Special Chapter 02: Jealous

49.9K 1K 132
                                    

Special Chapter 02: Jealous

"HEY, Cci! You're here na pala!" salubong sa amin ng isang babae pagpasok pa lang namin sa bar, kung saan gaganapin ang birthday ng isa sa ka-team ni Ricci sa basketball na si Aljun.

Ricci didn't want to attend the party but I told him na pumunta na. Kasi naman, simula yata nang kinasal kami ay wala na siyang ginawa kung hindi puro training at bahay lang, kaya naman pinilit ko talaga siya para naman maka-bonding niya rin 'yong mga ka-team at kaibigan niya. Palagi rin akong kinokonsensiya ni Blaze na nawalan na raw ng time si Ricci sa kanila simula noong bumalik ako sa buhay niya. Mabuti na lang at napapayag ko si Ricci pero gusto niya akong kasama kaya kahit hindi ako mahilig sa ganitong party ay sumama na lang ako.

Ang tagal ko na ring hindi nakapasok sa bar na gaya nito.

"Come, nandoon sila, oh," saad pa nito at nakita ko kung paano niya ipinulupot ang kamay niya sa braso ng asawa ko na para bang hindi niya nakita na naroon ako.

Hindi niya ba ako napansin or nakita? Our wedding was all over the social media. Siguro naman aware siya na may asawa na ang lalaking pinuluputan niya at ako iyon? The audacity of her touching my man, pero mukhang invisible yata ako sa paningin niya na nagawa niya pang hilahin si Ricci palayo sa akin at dalhin ito sa kung saan.

Narinig kong nagkuwento siya sa asawa ko ng kung ano-ano dahilan para mapunta ang atensiyon nito sa kanya.

Huminga ako nang malalim dahil sa inis ko habang tinitingnan ko silang maglakad palayo sa akin, but I still managed to calm myself and just followed them. Ako ang nagpilit sa kanya na magpunta rito at hindi ko dapat sirain ang gabi na 'to.

His teammates greeted me when they saw me. They all knew na ako ang asawa ni Ricci Serrano pero ang babae na iyon? Nakakainis lang talaga!

"Hoy, Rhian! 'Wag ka ngang kakapit-kapit diyan kay Ricci. Nandiyan ang asawa, oh. Baka bukas makalawa nasa Raffy Tulfo in Action ka na," pabirong sabi ni Drei kaya naman tumawa ang lahat sa kanya maliban doon sa Rhian na napangiwing tumingin sa akin, lalo na nang tinanggal ni Ricci ang kamay niya sa braso nito saka naglakad papunta sa tabi ko.

So, siya pala si Rhian. The name was familiar because I saw it on Ricci's I-message for how many times. She's the girl whose been texting my husband a lot, and when I say a lot, she floods him with a lot of messages. Alam ko kasi ang password ng asawa ko at nakikita ko na hindi naman niya nire-reply-an ito.

"Asawa lang in papers," sabay palatak nito bago padabog na umupo sa tabi ni Drei.

I just watched them drink and talk about basketball at napapansin ko kung gaano pa rin kalagkit ang mga tingin ni Rhian sa asawa ko, kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Ricci na nasa tabi ko.

He looked at me dahil sa ginawa ko.

Halos kalahating oras na pero hindi pa rin binibitiwan ni Rhian ang titig niya rito. Mukhang malaki yata ang pagnanasa niya sa asawa ko at hindi ako natutuwa roon. Sino ba namang matutuwa kapag nakikita mong may ibang babae ang anytime ay parang handang tuklawin ang asawa mo?

"Are you okay?" Ricci asked saka mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Tumango lang ako sa kanya. I just wanted that girl to know na may asawa na 'yong tao at ako iyon. Ricci and I have been through a lot para mapaghiwalay kami ulit. Ayoko nang malayo ulit sa lalaki na 'to kahit kailan.

"I'll just go to the restroom. Uwi na tayo after. You look so bored," he said bago tumayo. I just let him kasi parang gusto ko na rin umuwi. Akala ko kasi whole team lang nina Ricci ang nandito since iyon naman ang sinabi ni Aljun. Inuman at kuwentuhan lang ang gusto niya sa birthday niya kasama ang teammates niya at mga girlfriend nito, pero bakit may Rhian dito na mukhang trip ang asawa ko?
Napakunot ang noo ko nang biglang tumayo rin si Rhian at naglakad papunta sa gawi na pinuntahan ni Ricci. Maybe she just needs to pee too, Zivs. 'Wag ka ngang praning!

I just drank the remaining wine in my glass and looked at my phone to count the time. Five mins, 10 mins, 15 mins, 20 mins.

Bakit ang tagal namang bumalik ni Ricci? Ayokong mapraning pero napapraning ako knowing na nandoon din ang Rhian na iyon, kaya tumayo na rin ako at nagpunta sa CR, only to see them hugging each other in front of the restroom.

I just stopped there and looked at them until they noticed me. Hindi ko ininda ang ingay at sigawan sa paligid habang nakatingin sa kanila, at kita ko ang paglaki ng mga mata ni Ricci at pangisi ni Rhian nang makita nila ako, kaya naman agad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila. I said ayokong sirain ang gabi na ito pero mukhang wala akong choice dahil pati 'yong mood ko ay biglang nasira.

"Aljun, happy birthday again. I need to go," paalam ko kay Aljun bago yumakap ulit sa kanya. Napansin kong parang nagtaka siya, dahil siguro nakita niyang wala pa si Ricci. Nagpaalam din ako maging sa ibang teammates nila na ka-close ko na rin.

Mabilis kong kinuha 'yong gamit ko nang makita kong nakasunod na si Ricci sa akin. Sana may taxi akong makita agad paglabas ng bar. Naiinis ako na ayaw ko siyang makausap muna, like how would he explain kung bakit sila magkayakap. Nakakag*go.

"Mommy," tawag ni Ricci sa akin nang maabutan niya ako na nag- aabang ng masasakyan, but I didn't look at him kahit na napatalon ang puso ko nang tinawag niya akong Mommy. He's been calling me that way simula nang bumalik kami from Korea one month ago at hanggang sa pagkakataong ito ay tumatalon pa rin ang puso ko kapag tinatawag niya akong gano'n. Pero sa pagkakataong ito ay naiinis ako at hindi ako dapat magpaapekto.

Nakatingin lang ako sa cell phone ko dahil wala akong mahanap na Grab driver sa malapit. Kahit Angkas or Joyride na lang sana papatulan ko na, makauwi lang sa bahay.

"Nandoon 'yong kotse sa parking. Tara na. Gusto ko na rin umuwi," sabi niya at sinubukang hilahin ang kamay ko pero hinawi ko siya. He's acting as if nothing happened, na parang hindi ko siya nakitang may kayakap na ibang babae. Nakatatawa.

"Are you mad? You know that I didn't like what happened. She just hugged me then she cried, that's why I tried to comfort her," he said dahilan para mapatawa ako nang mapakla. I knew it. Ayan talaga ang idadahilan niya. May time pa talaga siyang mag-comfort ng ibang babae.

"Really? You didn't like what happened? Hindi ko sure, eh, kasi mukhang matagal na kayong magkayakap kanina," saad ko kaya naman napahilamos siya sa mukha niya.

"Don't you trust me?" he asked as if he's frustrated. Siya pa talaga 'yong may ganang ma-frustrate.

"What if I say yes? Yes, I don't trust you kasi, 'di ba, noon iniwan mo ako para kay Raven? 'Di ba you just left for other girl even if I told you I need you too, kaya sa tingin mo, ano? Maniniwala pa ba ako sa 'yo?" tanong ko sa kanya. Lahat ng sakit na naramdaman ko noong iniwan niya ako, akala ko'y nakalimutan ko na, pero nandito pa rin pala.
Masakit pa rin pala kapag naaalala ko ang mga bagay na 'yon.

"I love you, I didn't leave you for her, okay? I left you because I thought that would be the best choice for us, not knowing that it's the worst thing I'd ever done in my entire life. I almost went crazy. Tingin mo ba gagawa pa ako ulit ng dahilan para mawala ka sa akin, ha? Para mawala kayo sa akin?" sabi niya.

I just looked at him because I was too numb to feel anything. Iyong ibang tao na nadaraanan kami ay napahihinto dahil sa eksena naming dalawa sa labas ng bar.

"I love you so d*mn much that I don't want to lose you again. Sana naman alam mo yan, Mommy, na ikamamatay ko kapag nawala ka pa ulit sa akin, 'di ba?" sabi niya pa and looking at his eyes, I saw pain. He's hurting too.

Bakit ba palagi na lang sarili ko ang iniisip ko. Bakit nakalimutan ko na may pakiramdam nga rin pala siya, na nasasaktan ko rin pala siya?

"You don't like her?" I asked him again 'tapos umiling siya. Ayoko na ng away. Ayoko na ulit nang hiwalayan. Aki wants us together and I don't want him to suffer again just because I got jealous of nothing.

"Stay away from her. Nagseselos ako sa mga babaeng lumalapit sa 'yo," sabi ko bago naglakad papunta sa kotse namin.

"What? They're the ones who should be jealous kasi ikaw ang mahal ko. Ikaw ang pinakasalan ko . . . ang nanay ng anak at ng magiging mga anak ko," saad niya habang sinusundan ako.

Shoot for the Moon [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon