Chapter 46

72.6K 1.4K 407
                                    

Chapter 46

"WHAT? When did it happen? Nasaan kayo? F*ck sh*t, Blaze! C'mon, magsalita ka naman," sigaw ni Juan sa kausap niya sa phone. He looked so nervous kaya kinabahan din ako lalo na nang magsimula siyang maglakad pabalik-balik sa kinatatayuan niya.

"Ano? Tell me, saang ospital?" tanong niya pa rito at kitang- kita ko ang pamumutla ng mukha niya, kaya pati ako ay napatigil sa kinauupuan ko habang tinitingnan ko si Aki na nakaupo sa tabi ko at busy sa panonood ng cartoons sa tablet niya.

Bakit kinakabahan ako? Ano'ng nangyari?

Napahawak ako sa puso ko habang inaalala ko ang mga sinabi ni Ricci kagabi.

'Do you wish me to die, Zivawn? Do you at one point of your life, don't want to see me anymore?'
No, hindi niya magagawa kung ano ma'ng naiisip ko ngayon. I'm sure enough that he's not going to do that. He is not going to hurt himself.

"Where are you going, Juan?" nauutal na tanong ko sa kanya nang kunin niya ang jacket niya. He looked at me at kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Ricci," tanging sagot niya at nanginginig kong tiningnan si Aki sa tabi ko na napatingin din kay Juan nang marinig ang pangalan ng tatay niya.

"I'll text you later. I need to go," paalam ni Juan at mabilis na umalis.

Ricci? Why? What did he do? What happened to him?

"Mom," tawag sa akin ni Aki nang makita niyang tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Agad ko siyang binuhat at kinuha ang cell phone ko para tawagan si Mary.

"Okay, okay, calm down, Zivs. We're on the way, okay? It's in the news everywhere. Hunter and I will pick up Aki there. Please stop crying," pagsagot ni Mary sa tawag ko.

Mabilis ko namang inayos ang mga gamit ko at ni Aki, pagkatapos ay inakay ko na siya palabas ng condo unit namin dahil pinasusundo ko siya kay Mary. Hindi niya muna puwedeng malaman unless maging okay si Ricci. Ayoko siyang mag-alala. He's too young to understand things like this.

"Mom, what's happening? Why Tito Juan is in a rush and where are we going?" sunod-sunod na tanong niya habang nasa elevator kami pero wala akong maisagot sa kanya.

"Hunter will send you there," agad na sabi ni Mary nang magkita kami sa labas aming condo. "Aki, let's go. Tita will bring you to the mall. Let me buy you some toys," nakangiting sabi ni Mary at kinuha si Aki mula sa akin. Nginitian ko naman siya nang malungkot at in-assure niya sa akin na babantayan niya si Aki, kaya naman sumakay na ako sa sasakyan ni Hunter.

"He'll be fine," sabi ni Hunter na nagda-drive sa tabi ko dahil nakikita niya kung paano ako nanginginig habang kinakagat ko ang kuko ko. This shouldn't be happening. No way.

"He's gonna be okay. Masamang damo 'yon," dagdag niya pero hindi ako makasagot sa kanya.
I knew na sinasabi niya lang naman iyon para gumaan ang pakiramdam ko pero alam ko naman na pati siya ay nag-aalala rin para sa kaibigan niya.

Ano ba'ng naisip ng Ricci na 'yon? Is he crazy? Bakit niya gagawin 'yon for me? Hindi niya man lang ba talaga iniisip ang nararamdaman ko pati ng anak niya? Ang sama-sama niya talaga sa akin.

"Zivawn," pagsalubong sa akin ni Kamila at agad ko siyang niyakap. Blaze and Juan were right next to her at nakatulala ang mga ito habang nakatingin sa isang kuwarto sa harap namin.

"Where is he?" I asked Kamila. I knew this is the first time I saw her after five years but I was still comfortable with her. Walang nagbago. She's still my best friend.

Itinuro niya ang kuwarto sa harap namin at mabilis naman akong sumilip doon. Nakita ko na ang daming tao sa loob at tila ba sila ay nasa gitna ng isang operasyon.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon