ka niya. Mahal ka niya pero magpapakasal siya sa iba. Anong klaseng pagmamahal 'yan?" komento naman ni Mary.

Akala ko'y hindi siya nakikinig dahil nagbabasa siya ng libro. We decided to stay here at the school cafeteria right after our class because I know I owe them an explanation.

"Bakit, ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko at tumingin kay Kamila.

"If you were me, Kams, ano'ng gagawin mo?" dugtong ko.

"Well, kung si Blaze man 'yan, bahala na siya! Choice niya 'yan. Kung mahal niya ako, ako ang pipiliin niya, pero si Ricci? In-announce nila sa buong mundo! I mean, everyone on the internet are talking about it. Balak ka pa yatang gawing kabit," sagot nya.

Tumingin naman ako kay Mary.

"Well, I don't know," sagot ni Mary.

"If Hunter loves you pero may Khazzandra na siya, ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa kanya at nakita ko kung paano napaawang ang mga labi niya.

"Kasi, 'di ba? They just broke up because of you. Ano'ng ginawa mo, Mary?" dagdag ko pa.

Huminga siya nang malalim at umayos ng upo.

"I told him na ayusin niya lahat between the two of them, na baka confused lang siya and lately, hindi na kami nag-uusap na dalawa," paliwanag niya.

"Don't get me wrong, Zivs, ha? Kasi kung mahal ka talaga ni Ricci, hindi siya papayag na i-announce sa lahat na ikakasal na siya sa iba," dugtong ni Mary dahilan para matahimik ako.

What if he was forced to do that? He told me that he was so tired being controlled. What if ganoon nga? Should I just let him go like that? Kaya ko ba na mawala siya sa akin? I love him so much that I am willing to get hurt if it means that I have the chance to be with him. God knows how much I am willing to do for Ricci.

"Uuwi na ako," sabi ko na lang sa kanila at umalis na. Gusto kong mag-isip mag-isa.

Pumunta ako sa mall para bumili ng libro na babasahin sa apartment pag-uwi ko. Gusto ko ng ibang paglilibangan dahil ayokong magbukas ng social media dahil natatakot ako sa mga maaari kong makita. I needed to unwind and regain my focus dahil 4th year na ako at kaunti na lang ay makapagtatapos na ako. I need to graduate on time.

"Zivawn . . ."

Napahinto ako nang makita ko si Juan. He's holding some shopping bags.

"Who's with you?" tanong niya. Umiling ako kaya naman sumabay siya sa paglalakad ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang kausap si Juan pero mas okay na siya kaysa kung sinuman. Alam niya kasi kung kailan magsasalita at kailan hindi. Tahimik lang niya akong tinitingnan habang namimili ako ng libro.

I settled with Lang Leav's Sad Girls. I didn't know kung tungkol saan ito but reading the title, mukhang makaka-relate ako. I love reading poems. Some poems make me feel things, lalo na ngayon na parang namanhid na ako dahil sa mga nangyayari.

"Wanna eat?" Juan asked nang makalabas kami sa bookstore pero umiling ako. Tumango na lang siya dahil siguro napapansin niya na wala talaga ako sa mood sa pagkakataong ito.

"Zivawn! Oh, and Juan?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Raven sa harap namin. She's wearing a gray fitted dress at bagay na bagay iyon sa kanya.

"Why are you here? And bakit kayo magkasama?" tanong niya na para bang may malisya ang tono ng boses niya.

Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol sa amin ni Ricci because she's acting as if we're okay. Siguro nga ay wala siyang alam. Inosente siya, Zivs, kaya wala kang karapatan na magalit sa kanya.

"Anyway, let's eat na lang! Tara, I'll treat you," sabi niya at hinila ang kamay ko. Napailing si Juan sa nakita niya pero tahimik lang siyang sumunod sa amin.

Pumasok kami sa isang fast-food chain. Tahimik lang ako habang umo-order si Raven ng pagkain sa counter.

"Gusto mo nang umuwi? I'll tell her," bulong ni Juan sa tabi ko pero umiling ako.

I wanted to talk to her. She needed to know everything. She deserved to know, and if she would ask me to let Ricci go then I would do because Raven is too kind that I don't want to hurt her feelings.

After a while, I felt like my world collapsed when I saw Ricci approached Raven, lalo na nang tumingin siya sa akin, dahil nawala ang expression sa mukha niya tulad ng nangyari sa party after niyang makita na naroon ako.

Hinawakan ni Raven ang kamay niya at iginiya siya palapit sa amin ni Juan. "Babe, Zivawn and Juan are going to accompany us, parang double date," nakangiting sabi ni Raven.

Tahimik naman na umupo si Ricci sa harap namin. It was as if he didn't know me. Bakit ganito siya umakto sa harap ni Raven? As if he's innocent, as if we didn't sleep next to each other noong mga nakaraang araw.

"We need to go," Juan said at tumayo siya pero pinigilan ko siya.

"Saglit. Dito lang tayo," sabi ko kay Juan.

Ngumiti ako at pinigilang tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan ko ang magkahawak na kamay nina Raven at Ricci sa ibabaw ng lamesa. Parang noong isang araw lang magkasama kami sa Isabela, sinabi niya na mahal niya ako, pero heto siya sa pagkakataong ito at kasama si Raven sa mismong harap ko na para bang hindi niya ako kilala.

Raven kept on talking about her wedding plans habang kumakain kami. Hindi ko alam kung hindi niya ba talaga napapansin or sinasadya niya lang hindi pansinin, that I was looking straight on Ricci's face. I didn't see any expression. He's acting as if I wasn't there at nakatuon lang ang atensiyon niya sa pagkain. Para akong nagiging invisible kapag kasama niya si Raven, at mas malala pa, sinubuan pa siya nito ng pagkain at tinanggap niya iyon. Wala ba siyang kamay? Bakit parang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko? Akala ko ba mahal niya ako?

"And 'yon, beach wedding . . . and I want Zivawn as my maid of honor. What do you think, babe?" Raven asked Ricci while she's smiling.

Akala ko masakit na makikita ko sila nang harap-harapan at magkahawak ang kamay pero mas may sasakit pa pala nang marinig ko na sumagot si Ricci sa kanya.

"Sure," malamig na sagot ni Ricci and with that, kailangan kong i-excuse ang sarili ko dahil bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon